kala mo naman bansa ang pinuntahan ko , resto lang pero isa yan sa mga wishes ko na one day aming mapasyalan ni joi. naganap yon nong thursday lunch, our accounting manager, kuya rey treated us at moonpalace a korean/japanese resto located at the heart of the busy fareq nasser , why busy? ang liit lang ng kalsada pero yong mga sports car like lamborghini, mustang, porsche , corvette etc... dagdagan pa ng nagsisilakihang suv like cayenne porsche, range rover and the no. 1 suv here in qatar na parang taxi na sa sobrang dami ang land cruiser. ewan ko ba sa mga arabo ang hihilig sa masisikip na kalye. anyway, bago pa ma-off topic tayo sa aking main title ganon na nga nang libre ang amo namin dahil kaarawan nya pero this week pa kaarawan nya nakita ko kasi sa passport na tinago ni saira na secretary ni prasad , ah ok hindi nyo naman pala kilala yang mga taong tinutukoy at masyadong magulo din ata pagkasabi ko basta nakita ko sa aug. 28 pa bday nya at ngayon na pala yon. pero nag-celebrate sya ahead sa bday nya dahil half day lang kami pag thurs. nauna kami nila joi, jeng, rose,jam sa resto dahil inaantay pa nila si raghu na inuutusan pa ng amo naming hapon. kaya pala pinauna na rin kami ni kuya rey dahil mag order na daw kami, ayos! ayon sandamakmak na boxes or full set na japanese fuds inorder namin hehehe at kung anu-anu pa , kawawang kuya rey siguro mga isang libo mahigit binayaran nya pagkatapos naming tsumibog hindi pesos ha? times 15 pesos equivalent to 1 qatar riyal so mga more or less 15thou! wow! isang lunch lang yon, ganyan kasi kamahal dito pag mga oriental resto. pero syempre chick lang yon sa kanya eh, manager kaya sya at last year di sya nagpakain sa amin so nilubos-lubus na namin hehehe...siguro next time sa buffet na nya kami pakainin para makatipid dahil kahit isang bandihado ang kainin at isang baldeng soda lagukin namin ok lang dahil flat rate ang bayad. ang tao nga naman abuso talaga pag libre.
heres our pictures (mawala ng lahat huwag lang to):
the girlets
the boylets
pansinin ang puno sa likod namin
kuya rey and cms girlets
ito yong mga nilamon namin :
sashimi full set
kimchi ( korean appetizers)
ready to cook b-b-q seafoods & meat
aissa & ken are enjoying the foods
kainan na!
parang dinanan ng tsunami pagkatapos nag chow
kinagabihan party na naman! whew! hai pero konti na lang kinain ko dahil tumaba na naman ako waaaaaa! bday ng dalawang kababayan nila joi , combined party para makatipid sa gastos nga naman.
nag bilyar after kain
cutey kids na ang kukulet sa party
bangag dahil 3am na nakauwi at natulog ng 4am at nagising ng 9am para pumunta sa office ni joi dahil tinitingnan nya yong mga taong gumawa ng bagong office nya.
whatta weekend na naman.
pedeng nyong silipin ang lahat ng mga pictures sa flickr account ko. kayo ng bahala maghanap ng link malalaki na kau.
No comments:
Post a Comment