Saturday, April 16, 2005

++ adios, winter... marhaba summer! ++

okay, for almost 4 years hindi pa ako nakapagtampisaw sa dagat ng peninsula gulf, nagtataka rin ako kung bakit nga ba? eh, halos every year pumupunta kami ng beach...siguro hindi ko lang feel maligo non at hindi ako na-eenganyo ng tubig dagat. pero this time, iba na ang pagtingin ko sa kanya, ang sarap palang maligo kasama mo...

kahapon Friday 15-04-2005 11:30am, nasa sealine beach resort na kami ni Joi. Wow! daming fogi! hehehe...at mga girlet na naka 2-piece bikini kahit lalaki ng mga bilbil nila, go pa rin at hindi sila nahiya, sabagay mga caucasian kasi kaya walang paki. syempre sila nga naka bikini kahit ganon katawan nila ako pa? na malaki rin ang bilbil (hahaha!) and its about time to wear my new 2-piece bikini sayang kung hindi ko yon susuotin kaya wala ng hiya-hiya, kahit daming lalaki mostly kasi puro mga lalaki ang nandon, care ko eh wala din naman silang care sa akin.

sarap ng tubig dagat! sarap magtampisaw, grabe kung hindi lang nakakaitim ang init ng araw baka don na ako maglagi sa dagat! pero kumain muna kami ni joi ng buffet lunch (dahil buong umaga akong hindi kumain )sa The Pearl Restaurant , sarap ng shirmp w/ garlic sauce (inubos ko halos ang natirang shrimp at yong kasunod ko siguro na kukuha din don, siguro nainis sa akin, sorry na lang sya dahil matakaw ako pagdating sa shrimp), beef w/...., at chicken mexican style, atbp. na hindi masyadong masarap sa aking panlasa.


resto:

Image hosted by Photobucket.com

lobby:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

gusto ko pa sanang hindi umuwi pero syempre kelangan dahil may work pa kinabukasan, umuwi kami mga 5:30pm. at lantang-lanta dahil sa biyahe at antok dahil sa dagat.

pero masarap pa rin ng feeling...

Sunday, April 10, 2005

++ inaamag ++

isa na ako sa mga inaamag ang blog. dati pag nakita ko ang isang blog na ages na ang entry, agad akong nag comment sa tagboard na "inaamag na ang blog mo" o di kaya "inuod na" pero ginagawa ko lang yan sa mga kaibigan ko na makakasakay at hindi ma offend.

at ito na nga isa na ako sa mga taong yon. lately kasi nakakatamad mag update, ewan basta na feel ko lang, sabi ko pa non ito yong stress relief ko pero sa mga nagdaang araw parang hindi ata, pero hindi ko pa rin nakakaligtaan ang mga taong bumisita at hindi sa blog ko, by random na lang ngayon hindi gaya ng dati na lahat ng blogmates ko pinupuntahan ko kahit hindi sila magreply sa tag ko. basta ang importante nakabisita ako sa blog nila. pero nakakasawa na rin palang ako na lang ng ako (drama, emote mode), kaya ngayon pasensya na kung hindi ko nadalaw ng ilang araw o buwan ang blog mo. pero kahit hindi ka dumalaw at magiwan ng mensahe sa tagboard ko, balang araw bisitahin ko din ang blog mo para kumustahin ka. dahil kaibigan kita at hindi pa rin kita nakakalimutan.

siguro epekto ang lahat ng ito sa panonood ko ng stairway to heaven , at mga dvd rental na nakakaiyak minsan ang movie at siguro kaya ako nagpaputol ng buhok at nag pa relax din. sya tama na ang drama at kilig moments naman tayo.

pang pakilig moments:

Image hosted by Photobucket.com

Name :KWON Sang Woo
Date of birth : August 5, 1976 (Leo star sign)
Place of birth : Dae Jeon
Height : 182cm (6')
Weight : 70 kg (154 lbs)
Blood Type : O+
Family : Mother, Brother, Sister-in-law, baby niece
Religion : CatholicEducation : Dae Heung elementary; Dong Myung middle school; Chung Nam high school; Art Education Department of Han Nam University
Hobbies : Basketball, Weightlifting, Swimming, Boxing
Friends : Song Seunghun, Park Jungchul, Kim Youngjung, Lee Yijin
Most visited place: California GymnasiumBedtime : Before dawn 2-3
Favorite Food : Korean food, Ttukboki, Sashimi, Fruit
Favorite Season : Spring
Favorite Words : Hope, Dream
Happiest moments : Meeting fans
Offical Email :
www.istar.co.kr email: sangwoo@istar.co.kr
Official mailing address :
IStar Cinema Co., Ltd.5F. Seuk Kwang Bldg. 168-21Samsung-dong, Kangnam-gu,Seoul, KOREA 135-090

and his latest tv series:

Image hosted by Photobucket.com

Sad Love Story TV Series (2005)




Saturday, April 02, 2005

++ site meet doha get-2-gether ++

Unang trip namin ng taga Doha office ang pagbisita sa site office namin sa Ras Laffan Industrial City nong thurs. (mar. 30' 05 ) , nagtitipon-tipon ang mga taga Admin (site office) at Doha office people, na ginanap sa Recreation Hall. As expected ibat-ibang nationalities ang mga nandon - Pinoys, Italian, hapon, Indian ( sila ang may pinakamarami sa dumalo), at Arabo. Iilan lang kaming babae kaya naman ang mga tao sa site office parang don lang sila nakakita ng babae , este mga sexy at magagandang babae pala.

Daming fuds & drinks! kaya lumamon kami hanggang sa hindi na makahinga at hindi pa nakontento at nag to go pa! pinoy talaga kami, walang duda.

ito yong mga pictures , ebidensya kung gaano kami ka behave sa party!





jeng: nakakaantok naman yang kinanta ng hapon!
me : huwag kang maingay
yen : pero cute naman yong boses nila
diba?




huwag mo silang kainin ng buhay, aissa




walang sinabi ang mga Champion ng Star in a Million kay yen noh!




yoko! ikaw na lang kumanta , hiya ako.




idol ko talaga si yen!




ZZZzzz...





relax muna




cheers!!!