Saturday, January 15, 2005

++ children's party ++

magkasunod na weekend childrens party ang na-attend ko...una kay Janna Legere 3yrs old, ginanap sa MC Donalds - mga isang oras lang mahigit yong party kasi may susunod na kaagad, kakatuwa ang mga bata at nag eenjoy sila sa paglalaro...pati na rin kaming mga mas bata nakilaro din...hehehe...ang pinakain sa amin? ano pa ba? di burger, fries ,nuggets, soda, cake at apple pie (ako lang nag request nyan hehehe)...busog naman kahit papano, alam nyo na mahina at konti na lang ang kinakain ko ngayon dahil nga sa diet2 na yan...after sa mcdo pumunta pa kami sa bahay ng celebrant at don gift opening na, ang dami nyang laruan! at halos magkapare-parehas na...naisip ko tuloy nong bata ako, wala kaya akong mga ganyan...puro paper doll & dress lang na ginawa ko pa! at si Janna, pag di nya type..deadma...halos ata ng gifts dont dinideadma nya, siguro nagsasawa na sya sa mga laruan kasi nga naman ang dami na nyang laruan na nasisira na lang dahil pinagtatapon nya...bata nga naman na maraming pera...

pangalawa nong thursday kay Lithel Joey (LJ) she is 7 yrs old...ang cute ng pink dress na binili sa mother care ( bakit ko alam? may nagtanong kasi sa kanya..hehehe..)at may cutillion ( sorry sa spelling kung mali, anyway sounds like naman) pa! pre debut nga eh! daming bata...dami ding matanda...ang sarap din ng tsibog, kinain ko pansit doha (malabon), chicken bbq, beef steak, cassava cake & letche flan...talap! dami kung nakain...hehehe....hindi ko na nakita yong presentation kasi nga daming tao, im sure maganda yon...pamangkin kasi ni Kat yong celebrant...pagkatapos ng lahat, nag videoke na, which is masaya dahil nakanta ko na naman ang winning piece ko na CRAZY 4 U by madonna...tumungga din kami ng Bacardi blazer na nakadalawa ako...as usual ang mga kasama ko that night si jeng,aries, jodeth, mart, aissa and hubbybi minus yen dahil nga nasa pinas sya , sayang nga kasi wala kaming instant picture that time...pero okay lang basta masaya kaming lahat at busog!...

kagabi, dahil sa patingin-tingin ni joi sa tequila sa ref. bumili kami ng lemon sa supermarket at unumpisahan naming dalawang tunggain ang tequila gold at pulutan na oishi at growers savory peanut, naka-apat na shots din ako kaya medyo tipsy ako pagkatapos, ang ingay ko daw sabi no joi...hehehe...the rest is rated x na hahaha! mga 3 sessions pa yong tequila namin, kaya kitakits na naman tequila ngayon friday...

syanga pala overtime pa rin ako hanggang ngayon until wednesday kasi EID holiday sa thursday till sunday? sana nga hanggang sunday...

No comments: