kaya nag shopping! hehehe...kumakati paa ko pag pagod ako sa opisina at tumataas alta presyon ko sa mga suppliers namin. kaya niyaya ko na si yen mag malling nong thursday after work nya kahit pagod yon wala akong paki dahil para makarami kami ng shops na mapuntahan. sinundo nya ako around 5pm sa bahay at direstso na sa city centre! first stop : Truworths! my ultimate shop, pero sa kasawiang palad wala akong makitang damit na pang farty! yap, farty na naman at yon ay gaganapin sa Ritz Carlton again ( ano ba naman tong amo namin parang wala ng hotel dito sa doha) dahil sa completion ng Train 4.
2nd stop sa La Senza dahil sale sila ( 2 mos. ago lang nag sale at nag sale ulet sila, pambihira) bumili ng bra .
3rd stop sa ATM nag withdraw dahil hirap e swipe yong ATM ko.
4th stop sa Florian at lumafang bago kami mahilo sa gutom.
5th stop sa Identity tumingin-tingin lang dahil ang mahal!
6th stop sa Sana at don ako nakabili ng black long dress at sobrang mura buti na lang nag-iisa lang yon at para talaga sa akin, bumili ng pagkalaki-laking shades (feeling artista lang) at bimpo.
7th stop sa Terra Nova walang makitang bilhin don dahil pag malnourished lang ata ang kasya sa mga damit nila,
8th stop sa Splash para bumili ng accessories at pang winter na scarf ( ginaya ko lang yong mga girlets sa the OC na naka scarf ng mahaba na naka tshirt lang, sana winter na!)
9th stop sa City Lifestyle at bumili ng l'oreal pencil lipliner & body wash at inantay na lang namin magsara para sabay2 na kami kasama mother ni yen.
san si joi? hai, nag shopping din ng kanya yon nga lang para sa car , bumili ng bagong manibela. after hinatid ako ni yen, lumabas ulet kami ni joi para mag dinner sya. after, whew! ang sakit ng paa ko!
isa pa ulet na shopping: biyernes, pumunta kami ni joi sa hyatt plaza for a change , tama na sana ang shopping ng makita ang pagkalaki-laking karatola na SALE sa Roots (distributor ng Gap, Banana Rep & Old Navy) syempre pasok kaming 2 , at yon nga 40% on all items ba naman! kaya napabili na naman ako ng 2 bag ( old navy & gap) and leather jacket (banan rep) kay joi...huhuhuhu...pero masaya pa rin dahil sobrang mura talaga pagkabili namin lalo na ang jacket.
sobrang stress nga si ako, bow!
and lastly wanna greet my mother a happy-happy birthday, kahit wala ako ngayon sa tabi mo sana happy ka pa rin! labs u mama.