Monday, December 04, 2006

+ Doha Asian Games 2006 +


Ang pinaka aantay ng Qatar ng tatlong taon nag umpisa na talaga nong Dec. 1 ng gabi na inulan pa sa dami-dami ng araw na uulanin yong pa talagang opening! blessing ata yon, siguro. masaya, makulay, madrama at nakakapanindig balahibong opening lalo na yong Lighting of the Cauldron. sayang hindi kami nakanood ng live... kung alam lang namin ganon pala sya kaganda... kasi naman 500 riyals into pesos 7K wala man lang price range basta 500 , maski siguro sa tuktok ng dome. tapos 2 kami ni joi, tumataginting na 14k yon! pero yon nga once in a lifetime mo lang ma experience yon. yong iba nga dumadayo pa talaga dito para manood . kami pa na nandito lang. tsk. well..meron pa naman closing, nood na daw kami...mas mura sa opening ( syempre) ng half price.

Nanood kami ng swimming 2 days ago at kahapon din. maya naman gymnastics-artistic tapos sa Friday Synchronised Swimming & Athletics. o diba? feel na feel ko ang sports.

Sa awa ng Diyos wala pang kahit na anong medalyon meron ang Pinas. hinakot ng China (expected) . baka sa bowling o billiards o boxing magkaron man lang tayo kahit papano.

para sa mga gustong magbasa kung ano ng nangyayari sa Asian Games pindutin nyo lang tong link: Doha Asian Games 2006

K-Series:

kasalukuyang nanonood ng My Name is Kim Sam Soon:



1st episode pa lang gustung gusto ko na sya. kakatuwa.

7 comments:

Anonymous said...

wow, doha! napanood ko yung commercial nyan (yung parang trailer), na-cool-an ako e. akala ko olympics :D hehe.

sana may palanunan ang pinas. gO!

Ann said...

Ang mahal naman pala ng fee, sa tfc mo na lang panoorin. Maghapon nga ang ulan nung friday kaya ngayon naman ang lamig.

Anonymous said...

kanina ko lang nalaman na ang asian games pala ay sa doha, nabasa ko sa newspaper kasi libre ang newspaper sa mrt tuwing lunes, hehe. tapos tama nga may proweba kasi nakita ko pic mo yung banner ng asian games :) cool!

Anonymous said...

wow congrats, di pa ako nakapanood ng asian games lalona sa labas ng bansa, mapalad ka dahil dyan sa doha qatar idinaos ang asian games. sana magkaginto rin ang pinas :) go go philippines!

Unknown said...

kimsamsoon...umihi ka muna sis, bago panoorin...talagang matatawa ka diyan...grabe...hehehehe.....

Yen Prieto said...

tanzan n lang cguro maiuuwi ng pinas hanggang sa matapos ang asian games haha

Anonymous said...

hey, nakakainggit kayo. kami ni hubby sa satellite tv lang nanonood ng asian games. :lol:

kim sam soon! isa yan sa naging dahilan ng pagiging relihiyosa kong tao. naging "religious" ako sa panonood niyan at nung iba pang koreanovelas!

ah, naalala ko tuloy yung isang nag-comment na ang cheap ng taong nanonood nito. natawa tuloy ako. oh well, a UP grad with master's degree watching a koreanovela. ay! cheap! :lol: