Monday, June 27, 2005

++ au revoir V ++

for the past few days wala na akong ginawa kundi mag overtime ng 2 hrs or minsan 2.5 hrs , which is nasisira na ang before 6'oclock pm eating habit ko at dahil nga sa sobrang busy ako nakapagpalit pa ako ng template (para sa mga friends ko na nahihirapang buksan ang dati kung template) at ngayon nga nakapag update pa, san ka pa? kelangan lang kasi baka magtampo dahil lahat ng umaalis dito sa office namin ginagawan ko ng entry. kita naman sa title na V (5) na ang umalis sa opisina namin (hai, kakalungkot na naman) sino nga pala ang aalis na naman? walang iba kundi si YEN.

bakit nga ba sya aalis? basahin nyo na lang yen's blog nya.

ano nga ba ma-mimiss ko sa kanya sa araw-araw na pagsasama namin dito sa opisina?

hmmm....dami! kagaya ng:

*hindi ko na nakikita ang pagmumukha nyang ngumingiti habang nag cha-chat o nagbabasa sa net.

*nagkikipagtsikahan sa akin pag may nabasa sa net or may nahagilap na tsismis.

*ang malakas nyang tawa at boses tuwing kami ay mag lu-lunch break.

*ang nakasimangot nyang mukha pag nakikipag-usap sa mga makukulit na supplier, pag inuutusan ni tsong o di kaya wala lang dahilan. ano pa nga ba?

*actually yong buong mukha nya ma-mi-miss ko sa opisina.

pero hindi dyan nagwawakas ang samahan namin dahil patuloy pa rin kaming magkikita nyan eh yon kung may SALE, may PARTY, may LAKWATSA, at may GIMIK pero siguro madalang ng mangyayari dahil may SB na sya. ganyan siguro ang buhay walang permanente. masaya ako sa bago nyang kinalalagyan dahil sobrang laki nga naman ng kompanyang yon at forever and ever na atang don sya magtra-trabaho unless aalis sya ng Qatar. pero yon nga lang sobrang layo ng working place nya at dapat maaga sya gigising ( kaya dapat yen maaga ka ng matutulog kagaya ng SB mo noon na maagang natutulog).

pahabilin:

huwag mong kalimutan ang despedida , 1st month salary treat (kagaya ng ginawa ni kat sa atin) at b-day treat ( Aug. 10) huwag kang mag-alala bibigyan ka namin ng regalo.

huling hirit:

kelan kaya ako aalis dito? (alam ko tatanungin nyo ako) hanggang may CMS pa, hindi ako mag re-resign (bow). loyal talaga ako pag gusto ko ang kompanya. sayang din kasi ang gratuity at kelangan ko pa ng mahabang experience dito sa opisina para makakuha ng magandang trabaho pag matapos na ang project ng CMS. suma total kanya-kanyang diskarte lang sa buhay.





Tuesday, June 21, 2005

++ lemme try this one also ++

hai naku Mharlon naalala ko tuloy yong chain letter non na sulat kamay or typewritten (hindi pa uso ang PC non) tag 20 copies huh!? ngayon hi-tech na hi-tech na ang chain letter dahil gamit na ang yahoo IM or ito na nga...anyway, para hindi magtampo yong taong isa sa nagpasimuno nito, ito na sasagutin ko sa abot ng aking makakaya

Total number of films I own on DVD/video:
hindi na mabilang eh...at tamad magbilang, basta marami hehehe....(puro pirated naman)


The last film I bought:



The last film I watched:



Films that I watch a lot or mean a lot to me:
1.
2.
3.
4. dirty dancing ( Patrick Swayze & Jennifer Grey

5. Somekind of Wonderful(mary stuart masterson)


Five people I'm passing this to:

1. franz
2. jade
3. len
4. tinne
5. ayrin

ayan binigay ko na sa inyo ang aking trono, bigyan pansin nyo yan ha? para hindi kayo ma badluck ng isang buwan (hahaha!).

Ad: check my lovey's blog!

joi Y360!

Saturday, June 18, 2005

++ my 1st snapshots of P200 ++

6:00pm : nagkita-kita kami nila yen & kat ... straight from kat's office pumunta kami sa Lina's Cafe, one of the latest cafe's serving mainly sandwiches...i ordered the meat fillet accompanied by some crips & fresh cocktail juice, yum! yum!yum! wala kaming ginawa kundi kumain-tsika-tawanan-tsismisan-inom-kain-vice versa. after 8pm dumating na naman si joi tawanan, tsikahan, inuman (ng juice), tsismisan at pikturan. ang saya!

10:00pm : kina jodeth's house na naman para bisitahin sya at mag videoke na rin. tawanan na naman, tsikahan, inuman ng baileys w/ left over tequilla, kantahan. riot talaga!

friday: watched mr. & mrs. smith w/ joi, dinner at flor...(i forgot the exact name of the resto), malling, grocery (as usual), natulog na after gala dahil sa sobrang pagod, pero gising pa rin kami till 12midnight para lang makabati sa isa't-isa ng "happy anniv" and tulog ulet hehehe!

ang saya ng weekend ko dahil nag bonding session na naman kami ng mga ka officemate ko, kami ni joi (parati naman).

and of course! happy 4th wed. anniv. sa amin ni joi! ayan hindi na talaga nakalimutan namin. i love u so much lovey!

visit also my other blog
My 360

the P200:
yahoo photos(Linas & Jodeth's)

Wednesday, June 15, 2005

blessings


Image hosted by Photobucket.com

and now the secret was revealed, the 2nd gift from my hubbybi joi...thanks my lovey for making my wishes come true (gusto kung umiyak pero di ko magawa), that's why pala hindi kami natuloy on our vacation this year because of these pala, hehehehe babaw no? hindi, meron pang mas mabigat na reason on why we can't go on our vacation this year but i want joi to write about it. basta happy ako ngayong wedding anniv. namin, dahil last year we totally forgot it, hahaha! so nag accomulate na lahat ng gifts nya sa akin. what about me? wala eh...broke ako ngayon, hahaha! babawi na lang ako next year.

and before i will end this entry i would like to greet one of my close friends here in cyberworld franz


Image hosted by Photobucket.com

because it's her bday, happy birthday! and sorry franz, naunahan na kita sa digicam mo, pero i know, mapasaiyo rin yon bago pa mamuti lahat ng buhok mo
Image. Image yan na lang muna gift ko sayo hehehe... i love u friend kahit hindi pa kita nakita in person. i hope bago ka pumunta sa ibang lugar magkita-kits tau, at maka jam sa videoke dahil ganda daw ng boses mo. o sya tama na baka matuwa ka na lalo sa akin hahahaha! yong wish ko sayo? alam mo na yon. sa mga di pa nakakaalam hanapin nyo na lang.

Monday, June 13, 2005

++ confession of a korean mini series follower ++

my new toy! Imagethanks to my boyfriend Joi,  wedding anniv. gift nya yan sa akin, taray diba? and one more to go! ano yon? sekret! ImagehahahaImage



heres the link to know him better:

motorola v3


Sunday, June 12, 2005

++ my alter-ego ++

check this out, mas updated pa to 360 kaysa blogspot. dont forget to comment na rin para maging masaya naman sya.

Tuesday, June 07, 2005

++ avant ++

last week and last last week anong bang ginawa ko? ...

: nanood ng korean series na full house which is namaga na naman mata ko sa kakaiyak, hai naku titigilan ko na nga munang manood ng korean series na yan kaso nakaka temp dahil daming pang series na naka line-up. hindi ko na alam anong umpisahan ko sa mga yon, lapit ko na ring matapos ang glass flower isang disc na lang kaya goodluck na naman sa mata ko.
: my sassy girl & my bf is type B ( na half lang nakita ko dahil natulugan ko na naman) movies pinanood namin ni joi for 2 nights straight. korean movies na naman pinanood ko, hindi na ata ako tantanan ng mga korean films na yan.
: went shopping last wed. w/ yen dahil sale sa bossini , ayan napagastos na naman ako, i bought 3 shirts and 1 shirt for joi (hehehe, sorry joi hindi kasi kita kasama kaya isa lang sayo)
: malling last friday sa city centre dahil sale na naman sa halos lahat ng shops, buti na lang wala akong nabili, kahit gustung-gusto ko yong isang pag office shoes sa shoemart, kaya hindi ko binili dahil mahal pa rin! kelan kaya yon eh 50% off? at may isang sandals din akong gusto sa timberland pero yon nga mahal pa rin ...kelang kaya yon maging Qrs.50 na lang? dahil walang nabili kumain na lang ng belgian chocolate ice cream sa haagen (yon lang pala ma afford ko).
: nag grocery pagkatapos sa lulu hypermarket dahil may gift cert. na natanggap si joi sa office nila.
:kumain ng dinner sa fuddruckers dahil sa nakitang ad sa news na 1 burger worth Qrs. 9 ikaw na bahala sa toppings! kahit isang milyon na lettuce, onions,tomato, etc...ilagay sa burger mo...pero nong umorder na hindi naman yon kinain ko kundi cheesey fries con carne( tama ba?) pero yon ang main ingredients : fries wedges, chili con carne and melted cheese. yum! yum! kay joi? ano pa kundi 1 lb. hamburger! whoah! sa sobrang laki hindi nya naubos, dahil tinulungan din nya akong kumain sa inorder ko na sobrang dami din pala.
:nag-chat kami ng barkada ko 2 days ago w/ my beloved mama, ayon nakita ko sya thru webcam. waaaaaaaaaaaaaa! miss ko na nanay ko, sabi ko sa kanya anong gusto mong pasalubong? kahit ano daw, basta uuwi kami ngayong Aug. (o diba? nanay talaga).
:change sitting arrangement na naman kami sa opisina , actually hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong lumipat fr. table to another table, lahat ata ng table dito sa dept. namin dumaan na sa mga kamay ko . naalala ko na naman ang isang incident about sa sitting arrangement na yan, hmmm...ngayon, na transfer ako sa pwesto ni yen na kaharap ko ang pinto, si yen naman nasa likod lang nya si tsong (hindi na sya katabi ngayon kundi sa harap ni tsong na! hahahaha!) pero katabi ko pa rin si yen at ang kumuha ng pwesto ko si jeng dahil na promote(?) sya from receptionist to secretary for our italian bosses. inggit kami sa ibm pc nya! at sa space dahil maluwag, kaming apat : tsong, yen,ako, aissa halos dikit-dikit pa rin kami. masaya na rin dahil nadagdagan na naman ng maganda sa dept. namin (hehehehe!).

ayan ioj nag-update na talaga ako alang-alang sa pangungulit mo sa akin. ganyan kita kamahal! oi! lapit na pala anniv. natin no? sana hindi makalimutan gaya last year hahaha!