Saturday, March 18, 2006

Happy Araw ng Davao!


inaantok ako ngayon sa opisina, sUbra!!! kaya update muna sa blog kung malapit na namang aamagin.

March 16 : araw ng davao! sayang wala ako sa aking pinakamamahal na bayan. pero umattend naman ako ng sakal ng aking dating officemate. masaya na malungkot ang kasal. masaya dahil kasal. malungkot dahil wala man lang ka musik-musik yong simbahan, konti lang kaming dumalo, wala ang parents ng babae at lalaki, kulang sa preparasyon, in short walang kabuha-buhay ang kasal. nagkabuhay lang dahil fenk na fenk mga suot ng abay at magaganda kami of course! nakakaiyak talaga ang kasal na yon, promise! kasi nga di dumalo ang parents ng babae dahil ayaw na ayaw nila sa broom. hai...mga magulang talaga, kung minsan di mo maintindihan...buntis na kaya anak nyo! hello? kaya yong bride, makikita mo sa kanyang mga mata ang bakas ng kalungkutan... MMK na to! tama na, baka maiyak pa ako at baka pati na rin kayo. pero in fairness masarap ang mga pagkain sa reception, hehehe. kahit ilang beses na akong nakakain ng buffet sa great wall chinese restaurant, kahit the same pa rin mga ulam at desserts nila hindi pa rin ako nagsasawa. sarap kasi! pagkatapos pala ng sakal ng dalawa, back to reality na sila...means...LDR! bawal kasi ang lalaki sa bahay ng babae. wala pa o di pa sila nakahanap ng bahay kaya kanya-kanya sila ng uwi sa kani-kanilang bahay. di ba nakakalungkot? at nakaka " ano ba yan?". Hay, pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

No comments: