manok.
sa KFC, kumain kami nong hatinggabi kagabi. ok, diba? hehehe. wala pa kasing dinner dumiretso na kami sa bahay nila aissa para mag badminton hanggang 11pm. ok talaga trip naming mag dyowa. sarap! yan lang nasabi ko habang sinusubo at halos di manguya sa init ng manok. bagong luto kasi kaya masarap o talaga lang gutom ako. nakaubos ako ng 2 malaking hiwa. o diba, yong binadminton namin parang wala lang. ayos.
bahay o kwarto.
kwarto na lang kasi mahal mga bahay dito. kasalukuyang naghahanap kami ngayon. kasi palalayasin na kami sa katapusan ng agosto. kahit kwarto lang mahal. ano ba naman dito sa bansang ito. halos kalahati ng sweldo mo mapupunta lang sa bahay o kwarto na inuupahan mo. mga lokals talaga mga gahaman. bakit pa kasi mag asian games dito. bwisit.
bugnutin.
ako ngayon, ewan. basta madali lang akong mairita ngayon. konting bagay naiinis ako, kaya minsan nagtatalo kami ni ioj. mga simple at walang kwentang bagay lang pa naman. siguro dahil sa sobrang init na ngayon dito. kahapon kasi 50. kaya pa? at naglalakad ako konti sa kalye mga bandang 10am para maghanap ng taxi. grrrrrr.
sana.2007 na para mag 4yrs na ako dito sa kompanya at makahanap na rin ng mas malaki-laking sahod. para tapos na yang asian games. para yong pesteng villa /flat na yan magbabaan na ang mga renta.
No comments:
Post a Comment