Monday, October 29, 2007

galang kaluluwa

san ang halloween party nyo? bisitahin nyo muna yang mga kamag-anak nyong ini expect kayo tuwing all saints day o all souls day. baka sila ang bibista sa inyo kung sakali. awwwwoooo!

kwentuhan ko ulit kayo ng mumu.

ito naman experience ko na.

nong grade 1 ako. pag weekend sumasama ako sa aking tita titahan sa kanyang opisina na malapit lang sa tinitirahan namin. kasa-kasama ko ang tatlo kung ka berks na sila reynold at reynosa ( mukha ba silang magkapatid ? ).

one day isang araw.

habang malikot kaming nagtatakbuhan sa malaking opisina, nag didial ng telepono, nag ta type writer dahil hindi pa uso ang computer non. at kung anu ano pang maisip na gawin para lang malibang kami habang nag aatay kay tita na may ginawalang anumalya. joke.

bored na kami sa aming mga ginagawa kaya naisipan naming sulungin ang CR . alam mo na pag bata mahilig sa tubig. tatlo kaming pumasok sa CR, hugas dito , hugas ng kamay don at kung anu ano pang ang ginawa namin sa loob ( wholesome yon ha?). nong gusto na naming buksan ang pinto. aba! himala. hindi namin kayang buksan eh hindi naman nakasarado yon. sigawan na kami sa loob. pero si tita deadma. hindi ata kami narinig o busy lang sya sa kanyang ginagawa at medyo may kalayoon lata yong table nya sa CR.

sa kakapilit naming buksan yon pinto, nabuksan naman sya sa awa ng mumu. laro ulit kami at nong naghahabulan na kami at napatapat kami sa CR...may nakita kaming naka itim na lalaki. parang naghugas ng kamay sa lavatory. hindi mo maaninag ang kanyang fez dahil naka side view sya at blurred.

ayon! kumaripas kami ng takbo. kasawiang palad ang pinasukan ko eh dead end. as in dadaanan mo ulit ang CR para makalabas ka. waaaaaaaaaaaaa!


grabe ang tili at habol ang hininga naming tatlo na nagsumbong sa aming butihing tita. natawa lang sya, imagine that? yon pala nagpapakita talaga ang lalaking yon sa CR. ayon paguwi namin dumaan at nag CR ulit kami. hahahaha. kaloka.


tama nga siguro sila. pag hindi maganda ang kinamatayan ng isang tao, hindi matatahimik ang kaluluwa nya na pagala gala kung san sya natigok.

yon lang.


sana napasaya ko ulit kayo