Sunday, January 20, 2008

I want This

for my Birthdhay!

on March 10.

kung sino man dyan ang may mabuting kalooban na meron ito sa bansa nyo. kasi ulats sa bansa namin.

sana Gip mo-na-sa-akin.

size: Large.





Wednesday, January 16, 2008

Brrr...

7 degree celcus sa Doha. Umuusok bibig ko habang nakipagusap kay J sa sasakyan. 4 days ba naman umulan dito, sunud-sunod. kaya yon ang resulta. pero kanina ngumiti na rin si mr. sunshine siguro naman hindi na uulan, ma check nga sa weather.com . 2 weeks na akong hindi naglalaba . ayon punong puno na ang basket hindi na magkasya.

kagabi, pumunta kami ng Hobbyland, toys for the big boys. nakakalula naman talaga ang mga nagagandahang toys from RC cars to jet plane. nakakalula din ang presyo ng jet plane. 40K! eh makabili ka na nyan ng sasakyan. wow! nasabi ko na lang don sa nagbabantay na noypi. talagang ganyan ang presyo ng mga jet planes nyo? 30 to 40k? napatawa na lang sya sa reaction ko. kasi naman daw makina pa lang 15k na. mantakin mo nga naman...

natapos na rin ang mega sale ng mga shops dito. tapos na rin ang walang tigil na ka sho-shopping halos araw-araw. ito, nag text na naman ang aldo, 50% daw sila. waaaaaaaa! magaganda pa naman ang mga boots don. hmmm.

na miss ko na ang MGG, wala kasi ang pressy at bus. manager, nasa pinas nagpapakasarap kaya natigil muna ang weekend get together namin. panigurado pagdating nong dalawa, maraming e chika ang mga yon at pasalubong na rin. na excite tuloy ako.

bonding ever kami ng mga housemates ngayon sa bahay. every weekend halos nag BBQ party kasi malamig na. dahil don, nagkakakilanlan ng lubusan. naging close. buti na lang wala masyadong KJ. pero hindi na namin pinapansin ang mga yon. nakakasira lang ng grupo.

nanood ako ng atonement kagabi. nakakaiyak. kaya ko pinanood yon dahil kay James McAvoy ( becoming jane). ang saklap na naman ng sinapit ng love story nya kagaya din ng Becoming Jane. Bravo! ang pelikula kahit medyo magulo at hindi ko masyadong naiintindihan ang salita nila dahil ang heavy ng brit accent naman. depressing ang movie, kakalungkot. kaya ako naiyak.

ayon. iinom muna ako ng black tea. hindi ata nakayanan ng heater dito sa office namin kasi malamig pa rin. brrr.






Thursday, November 08, 2007

amazon



lapit na pasko. ano ba gusto ko? actually maymee, wala! o see? hehehehe... kaya wala akong amazon wishlist. pero yong wishlist ng asawa kung si lurking na 10mos. na nyang kinukulit sa akin yan natupad din dahil nakakarindi na pakinggan.

ayon bumili kami ng :

Sony Alpha DSLR-A100

& Sony 75-300mm f/4.5-5.6 Compact Super Telephoto Zoom Lens for Sony Alpha Digital SLR Camera.

ang masasabi ko lang sa DSLR na to, ang hi-tech at ang ganda.

kaya yong wishlist ko sa sarili , sinantabi ko na.


Wednesday, November 07, 2007

glued

thanks to http://www.pinoychannel.tv for the updates of PBB celeb 2. pang paalis ng antok ko yan dito sa office although nakakaburaot sila in fairness. hahaha.

una si Mariel, what's with her? ang arts nya ha, grabe sobrang nakakarindi pag sya na ang nagsasalita.

second si Baron, adik na baliw pa hahaha.

3rd si Megan, kaya laging na nominate eh.

yong mga fans ng mga nabanggit ko sa taas. opinyon ko lang yon ayon sa aking nakikita at naririnig. kaya walang personalan, critic lang.

natigil na rin ang panonood ko ng korean series. for the meantime lang naman, for sure ma mi miss ko rin yon.

by the way, kung mahilig kayong mag DL sa Torrent.

watch kayo nito ang galing at nakaaaliw. in short worth it panoorin lalo na pag wala kang magawa at nakatunganga lang sa bahay.


: samantha, who? : Christina Applegate and Barry Watson of Seventh Heaven! ang fogi!
: big shots : 4 hunkie guys!
: californication : David Duchovny the yummers! rated R pala to, daming boobs! hahaha.