Sunday, September 04, 2005

long weekend daw

thursday: si yen nagpakain sa amin sa kabubukas lang na chili's at the mall branch. lumafang kami mga 9:30pm na dahil may mga kanya-kanya pang trabaho ang iba. kami-kami pa rin, same old faces . may bago pala si kristine na sister ni kat. i ordered chicken, beef, shrimp fajitas na sobrang sarap at sobrang dami (burp!). ayon tsismisan na naman kawawa ang mga wala don syempre hehehe... at walang humpay na pikturan to the max! nakauwi kami ni joi sa haus ng 12:00midnight. gusto pa sana nyang mag kape kaya lang yong iba kelangan ng umuwi dahil baka mapagalitan ng mga magulang.

check this out : foto album

nagmuni-muni na si yen kung magkano na naman babayaran nya

Image hosted by Photobucket.com

fajitas!

Image hosted by Photobucket.com

friday : natulog si joi ng 5am! para lang tapusin ang sassy girl teleseries, hindi naman sya adik sa koreanovela pero kulet kasi ng sassy at isang disc na lang para tapos na at pag last disc syempre don ang excitement kaya hindi na nya pinalampas pa. ginising nya ako para lang sabihan na 5am na at matutulog na sya, hahaha! sira talaga...

kinagabihan, pumunta kami ng the centre mall para manood ng stealth , pumunta kami don ng 8:00pm at whoah! 9:00 na kami naka park! hai naku kulang pa talaga ang movie houses sa qatar. at syempre pagdating namin puno na ang 9:30pm show so kinuha namin 12midnight. kaya naglakad-lakad muna kami ni joi sa mga shops at nakabili tuloy ako ng long sleeves polo na pang office, at pamatay oras , nag frap sa starbucks. natapos ang stealth 2am na good for me dahil wala akong pasok sa sat. kasi independence day ng qatar, bad for joi kasi meron sya. pero pumasok pa rin ako sa office dahil nag OT! ewan na lang kung di pa ako bigyan ng loyalty award ng co. namin kahit mont blanc lang na pen, o kahit increase na malaki sa january ( asa pa). natuwa sa amin si tsong kaya don kami pinakain ng lunch sa bahay nya kasama si joi at jeng. eat and run ang nangyari kasi may lakad pa si jeng hehehe...

saturday: yen called at 3:00pm kasalukyang humihilik kami ni joi (hai, dapat talaga pinapatay ang cellfon pag natutulog ka, istorbo! hehehe) may pakain daw ang newly engaged na si em and alex sa bahay nila alex. kaya after work ni joi tuloy na kami sa haus nila alex at lumafang na ng pagka-alat2 na adobong baboy at walang kalasa-lasang spaghetti ( sorry em kung mabasa mo to, talagang namang walang lasa ang spag at adobo nyo hehehe)kaya binawi ko na lang sa gelato at cake para mabusog lang. syempre pikturan na naman to the max, wala muna akong ipapakitang mga pictures namin dahil di ko pa na upload kaya gamitin nyo na lang imahinasyon nyo muna. after kain pumunta kami sa rooftop dahil nandon ang clubhouse at timing walang katao-tao kundi kami lang kaya naligo na sila em & yen, me? sayang meron...kaya next time na lang.

long weekend nga!

No comments: