Monday, June 27, 2005

++ au revoir V ++

for the past few days wala na akong ginawa kundi mag overtime ng 2 hrs or minsan 2.5 hrs , which is nasisira na ang before 6'oclock pm eating habit ko at dahil nga sa sobrang busy ako nakapagpalit pa ako ng template (para sa mga friends ko na nahihirapang buksan ang dati kung template) at ngayon nga nakapag update pa, san ka pa? kelangan lang kasi baka magtampo dahil lahat ng umaalis dito sa office namin ginagawan ko ng entry. kita naman sa title na V (5) na ang umalis sa opisina namin (hai, kakalungkot na naman) sino nga pala ang aalis na naman? walang iba kundi si YEN.

bakit nga ba sya aalis? basahin nyo na lang yen's blog nya.

ano nga ba ma-mimiss ko sa kanya sa araw-araw na pagsasama namin dito sa opisina?

hmmm....dami! kagaya ng:

*hindi ko na nakikita ang pagmumukha nyang ngumingiti habang nag cha-chat o nagbabasa sa net.

*nagkikipagtsikahan sa akin pag may nabasa sa net or may nahagilap na tsismis.

*ang malakas nyang tawa at boses tuwing kami ay mag lu-lunch break.

*ang nakasimangot nyang mukha pag nakikipag-usap sa mga makukulit na supplier, pag inuutusan ni tsong o di kaya wala lang dahilan. ano pa nga ba?

*actually yong buong mukha nya ma-mi-miss ko sa opisina.

pero hindi dyan nagwawakas ang samahan namin dahil patuloy pa rin kaming magkikita nyan eh yon kung may SALE, may PARTY, may LAKWATSA, at may GIMIK pero siguro madalang ng mangyayari dahil may SB na sya. ganyan siguro ang buhay walang permanente. masaya ako sa bago nyang kinalalagyan dahil sobrang laki nga naman ng kompanyang yon at forever and ever na atang don sya magtra-trabaho unless aalis sya ng Qatar. pero yon nga lang sobrang layo ng working place nya at dapat maaga sya gigising ( kaya dapat yen maaga ka ng matutulog kagaya ng SB mo noon na maagang natutulog).

pahabilin:

huwag mong kalimutan ang despedida , 1st month salary treat (kagaya ng ginawa ni kat sa atin) at b-day treat ( Aug. 10) huwag kang mag-alala bibigyan ka namin ng regalo.

huling hirit:

kelan kaya ako aalis dito? (alam ko tatanungin nyo ako) hanggang may CMS pa, hindi ako mag re-resign (bow). loyal talaga ako pag gusto ko ang kompanya. sayang din kasi ang gratuity at kelangan ko pa ng mahabang experience dito sa opisina para makakuha ng magandang trabaho pag matapos na ang project ng CMS. suma total kanya-kanyang diskarte lang sa buhay.





No comments: