Thursday, March 02, 2006

+buhay nga naman+


on grocery

Sa wakas nagtuloy din ang parating na po-postpone na paggrocery. last week pa namin balak pumunta ng supermarket pero ang laging sagot ko kay joi "bukas na lang" hanggang sa natapos na lang ang isang linggo, hindi pa rin natuloy. ang dahilan? PBB celeb edition hahaha. wala lang. naintriga lang ako sa mga tao sa bahay ni kuya. lalo na kay rustom at keanna. at di nga ako nagkamali sa aking hinala. dahil isa nga syang drag queen! salado ako sayo rustom dahil sa pag-amin mo on national television. di biro yon ha? kelan kaya aamin si Piolo Pascual? malamang pag wala ng karir . sayang kagabi, di ko nasaksihan ang pag-amin ni rustom kasi nga nag grocery kami. nabasa ko na lang sa abs-cbn.com. ewan ko ba pag grocery na ang topic ni joi, wala akong kagana-gana. kahit wala ng laman ref namin. nakakatamad kasi dahil mamimili ka (at matagal ako nyan) tapos mong mamili, paguwi ng bahay ilalagay mo na naman sa ref. o sa mga dapat kalagyan ng pinamimili mo. alam ko na sabihin nyo, buti nga ikaw may pamimili yong iba namomoblema kung san kukuha ng pambili. sige na, im so thankful to the Lord at dapat di ko na kaiinisan ang mag grocery. hahaha. wish ko lang sana may online shopping sa family food center o kahit anong supermarket dito sa doha para sa net na lang ako mamili at door 2 door delivery pa. wish ko lang!

Sa trabaho.

alam ko naririndi na kayo sa mga parinig ko sa mga ka officemates ko na hindi mo talaga ma take ang mga ugali pagdating sa trabaho. pero blog ko to, sabihin ko ang dapat kung sasabihin, okay? hehehe. ayon binigyan na nga sila ng memo. at buti naman nakinig. pagdating naman sa trabaho nila, yong isa masipag-sipag na kahit slow pa rin at burara. pero yong isa, wala pa ring pagbabago. ganon pa rin, inuuna pang ang net kaysa pagtratrabaho. kaya ang resulta naputulan kami ng 3 linya for mobile fon. trabaho kasi nya yon. mabait pa rin co. namin kasi di sya pinagalitan. may bago na naman sa opisina namin. naka-assign sa reception. ang angas umasta! grabe. pinay din tulad ko. at nasa 22 pa ata yong bruhang yon. day-off rin kasi hanggang pwet yong buhok nya. hai, naku di ko na lang papatulan. aalis din naman yan sa kalaunan.

pagsasaya.

10004743nanood kami ni joi ng underworld: evolution. ganda! aksyon na aksyon at madugo. nakuwi kami ng bahay 12past midnight na.

weekend.

kumain kami sa thai karenderya nong thurs night. sama sila yen, aissa, at mhan2. after thai balak sanang magkape sa fauchon pero closed na. kaya balik ma maison na lang kami. matagal-tagal na rin kaming di nakapagkape don. pagpupunta kami non, may libre kaming mini biskwit pero that time , wala. balak pa sana naming gumimik sa club pero buti na lang napigilan.

kahapon, pumunta kami ng beauty parlor ni kat. napag relax at trim sya ng hair. ako naman, nagpa facial (ouch!ouch! sakit!). sumunod si yen sa parlor galing gym. pagkatapos ng parlor, kumain kami ng dinner sa eli france ( yen, kat, joi,shalli). tapos kumain, ikot-ikot sa city centre mall para maghanap ng damit para sa kasal ni jodeth. pero wala din kaming nahanap. nagsarahan na ang mga shops kaya umalis kami sa mall at nag hot choco sa ma maison.


No comments: