Tuesday, March 29, 2005

++ au revoir IV ++

Ngayong huwebes 31th of March 2005, magbibigay ng despedida party ang officemate ko na soon to be ex-officemate na si Judith ( pero ganito talaga spelling ng name nya Jodeth).


isa na namang nakakalungkot isipin na may aalis na naman sa opisina namin, parang kelan lang non kay kat, ngayon si judith na naman. okay naman ang kompanya namin pero yong nga lang sa dept. nila ang hindi maganda dahil mag da-dalawang taon na sya eh kahit ni singkong duling hindi sya binigyan ng dagdag na sahod. siguro naman kahit sino diba? aalis talaga sa kalagayan nya. at swerte nya dahil nakakita sya ng bagong kompanya na tunay naman malaki ang sahod, twice sa sinasahod nya sa kasalukuyan at hindi pa talaga masyadong matrabaho, san ka pa? kaya masaya na rin kami para sa kanya kahit sya ay lilisan na sa cms. at kelangan nya na ring kumita ng malaki dahil magpapakasal na sya sa taong ito. yehey! sana nga payagan na kayo ng magulang mo (hehehe...by hook or by crook daw magpapakasal sya before sa kanyang kaarawan). sana nga matuloy na yang sakal nyo dahil nauudlot ang pagbibili ng damit ni yen sa sana! at sana maisuot mo na rin yong binili mo sa mango.

marami-rami ka na ring napagdaanan sa dept. mo gaya ng pagsinghot sa amoy ni ajay aka bugs araw-araw.
pang- aaway kay bugs dahil naiirita ka sa kanya.
pang tsi-tsismis mo kay kiri.
pag kagusto ng isang indian sayo sa site ( ngek!)

ma-miss ka namin dahil:

hindi ka na namin makasalo sa lunch break
hindi ka na namin makasama pag mag sale ulet sa landmark
hindi ka na namin makasama sa kris kringle ngayong pasko
at higit sa lahat hindi na namin malalaman ang ginagawa na kawalanghiyaan ni bugs sa dept. nyo (sabagay care namin).

magkita-kita na lang tayo sa bahay nyo at videoke to the max! na naman. yen huwag ka masyadong gahaman sa mike ha? 2 songs per turn lang tayo.

Image hosted by Photobucket.com

si judith at ang everdearest fafa mart nya

Sunday, March 27, 2005

++ holy week ++

Happy easter sa lahat ng nag ce-celebrate nito. At sa lahat ng nagpapasyon, nagdarasal , at nag oobserba nitong simana santa, mabuhay kayong lahat!

Ilang taon na ba akong hindi nag obserba ng simana santa? ahhhh....tagal na rin pala, simula nong tumuntong ako dito sa Qatar. Yon ay mag-aapat na taon ngayong Nov. 17,2005. medyo matagal na rin no? at siguro mga tatlong beses lang ako nagsimba sa Katoliko. mas marami pa sa born again christian ( at ako'y isang lihitimong katoliko). pero si joi isang BAC.

kung hindi ko pa nababasa ang mga blog ng mga kaibigan ko hindi ko alam na holy week na pala, sabagay hindi ko rin masisi bakit nagkaganon, dahil wala nga namang simana santa sa midde east.

naaalala ko nong unang panahon na nasa pinas pa ako pag holy week, mag wa-way of the cross kami ng barkada ko, mga 6kms din ang nilalakad namin non, nagsisimba pagkatapos, pag black saturday simba ulet. at ang gustung-gusto ko ay tv marathon ng studio 23 - Seventh Heaven! adik ako non sa programang yan. at pag easter sunday gigising ng maaga dahil "salubong" at makipanood na rin ng program sa church.

sarap alalahanin.



Tuesday, March 22, 2005

++ the power of cybershot ++

Marami na ring kinukunang larawan ang Digital Camera ng aking kaibigan, kalakwatsa, kashopping, kadepartamento sa opisina , ano pa ba?... si yen , kahit saan na lang, kahit anong events o wala, walang humpay ang pag click dito, click doon.

ito yong mga bagong shots nong gimik namin last thurs. (amigos bar) fri. (pan-am haus):

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
: Amigos : Me, Joi, Yen, Eman, Em, Webster, Cherry Pie & Rouel.

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
:Pan-Am Haus - Me, Joi, Yen, Eman, Em, Angel, Alex, & Egoy.

Thank God at naimbento ang camera!

Pikturan na naman this weekend!

Saturday, March 19, 2005

++ happenings! ++

isa-isahin ko pa ba? sige na nga, para may maisulat ako dito.

Ang mga Regalos:

Yan ay nangyari nong aking kaarawan at nagpapasalamat ako sa aking mga kaibigan na hindi nakalimot na bigyan ako ng gips at sa mga kaibigan ko na hindi pa nakapagbigay, bukas ang aking mga palad sa pagtanggap ng mga iyon. " better late than never"

Image hosted by Photobucket.com burberry brit fr. Yen

Image hosted by Photobucket.com Bag fr. Jade (Package fr. USA)

Image hosted by Photobucket.com Elephant Bowl fr. Ellai ( Jeng's Daughter)

Image hosted by Photobucket.com Photo Frame fr. Rose (My officemate)

Mga Larawan:

Kuha ito nong mismong kaarawan ko na ginanap sa Ponderosa (buffet Dinner) at mga nagsipagdalo : Yen, Kat, Jeng, Ellai, Jodeth & Joi.

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Pagkatapos ng kainan pumunta na naman kami ni joi ng b-day & despedida party sa isa naming kaibigan. Cake na lang aking kinain dahil sobrang busog na ako at baka isusuka ko na ang pagkaing kinain ko sa ponderosa. Umuwi kami ng madaling-araw na at katatapos ko lang nagkasakit non, buhay nga naman.

Kinabukasan ng gabi may pupuntahan na naman kaming children's party, na ginanap sa jungle zone sa hyatt plaza. Ang ganda ng place kasi parang nasa fairland ka at ang sasaya ng mga batang naglalaro don. Pagkatapos ng party nagkita-kita na kami nila yen at em sa foodcourt at naglibot konti sa mall at ang huling hantungan ay ang kapehan sa starbucks- mannai salwa road (nasa taas ang larawan, yang kulay ube ang na damit na kasama ko si Joi).

Nong martes , naglibot-libot kami ni joi sa mall para humanap ng bagong damit para sa kanya, dahil ilang buwan na rin syang hindi nakatikim ng bago, puro na lang ako. At sinulit din nya ang tagal nyang hindi pagkakaroon ng bago dahil bumili ng 5 polo shirts. Buti na lang hindi kamahalan ang mga iyon.

Miyerkules dahil brown out sa opisina namin, nagkayayaan kaming 3 nila yen at aissa na pumunta ng mall para bibili kami ng susuotin ngayong huwebes (para sa gimik na pinaghandaan ko, ewan ko kung bakit...siguro dahil birthday ko last week). Pagkatapos bumili ng damit, kumain kami ng Buffet Lunch sa Pizza Express . Pagkatapos kumain, insaktong tumawag si Jeng at pinababalik kami sa opisina dahil may ilaw na. Nagtrabaho hanggang 6:00 pm.

Huwebes , gumimik kami sa Amigos kami nila Yen, Eman, Em, Cherrypie, Webster, Rouel and Joi. Same European, kongting Asian, Kano, Arabo & Indian crowd, parang ganon din ang crowd nong una naming punta kasi nakita na naman namin yong cutey pie na ka face ni Chris Klein kagabi, at as usual may naghahalikan na naman sa harap namin at sa bar may naghahalikan rin pero lalaki sa lalaki na nakita ni joi, naiinis sya! kinikilabutan kasi yon pag may nakitang ganong eksena. OO nga naman kahit sinong matinong lalaki, mandidiri talaga pag may ganyang eksena, Paumanhin na lang sa mga bading ha? at medyo nalasing na naman ako sa mga iniinom ko na mixed drinks. Mga mga pictures na naman kami sa loob ng bar, pakapalan na! next time ko na ibunyag pag na kopya na yon.

Yan ang mga nagaganap sa akin nong panahong hindi ako nakapag-update dito.

Salamat sa mga taong nagbabasa nitong pagkahaba-haba kung kwento.

Pahabol, bumili na pala ako ng libro (diba isa yan sa wish ko sa bday na magsisimula na akong magbasa ng libro ) " The World's Worst Murders ". O diba ang ganda ng binili kong libro, tiyak hindi ako aantukin non , malalaki pa ang letra at higit sa lahat sale ang pagkabili ko.

Thursday, March 10, 2005

++ 33 going on 34 ++

... Anong feeling ng 34? hmmm... ano nga ba? wala! age lang yan pero baby face pa rin ako! hahahaha!

... At 34 gusto ko lang maging happy ang life ko ngayon at magpakailanman sa piling ni Joi. Less Worry - Less Stress life! and World Peace.

... At 34 gusto ko may ma-accomplish akong malaking bagay.

... At 34 gusto kung umalis sa CMS for a change...( hehehe) ... magbakasyon pala kami, sige pag 35 na lang ako...hahaha!

... At 34 papayat pa ako lalo pero kakain din ako ng kanin at the same time.

... At 34 gusto kung umuwi sa pinas para magbakasyon.

... At 34 hindi na ako maging compulsive shopper.

... At 34 gusto kung magbasa ng Libro.

... At 34 i want to live an abnormal life! hahahaha!

Happy Birthday Malaine Balderas!

Monday, March 07, 2005

++ shukran clan & friends ++

sa wakas! nakabuo na rin ng bagong forum ang shukran clan and friends! lahat puedeng sumali...at sana sumali kayo parang awa nyo na...

pano nangyari yon? aksidente lang ang lahat...ganito kasi yon.

papunta na sana ako ng PHF ng iba ang lumabas sa aking screen at whoalah! isang free forum ang tumumbad sa aking mga mata...hindi na ako nagdalawang isip pa at nag sign-up na ako para gagawa ng sariling forum...actually matagal ko na ring gustong magkaroon ng forum para kahit off topic ang pinag-usapan nyo walang eepal di tulad ng mga ibang forums na saksakan ng strikto at daming feeling na moderators! at isa pa gusto ko ring maranasan maging moderator at admin at the same time...hahahaha!

join kayo ha? huwag ng mahiya

ito yong link , click mo lang:

Shukran Clan & Friends

Wednesday, March 02, 2005

++ marching on ++

... end of school year

... graduation ( oi! graduate na ng college si Claudia Koronel yong starlet non na sikat? sikat ba sya...? bakit ko binanggit? wala lang...meron pala, at least sya may ambisyon di katulad ng mga ibang starlet na nalaos na lang dahil nalulong sa droga, iniwan ang showbiz sa kasagsagan ng kanyang kasikatan ( sikat nga ba sya?) kapalit ang pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo, yan ang may ambisyon! )

sa mga batch 2004-2005 " Mabrokh!" ( congratulation in english)

... 34 na ako... ngayon a diyes...ano nga ba ang mga na achieve ko na sa aking sarili...hmmm...ahhhh...sa a diyes ko na e-kwento malayo pa naman yon...

... tambak na naman ang trabaho ko dahil umpisa na naman ng buwan, pero eto pa rin ako nag- u-update... this is my stress reliever , baby!...habang kasalukuyang hinihigop ang aking tsa-a na ang pait dahil konti lang ang asukal...

... nag-iisip kung saan ko pakakainin ang aking mga kaibigan sa aking kaarawan ( ahhhhhhhhhh...tsaka na ako mag-isip pag may pera na ako, hirap mag-isip pag wala non.)


... nasa season 6 na ako ng friends..way to go baby! (hahahaha! nakuha ko na ata expression ni joey! opppsss!...)

... wala ata ako sa sarili ngayon...o lumulutang lang ang aking pag-iisip...pipiliin ko yong huli...dahil kung wala ako sa sarili hindi ako makapagsulat ngayon at malamang nasa mental na ako at hindi na magtratrabaho at malungkot na malungkot...

lumulutang nga aking aking pag-iisip...