
Gaya ng aking sinabi nong nakaraang entry na hindi muna ako mag sho-shopping. kung kelan yon di ko lang sure.
Pagkatapos ng simba kahapon. dumiretso na kami sa hyatt para kumain ng dinner. pagkatapos pumunta sa kalapit mall ang Villaggio. nag window shopping lang kung meron mang bilhin sa gabing yon , yon ay necessities. gaya ng dati inikot lahat ng shops don. pantingin-tingin kahit nakaka engganyo talagang bumili dahil ang mumura ng mga damit, tops, shoes, bags, accessories. napa hay na lang ako sa inggit... may isang shop don na ang pangalan ay
Oasis, yon lang ang nag iisang shop don na di ko pinasukan kahit sale din sila matagal na. dahil alam ko ang mga benta nila don ang mamahal kahit sale pa. pero nong gabing yon, sinabi ni joi na..."
bakit di mo pinapasukan ang shop na yan?" sabi ko sa kanya...
"mahal kaya dyan, sayang lang oras ko...pero sige nga mapasukan" yon pala ang muraaaaaaaa ng accessories nila pati na ang mga tops, dress and bags. pero syemre di ako bumili...naiinis lang ako nong makita ko yong mga blouse nila na pedeng pang opisina. hay.... pero may isang item don na nakapanlaki ng aking mga mata...at long last! may kapartner na yong bra na pangpaligo na binili ko 2 yrs ago. sale din nong binili ko yon (ano pa?) mahal pa kasi that time ang partner na bikini kaya top lang binili ko ... yon nga, nag-iisang bikini na lang at sobrang mura pa. kaya binili ko agad ng walang atubili...na break ko ata yong promise ko...pero kelangan eh! one last pc. na lang at wala na yong style na yon malamang. from 110 to 35 na lang ang presyo, sobrang mura talaga...grabe....size ko pa...para sa akin nga siguro yon. hehehe....thank God.
yan palang picture sa taas...
AK Anne Klein Charm Bracelet Watch na advance birthday gift ni joi sa akin...thanks lovey!
yan ang aking masayang weekend.