Sunday, August 27, 2006

Sund Dunescapades


Weekend na weekend nong Friday gumising kami ng 5am! graveh! and considering 2am (friday) na kami nakauwi nong thurs. night bar hopping na kahit isa hindi kami nakapasok kaya ang ending nag cappucino ang mga boys at nag mango frescato kami ni yen with yummy cake sa costa coffee. nong tumunog ang alarm clock, halos di ko talaga maibuka ang aking mata at maitayo ang aking katawan dahil antok na antok pa ako. iniisip ko that time, bakit ako pumayag mag sand dune ng 5am, bwisit! at sa kakapilit ni joi na medyo galit na ang boses, bumangon na rin ako at nanghilamos at toobrush lang di na naligo dahil alam ko mainit at humid sa labas ... aakyat kami sa buhangin and all...sayang ang body wash, shampoo and conditioner. at late na rin kami.

meeting place kina mhan. pagkakita ko ng couch humilata kaagad ako habang sila busy sa paglafang ng breakfast. 6:15 we headed to um saeed, road trip na! sand dune here we come!!! kahit ilang beses na akong nakaakyat don para pa ring 1st time, hehehe...1st time nila mhai, joren, jun, joel...kaya picture taking to the max. after sand dune pumunta sa tabing dagat para maghugas ng buhangin sa kamay at paa. after that, ikot-ikot konti sa aL wakra , 10:30am uwian na...natulog ulet kami ni joi and nagising ng 2pm.

6pm may children party na inaattend , bday ng anak ng ka officemate ko. we got home by 8:30pm . dahil mainit sa bahay na yon hindi kaya ng AC nila, feeling antok na antok kami ni joi. and 9pm natulog na si joi and 10pm naman ako. its supposed to be our supermarket night, pero dahil himbing na himbing si habibi di ko na ginising. kakapagod talaga.So sulit naman, masaya kaming lahat sa sand dune , hindi naman puro gimik sa bar at inuman nakikita nyo... lumalabas din naman kami during daylight. hahaha.

ito ang kabuuan ng larawan:

** sand dune **




this is way to cool! hahaha!



pero ito ata ang mga ka heritage ko...almost asian! hahaha! wow! choi ji-woo is there, yey!

Saturday, August 19, 2006

+UMAGA NA! UWIAN NA!+


mga isang buwan mahigit na atang inauumaga o umaga na kami umuuwi galing party / inuman. ginawa na yata naming bisyo ang uminom ng alkohol tuwing huwebes ng gabi hanggang madaling araw. ang dahilan...frozen vodka mixed ni habibi Joi. sarap talaga! try nyo din...isang boteng vodka, 3 1.5 ltr. orange juice, maraming ice cubes and blender...tarran! hindi mo na lang mamalayan , lasing ka na pala. dahil ang lamig kasi sa katawan. brain freeze nga eh.

Nong thurs. bday ng bago naming tropa? na si Mr. Panis ( Opo, yan ang apelyido nya) huwag kang tumawa dyan, halakhak pede. hahaha!. Pagdating namin, juice ko! daming bwiseta ni bday boi! sabi pa nya di daw mga invited yon, ano? kusa lang pumunta? dakilang gate crashers ang mga yon? wow! kafal...pero siguro nga walang hiya na ang mga yon dahil ka officemates lang naman nya. langya, officemates tapos di invited hahaha! sama naman ni bday boi, pero nungka! ang daming malafang at sangkatutak ang inumin, kaya pa? as per yen! ayon, mistulang ramada yong isang flat...ang jo-jologs , wala kaming masabi kaya umalis kami sa ala ramada at lumipat sa isang flat na nandon ang lafangan wala nga lang alkohol pero buti na lang meron kaming sariling drinks hehehe...

Dahil magaganda talaga kami, yong mga puti eh lumipat sa flat namin...at ito pa, may 3 fogis! mga taga dutch...halata nga dahil hindi marunong mag henglish ang mga hinayufak na yon..imagine sabi nya kay Joi...cook? insted of bartender...duh! hahaha! at tinatanong pa ang assistant. cook? wahahaha! sarap sapakin...pero huwag ka crush na crush ng lahat pwera ako syempre nandyan si habibi hehehe...kaya lang dyokla pala si guapong von dutch! hahaha! at yong kasama nyang naka glasses na fogi din siguro dyowawa nya yon dahil dikit na dikit silang 2 entire night eh...at sabay sabing matutulog na daw silang 2 , hahaha! bading nga! so frustrated si yen...next time na lang yen hahaha!

Wala na masyadong tao sa isang flat na ala ramada so, bumalik kami don dahil yon naman talaga flat ni bday boi Panis. tuloy pa rin ang inuman at gawa ni joi ng frozen vodka, shot na rin sila tig 2 shots ng jose cuervo ang mga girlets. habang nagmamasid lang me sa mga pali-paligid...fishing ika nga...hahaha! wala pa namang naghahalikan pero may yakapan ata at touching-touching lang hahaha! jologs. buti na lang nadikwat ko ang isang supot na toblerone sa ref ng bday boi hahahaha! sama ko. pero mas masama sila. hehehe...

Natapos din ang inuman pero di muna kami umuwi, kaya kami umaga na umaalis pag may farty sa isang bahay dahil baka sa kalabuso bagsak namin ni joi hahaha bawal kasi uminom na nag mamaneho. mga bandang 5am umuwi na kami pero yong ibang girlets mga 7am na daw sila umuwi. kala ko nga nag lunch pa sila don sa flat hahaha!

Dats All...Salamat sa Pagdalaw , pede bang mag comment ka rin?

Tuesday, August 08, 2006

through the years


RockYou slideshow | View | Add Favorite



wala akong ma-ipost eh kaya pinagipon-ipon ko yong mga pictures namin ni ioj 3 yrs ago till latest pic. tagal ko ring ginagawa yan ha, mga 1 week siguro hehehe.

tamad na naman akong mag post ng kung anu ano dito. hai, ewan. even meme ni Nao di ko magawa gawa ...haba kasi...at yoko ngang magisip masyado dahil nakakasira ng mata at katawan hahaha! bitaw Nao, pag may time ako sagutin ko yang meme na yan para di masira ang chain tag.

dito na lang muna tong walang kwenta kung pinagsususulat, kasi magtratrabaho muna ako dahil aalis ang pinaka amo naming italyano dahil magbabakasyon at kelangan nyang mag sign ng sangkatutak na payments at trabaho ko yon. kaya yon na yon.


sa wakas nagkaron din si ako ng time magsasagot nitong meme galing sa bahay ni Nao

FIRST NAME? secret
WERE YOU NAMED AFTER ANYONE? from hollywood starlet
DO YOU LIKE YOUR HANDWRITING? non, ngayon di ko na mabasa
WHAT’S YOUR FAVORITE LUNCH? too many to mention but i prefer breakfast
IF YOU’RE ANOTHER PERSON WOULD U BE FRIENDS W/ YOU? malamang
DO YOU HAVE A JOURNAL? uu
DO YOU USE SARCASM A LOT? sa email, sa forum, sa makulit na suppliers
DO U STILL HAVE TONSILS? siguro
DO U WANT EVERYONE TO SEND THIS BACK TO U? huwag na, spamming lang
WHAT COLOR OF PANTS AND SHOES ARE YOU WEARING? blue & white studded
FAVORITE DRINKs? tubig, diet coke, bullfrogs, smirnoff ice & frozen vodka
HUGS OR KISSES? both
favorite sport? badminton
WHAT’S YOUR SPECIAL TALENT? talented
YOUR EYE COLOR? dark brown
HAT SIZE? large
WHAT’S YOUR FAVORITE CEREAL? cerelac
DO U THINK YOU’RE STRONG? sometimes
WHAT’S YOUR FAVORITE ICE CREAM? belgian choc of haagen daz
SHOE SIZE? 8
RED OR PINK? both
WHAT’S THE LEAST FAVORITE THING ABOUT URSELF? mataray
WHO DO U MISS THE MOST? my father
LAST THING YOU ATE? viscount biscuit
WHAT SOUNDS YOURE HEARING RIGHT NOW? sunshine by keane
IF YOURE A CRAYON, WHAT COLOR WOULD U BE? black
FAVORITE SMELL? pritong pusit
DO YOU LIKE THE PERSON WHO SENT THIS TO YOU? of course
FAVORITE FOOD? too many to mention
LAST MOVIE YOU WATCHED? Superman Returns
WHAT COLOR SHIRT ARE YOU WEARING? black & white
SUMMER OR WINTER? winter
FAVORITE DESSERT? choc cake
WHAT BOOKS ARE YOU READING? wala
WHAT DID YOU WATCH ON TV LAST NIGHT? honeymooners
THE FURTHEST YOU’VE BEEN FROM HOME? mga ilang lakad lang
WHEN AND WHERE WERE YOU BORN? March 10, Davao City
WHO SENT THIS TO YOU? Naomi

mga gustong komopya at gumawa nito...feel free to do so.

im still drunk.