Gaya ng aking sinabi nong nakaraang entry na hindi muna ako mag sho-shopping. kung kelan yon di ko lang sure.
Pagkatapos ng simba kahapon. dumiretso na kami sa hyatt para kumain ng dinner. pagkatapos pumunta sa kalapit mall ang Villaggio. nag window shopping lang kung meron mang bilhin sa gabing yon , yon ay necessities. gaya ng dati inikot lahat ng shops don. pantingin-tingin kahit nakaka engganyo talagang bumili dahil ang mumura ng mga damit, tops, shoes, bags, accessories. napa hay na lang ako sa inggit... may isang shop don na ang pangalan ay Oasis, yon lang ang nag iisang shop don na di ko pinasukan kahit sale din sila matagal na. dahil alam ko ang mga benta nila don ang mamahal kahit sale pa. pero nong gabing yon, sinabi ni joi na..."bakit di mo pinapasukan ang shop na yan?" sabi ko sa kanya..."mahal kaya dyan, sayang lang oras ko...pero sige nga mapasukan" yon pala ang muraaaaaaaa ng accessories nila pati na ang mga tops, dress and bags. pero syemre di ako bumili...naiinis lang ako nong makita ko yong mga blouse nila na pedeng pang opisina. hay.... pero may isang item don na nakapanlaki ng aking mga mata...at long last! may kapartner na yong bra na pangpaligo na binili ko 2 yrs ago. sale din nong binili ko yon (ano pa?) mahal pa kasi that time ang partner na bikini kaya top lang binili ko ... yon nga, nag-iisang bikini na lang at sobrang mura pa. kaya binili ko agad ng walang atubili...na break ko ata yong promise ko...pero kelangan eh! one last pc. na lang at wala na yong style na yon malamang. from 110 to 35 na lang ang presyo, sobrang mura talaga...grabe....size ko pa...para sa akin nga siguro yon. hehehe....thank God.
yan palang picture sa taas... AK Anne Klein Charm Bracelet Watch na advance birthday gift ni joi sa akin...thanks lovey!
yan ang aking masayang weekend.
7 comments:
Ganda ng birthday gift. Ano nga pala ang pera nyo ryan? (from 110 to 35)
Meron din ditong tindahan na hindi ko dating pinapasok kasi nga alam ng lahat na mahal. (Gazzaz Store) Pero last time na pinasok namin ang dami palang mura, madalas palang may mga sale items sa loob lalo at mga accessories.
applicabel ba dito yung katagang "dont judge the book by its cover?"hehe.. gulo ko.
buti sumubok ka pumasok at di nagkamali ang iyong decision.
110 to 35 ang laki ng ibinaba sa presyo. kung makapag titiyaga lang talaga tayo na maghintay na magkaroon ng mga sale, ang laki pala talaga ng matitipid natin ;)
ann: qatari riyals ang pera dito...3.65 into 1$...
sinabi nyo pa, damit lang yan makapag antay sa sale...laking tipid talaga pag sale lalo na pag futher reduction o best buy. sobrang 70% talaga ang ibaba ng presyo. pero kung marami ka namang pera.y not? para sunod sa uso kaagad.
sna matapos n lahat ng sale dahil ayoko na dn gumastos ha... magpaparehistro dn ako ng oto at magbabayad ng insurance waaaaaaaahhh
same sentiments....
Maligayang Valentined Day (past tense hehe)
Mabuhay kaming mga single (single pa din naman ako taken nga lang haha)
Ansaya saya naman.. ganda ng gift ni Joi. Crush ko yung picture pramis. Parang ansarap isuot (kumbeket ba naman kase di ko pinagpatuloy ang pagiging isang bading hayz...)
Post a Comment