Sunday, April 30, 2006

+ Tex Mex



Thursday night was another night of toma, yosi, sayawan, sexy outfits, party people etc... at La Paloma Tex Mex. It was Aissa's !15th bday. the celebrant as usual lashing but not me! Soooo masaya to the max! dahil sumakit paa at hita ko sa kakasayaw after.

Friday night, we ate our dinner at burger king. after dinner, shopping na! bought accesssories , shirts, lots of lots of bandanas at Claire's. so cheap lang kasi since it was sale. but before that i watched dvd of " Too Tired to Die" Kaneshi Takeshiro & Mira Sorvino. So weird movie but I like it! nadagdagan na naman crush ko!


Saturday, im so tired after work. i took a nap for awhile before headed to Aissa's Bday( again) dinner. this time wholesome na dahil family dinner and some of her close friends At Al Bandar resto. after i ate my small portion of dinner consists of seafoods, uminom kaagad ako ng famous panadol. ayokong magkasakit at umaabsent sa office. and whoalah! back to normal na naman ang aking body temp. but still inaantok and tired pa rin kami ni joi. so maaga kaming nag night-night. ZZZzzzz

for more of our not so famous pictures. whattabout click my multiply at right sidebar, eh?

ciao!

by the way, my other boss was already here :( and tomorrow my noypi boss will report na :( :( , so tapos na ang masasayang araw namin dito sa accounts. but hey! next week is my grand vacation naman so, ang saya-saya pa rin!

Tuesday, April 25, 2006

+ what a wonderful world +


watched this last night starring Ken Zhou of Meteor Garden ( Xi Men) & Gigi Leung, its about a boy fr. 20th century and a girl fr. 1979 - 1981 , they met thru walkie talkie ( na remember ko tuloy yong 90s na nauso ang handheld radios at EB hehehe) imagine! iba ang kanilang scenario, yong boy naka laptop na si girl as in walkie talkie lang at medyo black & white pa ang background ( love the cinematography) ang catch don...huwag na! nood na lang kayo! yokong maging spoiler hehehe...grabe! kakaibang love story, pedeng gayahin ng mga taga hollywood ang story. the best sa lahat ay umiyak daw ako sa katapusan ng story Image and love ko na naman ulet si Xi MenImage. i borrowed the dvd fr. my officemate, its 7 in one! i cant wait to go home and watch another movie hehehe... but wait!

PBB na naman! this time it is teen edition, buhay na buhay na naman ang aming dugo at couch twing 5:50pm hahaha!

----------------------------------

last thursday night was the night again for all of us! nandon sa happening are aissa, mhan, em, jett ( cousin of shiella), sheilla, joel , joi & moi. but before that nag malling muna kami nila aissa & mhan, unang ginawa, lumamon muna sa coffee beanery pagkatapos shopping na! bought tops , shirts for joi and 2 GB memory stick for our digicam. and then pumunta na kami sa house ng isang friend nila aissa dahil may bday. in short naki gate crash na naman kami hahaha! the night was filled with booze, smoke & loud noise galing sa videoke...the stars of the night are Em na lashing & Joel na ngiting aso the entire night dahil naka duet at parating dikit ng dikit sa kanya si Em hahaha! , muntikan ng maghalikan ang dalawa dahil sa kantyaw ng mga lalaki don na mga lashing na rin . sayang hindi ako lashing dahil baka maagawan ko pa ng eksena ang mag dyowa nong gabiImage. whattanight!

----------------------------------

our vacation is fast approaching... i cant wait to wear all my bikinis at siargao & camiguin! and feast the foods from my beloved hometown and baboy here we come! nyahahaha!Image

---------------------------------

wala pa rin mga amo ko, yey!

Tuesday, April 18, 2006

+ our new baby +


since we dont have a human baby yet...yan na muna baby namin , si baby suzuki swift hehehe...its 1.5-litreM15A petrol engine, 4 speed automatic, dual airbags, cd disc etc...all i can say sobrang ganda nya. ang cute! hahaha! tama ng bragging baka biglang uulan sa Doha.


***************************

on the other news, wala lahat ang mga amo namin, nagbakasyon! yey! kaya lang may problema konti pero duh! basta wala pa rin amo namin. buti na lang bumait at sumipag yong naiwan na kasama ko dito. siguro na touch na sya ni Lord. Thank God talaga dahil di ko na kayang gawin pa lahat ng gawaing naiwan nong nag resign sa dept. namin. Excited na rin ako sa bakasyon namin next month. goodluck na lang sa mga lamok, init, pollution, magnanakaw, at higit sa lahat GASTOS. sabagay 5 yrs na rin kaming di nakauwi, so expected lahat yon. and i cant wait to see my beloved Davao city na rin. i miss my mom na tuloy.

**********************************

Mainit na dito sa qatar, na feel ko yan kaninang lunch lang. summer na talaga. iba pa naman init dito as in literal na INIT talaga. aabot ba naman ng 50 ang init dito, oha? kaya pa? kaya pa naman namin kasi kung hindi malamang wala na kami dito. pero comfy pa rin kahit sobrang mainit dahil hindi uso dito ang maglalakad sa kalye at may AC naman lahat ng pupuntahan mo. kaya nga lang di ka talaga makatagal sa labas maski madaling araw dahil mainit talaga! ang okay lang dito kahit tagaktak ang pawis mo di ka nanglalagkit at kulay black ang shirt mo. dahil nga walang pollution dito meron man sobrang tolerable lang talaga. di kagaya sa pinas na, black pati ilong mo hahaha!

saya talaga walang amo, saya-saya!

Tuesday, April 11, 2006

+ so many gimiks to write but too lazy (again) to write+

265375
...thurs, last week... im a little drunk...got a hangover because of frozen margaritas ( i actually made it). sakit ng head ko the whole friday. but still managed to do some household chores ( no choice, eh). we watched Bloodrayne , after i finished my chores...siguro mga bandang 4pm something. the movie is about action-horror film is set in ancient Romania and stars Kristianna Loken (TERMINATOR 3) as Rayne, a half-human/half-vampire sworn to kill her evil tyrant vampire father (Ben Kingsley). Michael Madsen, Michelle Rodriguez, and Matthew Davis play a trio of vampire hunters who ally themselves with Rayne, blah! blah! blah!. the movie is a so-so... what i like most pag nanood kami ng movie is their caramel/salty popcorn. hehehe...sarap!

saturday, i went to joi's office and afterwards pumunta ng mall sa likod lang ng office nila to see if there is a pair of shoes for pasalubong to his dad. and finally, meron nga. but i did not buy it... this week perhaps. after libot-libot sa mall, i chill ( PBBCE Zanjoe famous line) at Costa Coffee. the place is so cozy but the couch is not as soft like in starbucks. but the price is less cheaper but the quality is still the same and love their sandwiches! okay, tama na baka ma discover pa ako ng costa coffee. after 1 hr. half ( o diba, chill na chill talaga) pumunta na kami ni joi sa city centre bus stop para kunin sila aissa & mhan. we headed to sheraton hotel - pirates cove resto/bar. it's mhan treat to us! dahil 1st sahod nya. actually 4 of us except yen, 1st time namin sa pirates cove, the foods is great and also the price, pero okay lang di naman kami ang nagbayad. hahahaha! it has a live solo concert na pinoy ang kumanta at nag organ. kala nga namin cd yon, yon pala live! ganda kasi ng boses nong pinoy. he sung english and pinoy songs...maraming di naka relate na customers sa pinoy songs, kami lang atang 5 ang pinoy na customers don, hahaha! we parted at pirates around 11pm+.

sunday, joi & i went to carrefour para tumingin-tingin ng travelling trolley at para bumili na rin, so we decided na bilhin na lang mas mahal don dahil it has 5 yrs. warranty. gulay, travelling trolley lang almost Qrs. 500 na. tapos itatapon lang ng mga porter pag check in. anyways, okay na rin para di mawarak just in case sobrang tapon ang gawin sa trolley ko.

Monday, April 03, 2006

+ pasalubongs +


2 days ago, naisipan namin ni joi magshopping for our pasalubongs para sa aming mga mahal sa buhay. nabasa ko kasi sa isang local newspaper na SALE daw sa bossini. since, like na like ni joi ang mga cargo shorts don, kaya go na kami. pumunta muna kami sa aldo for shoes hunting sa mga bros. nya. may nakita kaming naiwan sa SALE last season na 2 shoes, kahit sale sya mahal pa rin! binili na namin yong 2 pairs kasi maganda naman kahit last pair na. next stop, sa bossini (of course) joi bought 1 cargo shorts & polo shirt and mine naman a pair of wedding slides sandals ( pang wedding kasi ang kanyang materials like white cloth w/ beads) cute! and mura lang, sa isang shop ko naman yon binili. after hyatt plaza we headed to lulu centre para tumingin ng mga watches for my mader & sister. we saw 2 nice and not so expensive watches kaya binili na namin. Hay! gastos talaga, pasalubong pa lang laki na ng nagastos namin. and to think kulang pa ang mga yon. buhay abroad, talaga naman. next week wala na kaming gawin ni joi kundi mag pasalubong hunting. nakaka stress talaga pag hindi para sayo ang mga pinamimili mo. dahil iisipin mo pa kung magustuhan ba nila o ano. minsan naisip ko, pera na lang kaya ibigay namin at bahala na sila sa buhay nila. pero sabi nga, iba pa rin ang gift at imported goods. goodluck na lang sa amin this month sa paghahanap ng mga pasalubongs na yan. sana mag SALE lahat ng dept. store dito. para madali lang mabili ang lahat lahat!

p.s. yong mga ka-shukran members pala, kung balak nyong makipag EB sa amin. PM nyo na lang sa akin ang mga numbers nyo sa shukran forum. para ma-contact namin kayo anytime. definitely, lunch yon at June pa gaganapin.