: nanood ng korean series na full house which is namaga na naman mata ko sa kakaiyak, hai naku titigilan ko na nga munang manood ng korean series na yan kaso nakaka temp dahil daming pang series na naka line-up. hindi ko na alam anong umpisahan ko sa mga yon, lapit ko na ring matapos ang glass flower isang disc na lang kaya goodluck na naman sa mata ko.
: my sassy girl & my bf is type B ( na half lang nakita ko dahil natulugan ko na naman) movies pinanood namin ni joi for 2 nights straight. korean movies na naman pinanood ko, hindi na ata ako tantanan ng mga korean films na yan.
: went shopping last wed. w/ yen dahil sale sa bossini , ayan napagastos na naman ako, i bought 3 shirts and 1 shirt for joi (hehehe, sorry joi hindi kasi kita kasama kaya isa lang sayo)
: malling last friday sa city centre dahil sale na naman sa halos lahat ng shops, buti na lang wala akong nabili, kahit gustung-gusto ko yong isang pag office shoes sa shoemart, kaya hindi ko binili dahil mahal pa rin! kelan kaya yon eh 50% off? at may isang sandals din akong gusto sa timberland pero yon nga mahal pa rin ...kelang kaya yon maging Qrs.50 na lang? dahil walang nabili kumain na lang ng belgian chocolate ice cream sa haagen (yon lang pala ma afford ko).
: nag grocery pagkatapos sa lulu hypermarket dahil may gift cert. na natanggap si joi sa office nila.
:kumain ng dinner sa fuddruckers dahil sa nakitang ad sa news na 1 burger worth Qrs. 9 ikaw na bahala sa toppings! kahit isang milyon na lettuce, onions,tomato, etc...ilagay sa burger mo...pero nong umorder na hindi naman yon kinain ko kundi cheesey fries con carne( tama ba?) pero yon ang main ingredients : fries wedges, chili con carne and melted cheese. yum! yum! kay joi? ano pa kundi 1 lb. hamburger! whoah! sa sobrang laki hindi nya naubos, dahil tinulungan din nya akong kumain sa inorder ko na sobrang dami din pala.
:nag-chat kami ng barkada ko 2 days ago w/ my beloved mama, ayon nakita ko sya thru webcam. waaaaaaaaaaaaaa! miss ko na nanay ko, sabi ko sa kanya anong gusto mong pasalubong? kahit ano daw, basta uuwi kami ngayong Aug. (o diba? nanay talaga).
:change sitting arrangement na naman kami sa opisina , actually hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong lumipat fr. table to another table, lahat ata ng table dito sa dept. namin dumaan na sa mga kamay ko . naalala ko na naman ang isang incident about sa sitting arrangement na yan, hmmm...ngayon, na transfer ako sa pwesto ni yen na kaharap ko ang pinto, si yen naman nasa likod lang nya si tsong (hindi na sya katabi ngayon kundi sa harap ni tsong na! hahahaha!) pero katabi ko pa rin si yen at ang kumuha ng pwesto ko si jeng dahil na promote(?) sya from receptionist to secretary for our italian bosses. inggit kami sa ibm pc nya! at sa space dahil maluwag, kaming apat : tsong, yen,ako, aissa halos dikit-dikit pa rin kami. masaya na rin dahil nadagdagan na naman ng maganda sa dept. namin (hehehehe!).
ayan ioj nag-update na talaga ako alang-alang sa pangungulit mo sa akin. ganyan kita kamahal! oi! lapit na pala anniv. natin no? sana hindi makalimutan gaya last year hahaha!
No comments:
Post a Comment