actually wala akong balak gumawa ng post ngayon at next month kaso bakit pa kasi ako pumunta sa blog ni
pao...hehehe...
anyways, ito yong mga songs na akma sa mga pangyayari sa aking buhay.
Save Me by Remy Zero- dahil dami kung work na natambak sa kadahilanang hanggang 4pm lang ako nagtratrabaho na dati hanggang 6pm dahil nga Ramadan, pero ngayong Nov. simula na naman ang paguwi ko ng 6pm. at sa mga taong nakapaligid sa akin na ewan, mga irresponsable sa kanilang mga trabaho. affected ako dahil naiinis ako yon lang.
Maybe I'm amazed by Jem- sa pagtaas ng sahod ko simula nong october, hindi naman malaki pero pede na ring pagtyagaan, gusto ko lang talaga ang kompanyang ito kaya di ko maiwan-iwan. at isa pa ginagawa ba namang FIXED ang aking OT! hai...unfair naman so, malamang sa December ( don kasi mag take effect ang FIXED OT na yan) slight na akong mag OT at ibigay ko na sa dalawa kung kasamahan ang iba ko pang work para di na talaga ako mag OT forever. at tinaasan din pala ang aking posisyonis! isa na akong dakilang alalay ni tsong...waaaaaaaaaaaaa! huwag nya akong bigyan ng dagdag na work at uumbagin ko sya!
Sulat by Heart Evangelista & Gloc 9- gusto ko lang magkaroon ng kahit anong sulat galing sa aking mahal sa buhay, friends, enemy, colleagues, ex-collegues o sa aking pinakamamahal na habibi...sana nga...
Love moves in Mysterious ways by Julia Fordham ( syempre the best pa rin ang original na kumanta non at walang tatalo sa boses non)
- dahil nagkataon , nagkatagpo ang aming landas ng aking lovey dovey habibi joi sa MIRC chat room hehehe! romantic diba?
On the wings of love by Regine Velasquez ( mas feel ko boses nya kaysa kay sino ngang negrong lalaking kumanta non?)
- national anthem lang naman namin ni habibi...at ito pa habang binabasa ko yong email nya nong mag syota pa kami at may nakasulat don na on the wings of love eh bigla ba namang tinugtog sa internet cafe! whoa! o diba? galing...
dapat sana 7 songs daw eh tinamad na akong magisip kaya yan na lang munang 5 songs. at kung gusto nyong magsulat ng ganitong entry bahala kayo sa buhay nyo, buhay nyo yan wala akong paki.