Saturday, January 15, 2005

++ children's party ++

magkasunod na weekend childrens party ang na-attend ko...una kay Janna Legere 3yrs old, ginanap sa MC Donalds - mga isang oras lang mahigit yong party kasi may susunod na kaagad, kakatuwa ang mga bata at nag eenjoy sila sa paglalaro...pati na rin kaming mga mas bata nakilaro din...hehehe...ang pinakain sa amin? ano pa ba? di burger, fries ,nuggets, soda, cake at apple pie (ako lang nag request nyan hehehe)...busog naman kahit papano, alam nyo na mahina at konti na lang ang kinakain ko ngayon dahil nga sa diet2 na yan...after sa mcdo pumunta pa kami sa bahay ng celebrant at don gift opening na, ang dami nyang laruan! at halos magkapare-parehas na...naisip ko tuloy nong bata ako, wala kaya akong mga ganyan...puro paper doll & dress lang na ginawa ko pa! at si Janna, pag di nya type..deadma...halos ata ng gifts dont dinideadma nya, siguro nagsasawa na sya sa mga laruan kasi nga naman ang dami na nyang laruan na nasisira na lang dahil pinagtatapon nya...bata nga naman na maraming pera...

pangalawa nong thursday kay Lithel Joey (LJ) she is 7 yrs old...ang cute ng pink dress na binili sa mother care ( bakit ko alam? may nagtanong kasi sa kanya..hehehe..)at may cutillion ( sorry sa spelling kung mali, anyway sounds like naman) pa! pre debut nga eh! daming bata...dami ding matanda...ang sarap din ng tsibog, kinain ko pansit doha (malabon), chicken bbq, beef steak, cassava cake & letche flan...talap! dami kung nakain...hehehe....hindi ko na nakita yong presentation kasi nga daming tao, im sure maganda yon...pamangkin kasi ni Kat yong celebrant...pagkatapos ng lahat, nag videoke na, which is masaya dahil nakanta ko na naman ang winning piece ko na CRAZY 4 U by madonna...tumungga din kami ng Bacardi blazer na nakadalawa ako...as usual ang mga kasama ko that night si jeng,aries, jodeth, mart, aissa and hubbybi minus yen dahil nga nasa pinas sya , sayang nga kasi wala kaming instant picture that time...pero okay lang basta masaya kaming lahat at busog!...

kagabi, dahil sa patingin-tingin ni joi sa tequila sa ref. bumili kami ng lemon sa supermarket at unumpisahan naming dalawang tunggain ang tequila gold at pulutan na oishi at growers savory peanut, naka-apat na shots din ako kaya medyo tipsy ako pagkatapos, ang ingay ko daw sabi no joi...hehehe...the rest is rated x na hahaha! mga 3 sessions pa yong tequila namin, kaya kitakits na naman tequila ngayon friday...

syanga pala overtime pa rin ako hanggang ngayon until wednesday kasi EID holiday sa thursday till sunday? sana nga hanggang sunday...

Wednesday, January 12, 2005

++ past few dayZZZzzz ++

Qatar Exxon MObil Open 2005 mens final is over...as expected fafa Ka Roger Federer won! heres some pics again...:



nasa background pala ako ni Ka Roger ( katabi ng rocket nya) idilat nyo lang maigi mga mata nyo... yan yong suot ko nong finals against Ivan ljubicic of croatia taken from our local newpaper Gulf Times...







after the game...autograph signing...di na nakita si aissa kasi nadaganan ng mga fans! hehehehe...






tapos na ang laro...wala ng katao-tao...nag-aantay na lang kami kay Joi...


wala masyadong nangyari sa akin this past few days kundi nag shop konti sa mango para pasalubong sa aming mga mahal sa buhay...at nagbabanat at naguunat ng buto sa opisina dahil sa hindi inaasahang pangyayari magsasara na daw kami ng accounting book sa 2005! whattaheck! last year february na kami nagsara ngayon ang aga...hai...wala pa talaga si yen {na nagpakasarap at nagpaka baboy sa pinas! hehehe}para man lang matulungan nya kami at hindi madadagdagan ang aking trabaho ....kaya overtime to the max kami sa accounts, 7am to 8pm nasa opisina ako, kulang na lang magdadala ako ng kumot at unan para matapos lang lahat-lahat sa 2004... break the leg lang tong pag uupdate ko sa blog dahil maluluka ako kung magtratrabaho ako ng dire-diretso...(dahilan nga naman)...
in a lighter side..bukas may party na naman akong iaattend, childrens party... nong last week din pala nag attend din ako ng childrens party...puro childrens party ah? hmmm...kelan kaya ako na naman ang mag host non?

Thursday, January 06, 2005

++ date with no.1 ATP ++

World number one Roger Federer advanced to the quarter-finals at the 1 million US dollars Qatar Exxon Mobil Open 2005 in Doha as he breezed past Greg Rusedski of Britain 6-3, 6-4 in the second round on Wednesday.
The top seed meet no real challenge from his opponent and wrapped up the match in less than an hour.

kahit sobrang lamig sa court, hindi naman iniintindi yon basta makita lang si idol! hehehe...

this is my free ticket:



the venue:

Khalifa International Tennis Complex.



in actions:



itong ang gigil na gigil kay fafa federer si aissa!



his opponent today not before 6pm:

Roger, FEDERER (SUI)
vs
Feliciano, LOPEZ (ESP)

kita kits na naman kami ni idol mamaya...OMG!

Sunday, January 02, 2005

++ me and my new year wishes ++

The following are my personal and not so personal wishes this 2005 :

++ to loose at least 5kls. or 12lbs.

++ to eat less junkfoods , those salty ones ( those are my fave foods of all time!)

++ to buy at least one pair of tops or jeans/slacks...every month... sale or not sale that is the question?

++ to buy stuffs for pasalubong to our long awaited 2005 vacation

++ not to be divisive

++ to buy a brand new car! hehehe....next year....perhaps...although the bank has sent me a pre-approved car loan application worth Qrs 75,000 -- in dollar divided by 3.64 --and in pesos times 15.00...u'll do the math....

thats all for the meantime...

HAPPY NEW YEAR TO ALL!

Sunday, December 26, 2004

++ it is better to give than to receive ++

Natapos rin ang Paskong inaasam ng marami…Ito ang mga kaganapan sa akin nong bisperas ng pasko:

23th (simulan ko na dito dahil may nagbigay na sa akin ng regalo) last day ng work namin for Christmas… as usual may gip na naman si tsong ( our accounting manager) last year binigay nya sa amin, leather wallet na pang matanda? Sad to say di ko na Maalala kung san ko yon nailagay…ang sama ko….this year ang binigay nya sa aming mga CMS girlaloo ay victoria’s secret –pink eu de parfum..hmmm…smells good in fairness..thanks a lot tsong! this time di na yan mawala…hehehe…next gip from my new officemate (kapalit kay kat) si aissa…na remember ko tuloy nong bago pa si yen dito last year yon, nagbigay din sya sa amin ng regalo but now hindi na, pagbalik na lang daw niya galing pinas…thanks aissa sa cutey throw pillow mo…nasa back seat na sya nakasandal
.
Gabi…inimbita ako ng party sa kakilala ko na kakilala nya …nakikain at naki inom at yon na wendang ako konti sa cuervo gold, tsk! Di na ako sanay lumaklak ng alak…tapos pumunta ng Cloud Nyn the hottest club in town…lumaklak lang ng isang Smirnoff ice tapos umuwi na kami, hindi ko talaga ma take ang usok don…grabeeeeee as in!

24th…exchange gifts ng CMS pinay pies during buffet lunch at Ponderosa…dami ko na naming nilamon…ang aking ninang ay si jodeth , she gave me a track suit yang may nineteen sa pwetan…ang aking bb damulag naman si yen , binigyan ko sya ng leather wallet, hindi yong nasa wishlist nya…sorry yen…picture2 na naman as usual at sa wakas nakita na rin namin ang Honda civic 2005 fully automatic ni Jajey, hanef naman…naglalaway tuloy ako…after lunch, nakikain ng dinner , slight lang sa kapitbahay ng bihon at manok…tapos yong totoong dinner naman sa kababayan ni joi…don na naman ako lumamon ng pagkarami-rami…after lamon, nag games ang mga boys tapos, exchange gifts…ang gifts na natanggap namin ni joi ay coffee maker and 2 sets of towel…3am na kami nakauwi at antok na antok na ako…si joi slight nakainom kasi di pa naka recover nong 23…that’s it! Ayan yong mga natanggap kung gips…
Maraming-maraming salamat sa inyo…babawi na lang ako…