Sunday, December 26, 2004

++ it is better to give than to receive ++

Natapos rin ang Paskong inaasam ng marami…Ito ang mga kaganapan sa akin nong bisperas ng pasko:

23th (simulan ko na dito dahil may nagbigay na sa akin ng regalo) last day ng work namin for Christmas… as usual may gip na naman si tsong ( our accounting manager) last year binigay nya sa amin, leather wallet na pang matanda? Sad to say di ko na Maalala kung san ko yon nailagay…ang sama ko….this year ang binigay nya sa aming mga CMS girlaloo ay victoria’s secret –pink eu de parfum..hmmm…smells good in fairness..thanks a lot tsong! this time di na yan mawala…hehehe…next gip from my new officemate (kapalit kay kat) si aissa…na remember ko tuloy nong bago pa si yen dito last year yon, nagbigay din sya sa amin ng regalo but now hindi na, pagbalik na lang daw niya galing pinas…thanks aissa sa cutey throw pillow mo…nasa back seat na sya nakasandal
.
Gabi…inimbita ako ng party sa kakilala ko na kakilala nya …nakikain at naki inom at yon na wendang ako konti sa cuervo gold, tsk! Di na ako sanay lumaklak ng alak…tapos pumunta ng Cloud Nyn the hottest club in town…lumaklak lang ng isang Smirnoff ice tapos umuwi na kami, hindi ko talaga ma take ang usok don…grabeeeeee as in!

24th…exchange gifts ng CMS pinay pies during buffet lunch at Ponderosa…dami ko na naming nilamon…ang aking ninang ay si jodeth , she gave me a track suit yang may nineteen sa pwetan…ang aking bb damulag naman si yen , binigyan ko sya ng leather wallet, hindi yong nasa wishlist nya…sorry yen…picture2 na naman as usual at sa wakas nakita na rin namin ang Honda civic 2005 fully automatic ni Jajey, hanef naman…naglalaway tuloy ako…after lunch, nakikain ng dinner , slight lang sa kapitbahay ng bihon at manok…tapos yong totoong dinner naman sa kababayan ni joi…don na naman ako lumamon ng pagkarami-rami…after lamon, nag games ang mga boys tapos, exchange gifts…ang gifts na natanggap namin ni joi ay coffee maker and 2 sets of towel…3am na kami nakauwi at antok na antok na ako…si joi slight nakainom kasi di pa naka recover nong 23…that’s it! Ayan yong mga natanggap kung gips…
Maraming-maraming salamat sa inyo…babawi na lang ako…

Sunday, December 19, 2004

++ malamig ang simoy ng hangin ++

at last! may naisip na akong gip sa manita ko...something useful and something she can remember me every time she used it...naisip ko yan during ako ay matutulog na, at si hubbibi ko ay nag iinternet pa...at biglang PRESTO! ice cream ( meron pa ba non?) naisip ko sya, gumagana pa rin pala ang utak ko after a long day of tiring work sa opisina namin...year end kasi tapos mid month pa, beating the deadline ika nga...kaya halos di na ako makapag internet sa opisina...pa-sulyap at pa-hapyaw na lang minsan, pa post konti...di tulad dati....pero ngayon kahit busy, nag update pa rin ako...hehehe...

ANO YONG NAISIP KO NA GIP? HULAAN NYO? yong clue nasa taas na kaya...huwag na kayong humingi pa, minsan naman magisip kayo no?

nong thursday night, bonding night ng mga accounts gurls, kat-yen-akow...kumain, nag window shop, bumili, lakad-lakad... nauna ng umuwi sila yen at kat, so kami ng lovey ko, matagal na kasi nyang gustong manood ng AVP ( Alien VS. Predator) opo, ganyan ka late ang mga palabas dito...at maaga pa naman, so nood kami...last full show...1:am na natapos, at nong paalis na kami sa car park, ngak! ang lakas ng ulan sa labas...sarap! dahil feel ko nasa pinas ako...pero si Joi, desmaya kasi kaka car wash lang nya sa parking lot that time...hehehe..sinayang lang ang pambayad.... expected ko na kinabukasan sobrang lamig...pero di naman pala, slight lang...dumaan ang araw hanggang....ito na ang hinahanap kung lamig! kahapon nag take effect yong ulan, ang lamig pagbaba namin after office...at yon na expected ngayon...nag wind breaker na ako kasi makapal yon...ang lamig nga! 9degrees ang temp. sa labas...umuusok pa ang aking bibig habang nagsasalita, feeling ko nasa europe ako...hehehe.....ang sarap!

lapit na pala exchange gip namin limang tulog na lang....hmmm...ano kaya matanggap ko? sana naman maganda...pero kung hindi, okay lang...the tots dat counts daw....

Tuesday, December 14, 2004

++ labing tatlong tulog na lang ++

at pasko na! yahoooooooo!!! gusto ko lang e- feel ang pasko (kunwari) kahit no biggie dito yon...ano nga pala dapat kung gawin pagsapit non? my gulay! di pa pala ako nakabili ng gip sa baby damulag ko ( im talking about our exchange gip at the office pinay pie staffs only), hmmm...kakainis kasi, until now di ko pa rin ma fix ang aking mind kung ano ang ibibigay sa kanya?

CAN SOMEBODY HELP ME? SHE IS A GIRLALOO , OK?

may isa pa palang exchange gift na mangyayari this time sa kababayan ni Joi...( yon na mention ko on my last post na don kami mag-celebrate ng pasko kasi nga libre) chuck norris! until now di pa kami nagbubunutan, ano ba yan? rush xmas shopping na naman for that GIP?! this time i dont need your opinion...( uu nga naman kasi di ko rin alam kung boy ba o girl ba o bakla ba o tomboy ba ang bibigyan namin ng hubbibi ko)

pero i made hulog the xmas cards to all my ka clan in Prendster, antabayan nyo na lang yon mga ka SHUKRAN CLAN ko sa mailbox nyo...sana naman ihulog na rin ninyo yang cards noh? kahit valentine ko na matanggap, ayos lang as long as u remember me this pasko... ~~ hikbi~~

and lastly i want to buy a new tops to partner my new hottie pants ( kasi sobrang low waist nya kita na biyak ng pwet ko pag uupo ako! ) when? where? and how much? kakainis o! basta i should buy a new tops! thats all...

ANG OA KO !!!


Sunday, December 05, 2004

++ kahulugan ng pasko ++

ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko? ito ba ay pagkain mo ng kakanin sa labas ng simbahan? ito bay pagsabit mo ng ibat-ibang dekorasyon pang pasko sa iyong bahay? ito bay pagsimba mo tuwing madaling araw? ito bay pag gunita ng araw ng kapanganakan ni Jesus ( pero sabi nila hindi naman daw dec 25 sya pinanganak), ito bay pagbibigayan ng regalo sa isat-isa? o ito bay pagpapatawad sa lahat ng mga may atraso sayo? o di kaya humihingi ng kapatawaran sa mga taong iyong nasaktan...ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pasko?

paano nga ba kami ni Joi nag-cecelebrate ng pasko dito sa DOHA, QATAR?

tuwing gabi sa 24 ng Dec. pumupunta kami sa kababayan nya, don kami makiki party dahil libre...hehehe...pero gugustuhin ko pang kakain lang kami sa labas pagkatapos manood ng pelikula sa bahay buong magdamag.

( take note: kami ay nasa dominant Muslim country kaya kaming mga christians lang ang nagcecelebrate non...kaya wala kang marinig na paputok ,maiingay na musik sa kapitbahay at kung anu-ano pang ka ek-ekan sa pasko)

Dec. 25 - ...mag lu-lunch muna kami ng aking mga ka-officemates, pagkatapos mag- exchange gift , gagala siguro...bahala na si bathala.

nasanay na akong ganyan ang aking pasko...pero di naman ako nalulungkot kasi ganon din ang pasko ko sa pilipinas less stress nga dito dahil walang shopping dito - shopping don , party dito- party don , etc...at higit sa lahat wala kang inaanak na pagtataguan.

(franz nasagot ko na katanungan mo)

TRIVIA:

++ Xmas comes from the Greek word "Xristos" means Christ
++ face of Santa Claus comes from the Coca-cola ad campaign year 1930

Saturday, December 04, 2004

++ biskwit ++

ang lamig ng gabi...lalo na nong nasa labas kami kahit madaling araw na...pero hindi iniinda ang lamig dahil nga sa kasayahang nagaganap sa mga oras na yon...may nagkakantahan, may tumatawa, may nagbabaraha, may nagkwe-kwentuhan, may umiyak, may kinilig, may umalis, may dumating...

ang buhay nga naman ng tao, parang isang biskwit...may malambot, may matigas, may masarap, may maalat, may matamis, may ibat-ibang kulay at hugas pero higit sa lahat ito ay marupok...