Saturday, December 24, 2005

These the seasons to be Jolly... tralalala.. lalalala..

the party...

last thursday Dec. 22 8:00pm at Bennigan's, we had our 2nd yr. CMS & Ex CMS girls get2gether/kris kringles party. U know who is my santa? si Jodeth pa rin, she gave me jogging pants last year and now a handbag from milano. ang saya as usual...tawanan, tsismisan, pikturan, kain dito kain don (ako pala yon hahaha!).

cms and ex cms party
waiting for our order

taray ng kumbrador!
taray ng kumbrador ng last 2 wahahha! but naka pocket pc naman.

w/ lovey joi
love this shot...

w/ aissa and the jacket
w/aissa and the jacket as my kris kringle

mga adik talaga
uwian na! dala-dala ang mga gifts at the car park



at the La Paloma...

after party pumunta muna ng bahay nila aissa para sunduin sila ng bf nya and headed to Paloma. Eventhough hindi kami nakakuha ng reservation at least nakaupo pa rin kami since konti lang ang tao dahil siguro holiday na, worst pangit pa ng mga tinugtog nong DJ puro trance, ano ba? wala kaya sya sa states para ganon itugtog nya kaya hayun di napuno ang dance floor at pinagtyagaan na rin namin pero saglit lang. We parted at 3:30am from Paloma. We still enjoyed the night of course!

gimikeras
always present sa mga gimiks

Wish u all a very Merry Christmas and Happy New year!!!


spirit of christmas
with yen and the huge christmas tree at City Centre



Sunday, December 18, 2005

what a life

I wish this is our home
( our home , hehehe...how i wish)

wala na akong ginawa for the whole 15 days kundi maglustay ng pera. hahaha! remember the budget? screw it! lol! eh, paano ba naman december ngayon...kabi-kabila ang 50% off sale, sinong hindi ma-enganyo? idagdag pa ang mentality na, dapat from head to foot bago lahat ang isusuot sa party. naalala ko tuloy sa pinas pag pasko dapat bago lahat kasi kung wala kang bago napakawawa mong tao. until now, nadadala ko pa rin ata ang mentality na yon but i think hindi lang nangyayari sa december kundi every month ata...ang culprit kung bakit nakapag shopping kahit may tina target na budget dahil sa mga credit cards na yan na ang laki ng mga limits kaya nakakapag shopping ka talaga to the max! pambihira talaga tong bansang pinaglilingkuran ko ngayon...lahat na ata ng loans ini-offer nila dito mapa-personal loan na after 6 mos pa bago ang 1st payment, car loan na after 3 mos. pa mag take effect ang 1st payment, credit cards na upto 5mos salary ang limit, lahat yan pedeng walang guarantor o salary transfer, hindi kasi natatakot na magpautang ng basta-basta lang dahil hindi mo nga naman sila matakasan kasi naka record ang mga utang mo sa immigration database kaya bago ka mag for good sa Qatar kelangan mo ng clearance sa bangko.

sa thursday na ang aming cms xmas party /kris kringles...saya! dahil magtipon-tipon na naman ang mga cms & ex cms girlets, walang sawang tsikahan at tawanan na naman and after party diretso na sa la paloma till wee hours. ang nakakatuwa pa, i bought 5 gimik outfits for one month supply, hahahaha! o diba? gimik talaga nasa isip ko ngayon.

sale na bukas sa mango...mapabili na naman ba ako? malamang...

Sunday, December 11, 2005

Back in Business

After a long period of absence at the bar, we are back in business!

ang mga naganap: 2 weeks ago nag bar hopped kami ng mga gimikera sa doha. 1st stopped sa Ramada para maging jologs muna at hindi nga kami nagkamali, the pinoy band sang PBB ultimate sea games anthem ng bayan " pinoy ako" , saya! eh siguro mga pinoy don hindi pa naka 1/4 sa jump packed crowd kaya deadma mga ibang lahi at habang si ako ay nakikisabay sa pag-awit with matching dance steps. and speaking of PBB , nene won! well she really deserved it and she is my bet. back to bar topic sa sobrang dami ng tao at di kami makaalis-alis sa kinatatayuan namin sa bandang labasan na at hindi pa makasayaw si aissa at em sa dancefloor kaya lumipat kami ng ibang bar sa merweb at don nagwala na si aissa, em, shali at ang inyong lingkod sa dancefloor. ang hindi mawalan sa bar ay ang mga naglaplapan , nasa bandang gilid lang namin "pinay vs. arabo". at sa harapan naman namin ay dalawang pinay na nag do-down at gumigiling dahil siguro daming bulate sa katawan at habang naglalaway na pinatitinginan sila ng mga lalaking arabo. hindi na sila nahiya sa mga pinaggagawa nila dahil sa tinunggang tequilla at beer. pero infairness galing gumiling daig pa ang mga gumigiling sa patay sindi na ilaw.

last week balik bar na naman kami, this time sa La Paloma-Intercon kahit sobrang fog hindi pa rin kami napaawat dahil sayang naman pagpaganda namin kung hindi matuloy. so sugod ulet ang mga gimikera. kahit medyo may kamahalan ang drinks don, fave bar na namin sya simula ngayon dahil yong crowd puro halos mga caucasian konti lang ang indian, pinoy at arabs. at syempre mawala ba ang halikan scene sa bar? ayon may naglalaplapan na naman sa gilid namin pero this time mga puti na so deadma!

Dahil sa mga pangyayari na naganap sa akin this month ang inyong lingkod ay may ubo at sipon. waaaaaaaaaa! hirap ang dinanas ko ngayon sa opisina dahil singhot, ubo, pahid ng uhog at kumakati pa ang aking lalamunan. sana mahawaan ko silang lahat wahahaha!

sa kabubuan ng mga larawan click mo daw itong link :Ang Mga Gimikera ng Doha


DSC01995
" 2 weeks ago "

DSC02057
" last week"

DSC02062
" La Paloma "

DSC02065
"mawala ba sa eksena ang mag lovey?"