Wednesday, December 27, 2006

+ Dubai Here We Come +

Photobucket - Video and Image Hosting



Shopping! Shopping ! and more Shopping! that is all about Dubai Shopping Festival , our journey begins tomorrow dawn. yeah, we have an early flight, ZZZzzz... argh! anyway, ok lang basta nasa dubai na kami ng friday morning hahaha! Im with the biatches! except 2 girlaloos na di makasama like jodeth & kat ( who's having a blast in Pinas ).

But before that nag christmas party muna kami at Moonpalace Japanese/Korean Resto nong Dec. 21 , 8pm at tinuloy sa kapehan ng Coffee Beanery. We had kris kringles and guess what ? kung sino ang aking momee? si yen! she gave me a flat studded shoes. super cutey! although hindi yon ang gusto ko...out of stock na kasi, bwisit! oppps....!

pics here:

1st Annual MGG Christmas Party 2007


more kidlatan to come!!!

Happy New year to All!!!

Wednesday, December 20, 2006

+ Happy Christmas! +

wreath_sm





I just wanted to say
Happy Holidays
and wish you a
Merry Christmas!


jesus77

Sunday, December 17, 2006

+ shopping + eating + camwhoring + movies +


Buong weekend wala kaming ginawa kundi mag shopping para sa gip for manitas at para na rin sa akin at kay joi. Pero before that nong Thursday nanood kami ng 9pm movie ng "The Holiday" 1160857 till 11:30pm w/ kat, tin , joi & moi. after that we had a super late dinner at Lina's Cafe. Umuwi kami mga past 1am na ata.

Friday : 12noon pa lang nasa City Centre Mall na kami for 12:45pm movie " Eragon" 1159341 1st installment. Don na kami kumain ng lunch sa foodcourt. after movie nag gift hunting kami sa buong shops. pero wala kaming mahanap na medyo mura na magandang bag. sumakit na lang paa ko sa kakalakad from 1st floor to 4th floor, grrrr! dahil kelangan naming manood ng 15th Asian Games -Doha Closing Ceremony umuwi na lang kami ng before 7pm. kala kasi namin 7pm mag start yon pala 8pm. Sana pupunta pa kami ng isa pang Mall para maghunting ulet hindi na lang natuloy kasi 10pm na natapos at sarado na mga malls non isa pa inaantok na ako.

Last weekend ata kalimutan ko na hehehehe...nag dinner kami sa Nando's Peri-Peri and ito ang resulta:

Camwhoring at Nando's Peri-peri

Monday, December 11, 2006

+ NFC +


as in new found crush hahaha! shhh...walang mag je jelly dyan ha? hehehe....grabe! yong " my name is kim sam soon" 16 episodes , mga 3 araw lang ata namin yon ni joi.
thursday pa lang naka 10 episodes na kami ... 4:am lang naman kami natulog, adik? tapos non 9am may appointment sa khalifa stadium, kaya pa? 4 hrs lang tulog namin nong weekend! para lang manood ng sychronised swimming...a dream come true for lovey since sa tv lang nya napapanood yon... hindi daw nya ma imagine napanood nya ng live!

balik tayo sa my kim sam soon....di pa ako nakuntento sa dvd dahil sus! juice ko! ang subtitles nakakabobo at nakasakit ng ulo buti na lang yong isang bida don na si daniel henney english ang salita dahil laking tate ang bruho. ang nakakatawa kahit english na nga ang salita mali pa rin ang subtitles! kakaloka!!!

anyhow di karabaw...super duper crush ko kaya si Hyun-Bin, hay......ang fogi ng fafa! sya din yong bida sa a millionaire's first love...at may bago syang series as in pinapalabas pa sa korea ( tama ba, idealpinkrose? hehehe... ) ang " The Snow Queen" na nasa youtube na! weeeee!!! but bago yan ito muna pinapanood ko " Daddy Long Legs" at syempre nandon sya hahaha! hindi pa naman ako nababaliw...slight...

anyway, sa mga gustong manood ng Daddy Long Legs (movie) samahan nyo ako:



ayan, nilagay ko na para sama sama na tayong manood after ng "daddy long legs"

" The Snow Queen "



natawa ako sa comment ni pao sa previous post ko...hahaha! sana mabasa ni Qube fanatic yon!

dami ko pa sanang e kwento pero...tsaka na....si Hyun Bin muna ang bida...hahaha!

Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, December 04, 2006

+ Doha Asian Games 2006 +


Ang pinaka aantay ng Qatar ng tatlong taon nag umpisa na talaga nong Dec. 1 ng gabi na inulan pa sa dami-dami ng araw na uulanin yong pa talagang opening! blessing ata yon, siguro. masaya, makulay, madrama at nakakapanindig balahibong opening lalo na yong Lighting of the Cauldron. sayang hindi kami nakanood ng live... kung alam lang namin ganon pala sya kaganda... kasi naman 500 riyals into pesos 7K wala man lang price range basta 500 , maski siguro sa tuktok ng dome. tapos 2 kami ni joi, tumataginting na 14k yon! pero yon nga once in a lifetime mo lang ma experience yon. yong iba nga dumadayo pa talaga dito para manood . kami pa na nandito lang. tsk. well..meron pa naman closing, nood na daw kami...mas mura sa opening ( syempre) ng half price.

Nanood kami ng swimming 2 days ago at kahapon din. maya naman gymnastics-artistic tapos sa Friday Synchronised Swimming & Athletics. o diba? feel na feel ko ang sports.

Sa awa ng Diyos wala pang kahit na anong medalyon meron ang Pinas. hinakot ng China (expected) . baka sa bowling o billiards o boxing magkaron man lang tayo kahit papano.

para sa mga gustong magbasa kung ano ng nangyayari sa Asian Games pindutin nyo lang tong link: Doha Asian Games 2006

K-Series:

kasalukuyang nanonood ng My Name is Kim Sam Soon:



1st episode pa lang gustung gusto ko na sya. kakatuwa.