sa mahabang pamamahinga dito, ito na naman ang inyong abang lingkod mag uupdate ng isa na namang walang ka kwenta kwentang istorya ko sa buhay.
bago ang lahat e recommend ko sa inyong buksan ang youtube at manood ng korean horror flick since malapit na ang halloween. yan na naman ang kinarir ko ngayon, ibang putahe naman ika nga puro na lang lab movie/series pinapanood hanggang sa bahay.
A tale of Two Sisters:
Whispering Corridors 4: Voice
Enjoy!
Eid holiday sa Qatar at sa buong middle east nong Oct. 23 to 25. sa mga hindi alam kung anong ibig sabihin ng Eid, e search nyo na lang kay mr. google. 3 days wala kaming pasok, kaya beach to the max ginawa namin ni joi. 1st day ng eid, nag overnight sa seagilid ( gilid ng sealine beach resort) sama mga kababayan ni joi sa butuan. 2nd day nasa sealine na talaga kami kasama sila prieto family minus the tatay & talucod family. hindi na ako pedeng magbabad sa beach or sa pool dahil umatake na naman rashes ko kahit yong ginamit ko na for sensitive skin na sunblock wa epek rin. argh! mga bandang 3pm na ako bago naligo para wala na si ultra violet rays kasi nga di ako pedeng maglagay ulet ng sunblock baka mas lalo pang mag worst mga rashes ko sa braso at sa katawan, kainis! after sealine nag dinner kami sa thai. 9pm tulog na ako! waaaaa! sobrang pagod and sleep deprivation siguro kaya maaga pa lang humihilik na ako hahaha! at tsaka 2 days in a row kaya akong nasa dagat, kaya pa? 3rd day, nag overtime ako! ayos diba? kinarir ko ang panonood sa youtube hahaha! kala nyo naman nag wo-work ako no? hehehe...eh yong pinaka amo kasi namin gusto talagang mag overtime kami para daw marami kaming OT o diba san ka makakita ng ganyang kabait na amo? dito lang sa opisina namin. 4th day, back to reality na tapos na ang ramadan...tapos na ang eid pero buti na lang at half day lang kami pag thurs. kinagabihan pumunta kami sa kababayan ni joi nakikain dahil binyag sa bagong baby girl nila. friday, weekend... nag malling lang sandali at umuwi na para manood ng korean series hahaha! nahawa na kasi asawa ko sa akin.
happy weekdays to all!
happy weekdays to all!