Sunday, January 27, 2008

30

nanood ng sine kagabi sa mall kasama ang mga housemates.

anong pinanood? Sakal, Sakali, Saklolo.

anong comment? OA ang mga punch lines, sobrang mababaw ang istorya pero ganda ng make up ni Juday pati na damit & accessories . the rest la ng kwenta.

kaya pala wala masyadong nanood nong friday ( sabi nong isang naming housemate na nauna ng manood) at kagabi, kumpara kina Bea & JL nong pinalabas ang " One More Chance"


kung pede lang ibalik ang 30 riyals at ibili ng pekpek shorts na pantulog kay Jasper Conran sa Debenhams o di kaya candles ni Rocha John Rocha na buy one, take one pa! nagkasilbi sana ang 30.

waste of time. waste of money.


Sunday, January 20, 2008

I want This

for my Birthdhay!

on March 10.

kung sino man dyan ang may mabuting kalooban na meron ito sa bansa nyo. kasi ulats sa bansa namin.

sana Gip mo-na-sa-akin.

size: Large.





Wednesday, January 16, 2008

Brrr...

7 degree celcus sa Doha. Umuusok bibig ko habang nakipagusap kay J sa sasakyan. 4 days ba naman umulan dito, sunud-sunod. kaya yon ang resulta. pero kanina ngumiti na rin si mr. sunshine siguro naman hindi na uulan, ma check nga sa weather.com . 2 weeks na akong hindi naglalaba . ayon punong puno na ang basket hindi na magkasya.

kagabi, pumunta kami ng Hobbyland, toys for the big boys. nakakalula naman talaga ang mga nagagandahang toys from RC cars to jet plane. nakakalula din ang presyo ng jet plane. 40K! eh makabili ka na nyan ng sasakyan. wow! nasabi ko na lang don sa nagbabantay na noypi. talagang ganyan ang presyo ng mga jet planes nyo? 30 to 40k? napatawa na lang sya sa reaction ko. kasi naman daw makina pa lang 15k na. mantakin mo nga naman...

natapos na rin ang mega sale ng mga shops dito. tapos na rin ang walang tigil na ka sho-shopping halos araw-araw. ito, nag text na naman ang aldo, 50% daw sila. waaaaaaaa! magaganda pa naman ang mga boots don. hmmm.

na miss ko na ang MGG, wala kasi ang pressy at bus. manager, nasa pinas nagpapakasarap kaya natigil muna ang weekend get together namin. panigurado pagdating nong dalawa, maraming e chika ang mga yon at pasalubong na rin. na excite tuloy ako.

bonding ever kami ng mga housemates ngayon sa bahay. every weekend halos nag BBQ party kasi malamig na. dahil don, nagkakakilanlan ng lubusan. naging close. buti na lang wala masyadong KJ. pero hindi na namin pinapansin ang mga yon. nakakasira lang ng grupo.

nanood ako ng atonement kagabi. nakakaiyak. kaya ko pinanood yon dahil kay James McAvoy ( becoming jane). ang saklap na naman ng sinapit ng love story nya kagaya din ng Becoming Jane. Bravo! ang pelikula kahit medyo magulo at hindi ko masyadong naiintindihan ang salita nila dahil ang heavy ng brit accent naman. depressing ang movie, kakalungkot. kaya ako naiyak.

ayon. iinom muna ako ng black tea. hindi ata nakayanan ng heater dito sa office namin kasi malamig pa rin. brrr.