Sunday, December 05, 2004

++ kahulugan ng pasko ++

ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko? ito ba ay pagkain mo ng kakanin sa labas ng simbahan? ito bay pagsabit mo ng ibat-ibang dekorasyon pang pasko sa iyong bahay? ito bay pagsimba mo tuwing madaling araw? ito bay pag gunita ng araw ng kapanganakan ni Jesus ( pero sabi nila hindi naman daw dec 25 sya pinanganak), ito bay pagbibigayan ng regalo sa isat-isa? o ito bay pagpapatawad sa lahat ng mga may atraso sayo? o di kaya humihingi ng kapatawaran sa mga taong iyong nasaktan...ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pasko?

paano nga ba kami ni Joi nag-cecelebrate ng pasko dito sa DOHA, QATAR?

tuwing gabi sa 24 ng Dec. pumupunta kami sa kababayan nya, don kami makiki party dahil libre...hehehe...pero gugustuhin ko pang kakain lang kami sa labas pagkatapos manood ng pelikula sa bahay buong magdamag.

( take note: kami ay nasa dominant Muslim country kaya kaming mga christians lang ang nagcecelebrate non...kaya wala kang marinig na paputok ,maiingay na musik sa kapitbahay at kung anu-ano pang ka ek-ekan sa pasko)

Dec. 25 - ...mag lu-lunch muna kami ng aking mga ka-officemates, pagkatapos mag- exchange gift , gagala siguro...bahala na si bathala.

nasanay na akong ganyan ang aking pasko...pero di naman ako nalulungkot kasi ganon din ang pasko ko sa pilipinas less stress nga dito dahil walang shopping dito - shopping don , party dito- party don , etc...at higit sa lahat wala kang inaanak na pagtataguan.

(franz nasagot ko na katanungan mo)

TRIVIA:

++ Xmas comes from the Greek word "Xristos" means Christ
++ face of Santa Claus comes from the Coca-cola ad campaign year 1930

No comments: