Last Friday, joyride kami sa ibat-ibang dako ng Doha. corniche, westbay, al rayyan, asian games aspire dome, etc... pikture dito, pikture doon habang nasa loob ako ng umaandar na sasakyan. parang ghost town pag friday morning ang doha. konti lang ang sasakyan, konti lang tao na naglalakad/jogging sa cornice ( park ). pero pag gabi naman, hay dyan na mag uumpisa ang krimen sa traffic! pero wala pa ring maglalakad, hahaha! tamad mga tao dito at nakakatakot din tumawid sa kalsada. after joyride, pumunta sa industrial area para dalawin mga kamag-anak ni joi .tapos nag lunch sa florian cafe. whattafridaymorningactivities.
Ramadan Kareem sa mga M dyan, fasting to! bawal kumain at uminom in public kundi huhulihin ka at ikukulong. pero sa gabi naman feasting sila. hahaha. OT to the max din kami ngayon dahil ang office hours namin during whole month of Ramadan is 7am to 1 pm lang, eh gusto kung magka pera ngayong Eid hahaha, kaya 4pm na ako umuuwi kahit wala masyadong ginagawa...meron pala, marami actually... mag surf at DL tsaka manood ng korean series sa youtube. ayos!
sa mga gustong makakita ng doha kahit pics lang ito ang link:
Doha on a Friday morning
8 comments:
Ang gaganda ng mga highways sa middle east no, walang mga kable ng kuryente na nakahambalang sa kalye.
Dito rin , napakatahimik sa araw, walang tao, pero sa gabi 2 am na maingay pa.
hehehe...uu nga walang mga poste dito, poste doon gaya sa pinas...i heart doha! kahit mainit dito pag summer gusto ko pa rin sya dahil hindi polluted at affordable lahat. pero syempre iba pa rin ang pinas kahit kabaliktaran lahat sa Doha, pero mas gusto ko pa rin ang Doha, hahaha!
next week... inner streets of Doha...
ang agang lakwatcha naman yan.. lamu naman d ako sanay ng naarawan hehehe...
pati ba kayo required na mag fast? sa public place di din kayo pwede kumain? hmm. sa bagay may magandang health benefits din ang fasting. nakaka sexy haha. have a nice day..
di required mag fast... pero parang fasting ka na rin kasi walang bukas na resto...
sa mga M lang applicable ang fasting pero sa mga C pede-pedeng lumamon pero yon nga lang sa bahay kasi walang bukas na resto during daylight. at bawal sa lahat ng human beings ( except babies) ang kumain , magyosi, uminom , mag spit in public.
ganda naman pala dyan sa doha... at parang ang linis linis di katulad dito sa atin... btw, hayaan mo at i-try ko mag island hopping pag nakabalik ako ng camiguin, heheheh
Post a Comment