Sunday, February 04, 2007

long hair

im so busy with my work...year end kasi sa accounting. hindi ko na alam anong uunahin, sama pa ang paglayas ng amo namin this month end. pano na kami?

hindi na ako kumakain ng chips for almost 2 weeks now. yan ang greatest achievement ko this month. i try not to eat maalat na chips kasi buong buhay ko nakasalalay ang kasiyahan ko don pagdating sa pagkain. babaw.

kaarawan ko na next mo. kaya kelangan mag-ipon para may maipalamon sa aking mga friendships sa work o ka bonding twing weekend. at sama pa ang rehistro ng kotse. kaya wala munang shopping ngayong buwan at susunod pang buwan. buti na lang tapos na ang mga sale-sale na yan.

gusto ko ng magpaputol ng buhok. mukha na kasi akong day-off! pero san? yan ang matagal ko ng iniisip. mamahal kasi ng beauty parlor dito.

dami kung reklamo ngayon! argh. siguro mas lalo na sa susunod na buwan. buhay talaga ng tao. paikot-ikot lang. masaya ka ngayon bukas hindi na.

13 comments:

ioj said...

ako na lang mag gupit, libre pa pero yun nga... di natin alam ang result... bwahahaha....

malaine said...

huwag na lang oi!

evi said...

no chips for 2 weeks... that's great. i don't think i can say no to chips.

hayyy... talk about bills. bakit kasi may bayad na lahat ng bagay sa mundo.

cruise said...

ok na achievement yang pagiwas sa pagkaing maalat. ako naman gusto umiwas sa kape, at least iwas sa addiction kasi adik na adik ako sa kape, hehe

tama ang buhay ganyang lang, minsan masaya minsan hindi. sabi nga nila weather weather lang.

malaine said...

evi: hehehe...uu nga ang hirap talagang umiwas sa chips pero kelangan eh. hay sana nga free na lang lahat pati sahod quits din hahaha!


cruise: nakaka adik talaga ang kape. buti di ako adik don. mag tea ka na lang kasi may benefit ka pang makukuha.

pObs said...

punta ka dito, un bf ng ate ko nag-gugupit libre! ehehehheheh =)

nakow ako din dami gastos, wala nkong ginwa kundi mgkuenta ng mgkuenta ng budget ehhehe

pObs said...

punta ka dito, un bf ng ate ko nag-gugupit libre! ehehehheheh =)

nakow ako din dami gastos, wala nkong ginwa kundi mgkuenta ng mgkuenta ng budget ehhehe

malaine said...

alam mo pobs. isa sana yan sa itinerary ko ang magpagupit ng buhok dyan...pero asa pa? sobrang walang time talaga...naubos sa kakalakad sa mall at global village hahaha!

iskoo said...

yearend reports are really toxic, hehe, sa amin nga quarterly lang umiikot ang pwet ko sa pressure. hehe. hope your doing great melaine.

ann said...

Mahal ba dyan ang gupit? Dito nasa sr40, salon na yun ha.

Curious lang ako, ano ba yung mukhang day off?

Rey said...

Oy... Nagda- deit ka ha?
Masisira rin yan next month. hehehe. Birthday mo eh. Sarap kumain at uminom pag birthday at kasama ang barkada.

moshi said...

be happy :) advance happy birthday. hehe. at congrats sa hindi pagkain ng chips. keep it up =P kaya mo yan!

pao said...

ako, i always crave for chocolates. di talaga maiwasan. lakas ng hatak ng sweet tooth eh. :lol: