Sunday, August 28, 2005

visited korea and japan

kala mo naman bansa ang pinuntahan ko , resto lang pero isa yan sa mga wishes ko na one day aming mapasyalan ni joi. naganap yon nong thursday lunch, our accounting manager, kuya rey treated us at moonpalace a korean/japanese resto located at the heart of the busy fareq nasser , why busy? ang liit lang ng kalsada pero yong mga sports car like lamborghini, mustang, porsche , corvette etc... dagdagan pa ng nagsisilakihang suv like cayenne porsche, range rover and the no. 1 suv here in qatar na parang taxi na sa sobrang dami ang land cruiser. ewan ko ba sa mga arabo ang hihilig sa masisikip na kalye. anyway, bago pa ma-off topic tayo sa aking main title ganon na nga nang libre ang amo namin dahil kaarawan nya pero this week pa kaarawan nya nakita ko kasi sa passport na tinago ni saira na secretary ni prasad , ah ok hindi nyo naman pala kilala yang mga taong tinutukoy at masyadong magulo din ata pagkasabi ko basta nakita ko sa aug. 28 pa bday nya at ngayon na pala yon. pero nag-celebrate sya ahead sa bday nya dahil half day lang kami pag thurs. nauna kami nila joi, jeng, rose,jam sa resto dahil inaantay pa nila si raghu na inuutusan pa ng amo naming hapon. kaya pala pinauna na rin kami ni kuya rey dahil mag order na daw kami, ayos! ayon sandamakmak na boxes or full set na japanese fuds inorder namin hehehe at kung anu-anu pa , kawawang kuya rey siguro mga isang libo mahigit binayaran nya pagkatapos naming tsumibog hindi pesos ha? times 15 pesos equivalent to 1 qatar riyal so mga more or less 15thou! wow! isang lunch lang yon, ganyan kasi kamahal dito pag mga oriental resto. pero syempre chick lang yon sa kanya eh, manager kaya sya at last year di sya nagpakain sa amin so nilubos-lubus na namin hehehe...siguro next time sa buffet na nya kami pakainin para makatipid dahil kahit isang bandihado ang kainin at isang baldeng soda lagukin namin ok lang dahil flat rate ang bayad. ang tao nga naman abuso talaga pag libre.

heres our pictures (mawala ng lahat huwag lang to):


Image hosted by Photobucket.com the girlets

Image hosted by Photobucket.com the boylets

Image hosted by Photobucket.com pansinin ang puno sa likod namin

Image hosted by Photobucket.com kuya rey and cms girlets


ito yong mga nilamon namin :
Image hosted by Photobucket.com sashimi full set
Image hosted by Photobucket.com kimchi ( korean appetizers)
Image hosted by Photobucket.com ready to cook b-b-q seafoods & meat
Image hosted by Photobucket.com aissa & ken are enjoying the foods
Image hosted by Photobucket.com kainan na!
Image hosted by Photobucket.com parang dinanan ng tsunami pagkatapos nag chow

kinagabihan party na naman! whew! hai pero konti na lang kinain ko dahil tumaba na naman ako waaaaaa! bday ng dalawang kababayan nila joi , combined party para makatipid sa gastos nga naman.



Image hosted by Photobucket.com nag bilyar after kain
Image hosted by Photobucket.com cutey kids na ang kukulet sa party
Image hosted by Photobucket.com bangag dahil 3am na nakauwi at natulog ng 4am at nagising ng 9am para pumunta sa office ni joi dahil tinitingnan nya yong mga taong gumawa ng bagong office nya.

whatta weekend na naman.

pedeng nyong silipin ang lahat ng mga pictures sa flickr account ko. kayo ng bahala maghanap ng link malalaki na kau.

Saturday, August 20, 2005

tambay ng bilyaran

...nagkayayaan nong huwebes ng gabi 10:00pm sa bahay nila aissa. natupad na ang matagal na inaasam-asam ni aries-jeng et al na makapag bilyar sa bahay nila aissa. at nangyari na nga, bago kami pumunta sa bahay nila bumili muna kami ng pagkain sa isang pinoy cafe. nagdala rin si yen ng isang plastic bag na puno ng tsitsirya. ang mga alak kay aissa ( actually sa daddy nya na ki- join sa amin) cool diba?

ayon bilyaran, inuman, sayawan, food trip, tsismisan at kung anu-ano pang walang kwentang pinaggagawa namin...

bring back the old days na nakatambay sa bilyaran at mag cutting classes...pero hindi ako yon, ikaw kaya? good girl kasi ako during may pag-aaral days at magpahanggang ngayon.

heres our patikim pics :

"bunny jeans 2005 models"



"tapos ng tsumibog"

Image hosted by Photobucket.com

"tinugga"

Image hosted by Photobucket.com

"tambay sa bilyaran non"

Image hosted by Photobucket.com

"class of 2005 section 11"

Image hosted by Photobucket.com

ito yong kabuuan ng aming walang humpay na pikturan:


Bonding Session ---- click mo lang yan.

------------------------------------------------------------------------------------

from evi latest entry:

20 years ago --- hmmm...14 pa ako nyan- 2nd yr. HS i guess, (hai evi poor memory talaga ako)so halatang naglalaro pa ako ng chinese garter , may isang teacher kami na pagpasok na pagpasok pa lang nya sa classroom ang una-una nyang sinasambit ay " TAKDANG ARALIN" duh! matandang dalaga na kasi.

15 years ago --- i guess, 1st trip ko sa samal island at 1st time nag overnight...ewan basta during my college days ganyan trip namin ng mga barkada ko.

10 years ago ---nagtratabaho na yon lang ata maalala ko , no big deal...

3 years ago --- naghahanap ng magandang kompanya.

last year --- naglipat ng bagong bahay at bumili ng laptop

this year -- daming nabili , cellphone & digicam (gift ni joi) rims ni joi at kung anu-ano pa.

yesterday --- nagpakain sa opisina at naubusan kami ng tubig sa bahay alas 7pm pa lang.

last night --- na-malantsa, nag-ayos sa kabinet, natulog ng maaga.

today --- mag overtime at mag renew ng pasaporte

tomorrow --- mag overtime pa rin at magpa check siguro ng urine

next year --- makabakasyon na sana noh!

5 to 10 yrs. from now --- nagtratrabaho pa rin at sana may anak na.

ikaw naman : joi++mark++pao++

Saturday, August 13, 2005

we are certified farty fifol

una sa lahat bago ang farty na naganap last weekend. e brag ko muna yong binili kung gift sa lovey ko.

Image hosted by Photobucket.com

nice isnt it? dapat lang noh mahal kaya ng pagkabili namin nyan at tuwang-tuwa talaga ang lovey ko

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
feeling paparazzi lang

okay ito na yong parting naganap nong huwebes ng gabi sa bahay nila aissa dahil bday ng pamangkin nyang si Hapy! yen & I went shopping at hyatt and we bought osh kosh fisherman's hat & polo gift for hapy. and syempre bumili din kami ng para sa amin sa bossini at roots.

Image hosted by Photobucket.com
tuwang-tuwa si hapy at aissa nag blow ng cake.

ito yong kabubuan ng mga kaganapan nong farty (click the link) : Hapy's Bday Farty

Friday was Yen's bday treat for us ( i, joi, eman, em, jeng & aries) at la veranda -sheraton hotel, yap bongga ang lola , madatung na kasi dahil sa dyowa nya hahahaha!

Image hosted by Photobucket.com

make a wish!

ito ulet ang walang kamatayang fikture namin : Yen's Bday Treat

certified farty pipol nga ba kami?

Monday, August 08, 2005

taMad pa rin

ito ay alay ko sa mga taong nagmamahal sa akin dahil kahit walang update tong aking blog patuloy pa rin silang dumadalaw at nagmamalasakit sa akin na makikita naman sa komentaryo.

bakit nga ba akong naging si mariang tamad? ano ba ang ginagawa ko sa araw-araw na ginagawa ng Diyos?

lahat ng ito ay ang pagsasakripisyo ko sa aking trabaho dahil biglang natambakan ako ng mga pagkaraming-raming papel sa aking mesa 2 mos. na ang nakaraan at magpahanggang ngayon hindi pa ako na recover...bw---t! kahit magsisigaw man ako eh wala namang mangyayari dahil trabaho ko to at walang pedeng gumawa kaya mag OT kung kaya pang e OT.

after OT nong aug. 02, nag dinner kami ng mga cms girlets w/ our bosses.. sa Oasis Hotel sa isang chinese resto na may kumakantang pinay at pinoy. nag treat yong hapong dating gen. manager namin na ngayon naka base na sya sa head office- yokohama.

Image hosted by Photobucket.com

fr. left: myself, kat, prasad (gen. services manager-indian), aissa, shimizu (who treated us)

more pics here just click it ok? :oasis hotel

last thurs. went to jonie's bday party, as usual jam packed na naman ang bwisita nya 9:30 pm pa lang ubos na ang alak, tomador talaga mga pinoy. at halos ubos na rin ang foods sa dami nga namang tao. pero masaya pa rin dahil daming nagsasayawan, nag-iinom, naghalakhakan, nagkakainan.

ito ulet pics namin:---

Image hosted by Photobucket.com

fr left: em, myself, yen, jonie ( bday girl), guest, another bday girl, guest

more pics here click mo ulet:jonie's bday typar

yesterday went shopping kelangan ko na talaga because im stress ok? from 4:30 pm till 8pm umikot-ikot ako sa truworths ( fave brand dahil cheapy lang), la senza ( cutey underwares), debenhams (sale kasi). guess what? sobrang sakit ng heels ko! sa kakalakad buti na lang may nabili ako. after mall went to tyre rims shop to buy joi's tyre rims , gift ko sa kanya nong wedding anniversary namin (late na no? eh ngayon lang ako nagkapera eh) so expensive the tyre rims ha! overrrr!!! anyway, okay na rin kasi ultimate dream nya ang tyre rims na yan. after shoppings kumain na kami (thank God).



what a week! bow...