Sunday, March 26, 2006
Happy ka ba?
pwes kundi...itong sayo!
Happy Tips
Ways to happiness and spiritual well being
* It's more important to be happy than to be right.
* You can either be happy, or unhappy. Choose happy.
* Live life with an open hand, an open mind, and an open heart.
* Compliment three people everyday.
* Watch a sunrise.
* Be the first to say "Hello."
* Do not waste an opportunity to tell someone you love them.
* Treat everyone as you want to be treated.
* Never give up on anybody; miracles happen.
* Forget the Jones ' s.
* Remember someone ' s name.
* Pray not for things, but for wisdom and courage.
* Be tough-minded, but tender hearted.
* Be kinder than you have to be.
* Do not forget that a person ' s greatest emotional need is to feel appreciated.
* Keep your promises.
* Learn to show cheerfulness even when you do not feel it.
* Remember that overnight success usually takes 15 years.
* Leave everything better than you found it.
* Remember that winners do what losers do not want to do.
* When you arrive at your job in the morning, let the first thing you say brighten everyone ' s day.
* Do not rain on other people ' s parades.
* Live beneath your means.
* Keep some things to yourself and do not promote havoc by backstabbing people you love.
* Stop Rushing Past Life
* Let Go!
Alternative Happy Tips
* Whatever it is, if you really want to eat it, eat it!
* Never piss off anyone who has access to you when you are asleep.
* Never argue with a pregnant woman.
note: wala na naman akong matsismis ngayon, nasa 360 ko na kasi ang weekend gala namin, yoko namang e-copy paste ko pa yon dito ( nag-explain pa?). anyhow, masaya ako dahil nakabili ako ng 3 polos & gimik spag straps for aissa's bday next month. happy ako na buhay pa ako ngayon at magsisimba mamayang gabi kasama si habibi. happy ako dahil nakatanggap ako ng pink bag fr. accessorize ( bongga!) galing kay kat kani-kanina lang. happy ako dahil malapit ko ng makuha ang gold ( hahaha! bold letters talaga) credit card ko (yey! shopping galore na naman, hahaha!). happy ako dahil di pa naubos ang savings ko sa bangko na mag end of the month na which is "himala!" pang bakasyon yon kaya nag-ipon lang. masaya ako dahil maaga kaming natulog ni joi kagabi ( 10:00pm). masaya ako dahil sa lahat-lahat ng blessings na binigay ni Lord sa amin ni joi. amen.
Saturday, March 18, 2006
Happy Araw ng Davao!
inaantok ako ngayon sa opisina, sUbra!!! kaya update muna sa blog kung malapit na namang aamagin.
March 16 : araw ng davao! sayang wala ako sa aking pinakamamahal na bayan. pero umattend naman ako ng sakal ng aking dating officemate. masaya na malungkot ang kasal. masaya dahil kasal. malungkot dahil wala man lang ka musik-musik yong simbahan, konti lang kaming dumalo, wala ang parents ng babae at lalaki, kulang sa preparasyon, in short walang kabuha-buhay ang kasal. nagkabuhay lang dahil fenk na fenk mga suot ng abay at magaganda kami of course! nakakaiyak talaga ang kasal na yon, promise! kasi nga di dumalo ang parents ng babae dahil ayaw na ayaw nila sa broom. hai...mga magulang talaga, kung minsan di mo maintindihan...buntis na kaya anak nyo! hello? kaya yong bride, makikita mo sa kanyang mga mata ang bakas ng kalungkutan... MMK na to! tama na, baka maiyak pa ako at baka pati na rin kayo. pero in fairness masarap ang mga pagkain sa reception, hehehe. kahit ilang beses na akong nakakain ng buffet sa great wall chinese restaurant, kahit the same pa rin mga ulam at desserts nila hindi pa rin ako nagsasawa. sarap kasi! pagkatapos pala ng sakal ng dalawa, back to reality na sila...means...LDR! bawal kasi ang lalaki sa bahay ng babae. wala pa o di pa sila nakahanap ng bahay kaya kanya-kanya sila ng uwi sa kani-kanilang bahay. di ba nakakalungkot? at nakaka " ano ba yan?". Hay, pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Sunday, March 12, 2006
I have... A time of my life
What is with the title? nabubuang na naman ako sa Dirty Dancing! waaaaaa! naiiyak na naman ako nong pinanood ko sya ulet. kelan ko ba last nakita yon? ah! 4th year HS, at tandang tanda ko pa na inlab na inlab pa ako kay patrick swayze. salamat sa nag share ng DD sa limewire.
Thursday.
It was my big night! big talaga dahil big ang gastos. wahahaha! shared bday kami ni em na ginanap sa intercon hotel - la paloma bar. naka pula ang lola nyo dahil, feeling lucky that night. hehehe. ang tapang ng bull frog! naka isang drink lang ako dahil baka matulad ako nila shalli at aissa na nalasing sa 2nd round na bull frog. we danced our hearts out! ang init sa dance floor at ang sikip pa. daming lalaki na gustong makipag sayaw sa amin at kumikiskis sa pwetan kina yen at shalli. pero sorry na lang sila, not interested dahil di mga guapo at ang mamanyak pa! ang guapo nong isa sa banda na tumugtog! bloody hell!!! ka face ni dingdong dantes at hunk na hunk. pahirapan talaga sa dance floor. pati daanan papunta don, para kang dumaan sa talahiban na masukal sa dami ng tao. pero the more the merrier! and more pawis the merrier din! ayos ang sounds. daming guapo at guapa. muntik na pala kaming di makapasok dahil naka polo shirt si mhan-mhan. buti na lang magaganda kami, nyahahaha. pag pasok namin don , juice ko! dami kayang naka tshirt lang. haller talaga! diskriminasyon nga naman. pag puti kahit naka t-shirt ok lang, pag asian ayaw papasukin. after paloma, nag kape muna kami sa dairy queen. sa pictures makikita mo talaga na wasted na kaming lahat! buti na lang walang sumuka.
Friday.
Lunch sana sa mga day people na aking inimbita. kasawiang palad ni isa walang pumunta sa inimbita ko. may sari-sarili silang dahilan. as usual, no hurt feelings. ganyan talaga. next time ulet. gusto ko sanang umabsent sa sabado kasi barado ilong ko at pagod sa lakwatsa. kaya lang, mabait talaga ako na empleyado kasi pumasok pa rin ako. gusto ko din sanang umabsent ngayon kasi barado pa rin ilong ko. pero heto ako, pumasok pa rin. letche! kelan kaya ako maging batugan sa pagpasok?
sa mga gustong makita ang mga larawan namin nong thursday. paki pindot na lang yang link sa baba.
My debut @ La Paloma Bar at Intercontinental Hotel
Wednesday, March 08, 2006
bagong entry: pakibasa na lang kung may panahon kayo
sobrang haba kasi nyang entry ko sa 360, kaya napagpasyahan kung ito na rin ang entry ko dito.
atbp.
lapit na rin bday ko. yey! bukas na ako mag celebrate sa mga night people. at kinabukasan non friday, magpakain naman ako sa nga day people. okay, gagastos na naman ako. pero syempre, thankful to Him dahil buhay na buhay pa rin ako dito sa mundong ibabaw. last sunday pala nagumpisa yong born again mass sa bahay ng amo ni joi. tuluy-tuloy na tong pagiging mabait ko. sana di pa ako kunin ni Lord. Oi! good news (for me) dahil naka DL na rin ako sa wakas ng dirty dancing ( original version) yey!. may bago na palang patakaran ngayon ang Qatar tungkol sa drinking while driving. 6,000 (x 14= to peso) riyals lang naman ang fine plus 40 lashes! wow! ayan tuloy si joi at yen di maka tungga ng alak ngayong huwebes dahil sila lang naman ang mga dakilang driver. sana ganyan din sa pinas. pero wa-epek din malamang. siguradong palusutin ang mga ganyan lasing habang nagdri-drive basta bigyan lang ng lagay ang mga buwayang pulis. sa wakas nakabili na rin ako ng dress para sa sakal ni mart at jodeth ngayong march 16. as usual sa Sana ko lang binili dahil mura lang mga damit don at maganda pa.
o sya next week ulet. mag sho-shopping pa ako for my shoes and accessories perhaps.
o sya next week ulet. mag sho-shopping pa ako for my shoes and accessories perhaps.
Thursday, March 02, 2006
+buhay nga naman+
on grocery
Sa wakas nagtuloy din ang parating na po-postpone na paggrocery. last week pa namin balak pumunta ng supermarket pero ang laging sagot ko kay joi "bukas na lang" hanggang sa natapos na lang ang isang linggo, hindi pa rin natuloy. ang dahilan? PBB celeb edition hahaha. wala lang. naintriga lang ako sa mga tao sa bahay ni kuya. lalo na kay rustom at keanna. at di nga ako nagkamali sa aking hinala. dahil isa nga syang drag queen! salado ako sayo rustom dahil sa pag-amin mo on national television. di biro yon ha? kelan kaya aamin si Piolo Pascual? malamang pag wala ng karir . sayang kagabi, di ko nasaksihan ang pag-amin ni rustom kasi nga nag grocery kami. nabasa ko na lang sa abs-cbn.com. ewan ko ba pag grocery na ang topic ni joi, wala akong kagana-gana. kahit wala ng laman ref namin. nakakatamad kasi dahil mamimili ka (at matagal ako nyan) tapos mong mamili, paguwi ng bahay ilalagay mo na naman sa ref. o sa mga dapat kalagyan ng pinamimili mo. alam ko na sabihin nyo, buti nga ikaw may pamimili yong iba namomoblema kung san kukuha ng pambili. sige na, im so thankful to the Lord at dapat di ko na kaiinisan ang mag grocery. hahaha. wish ko lang sana may online shopping sa family food center o kahit anong supermarket dito sa doha para sa net na lang ako mamili at door 2 door delivery pa. wish ko lang!
Sa trabaho.
alam ko naririndi na kayo sa mga parinig ko sa mga ka officemates ko na hindi mo talaga ma take ang mga ugali pagdating sa trabaho. pero blog ko to, sabihin ko ang dapat kung sasabihin, okay? hehehe. ayon binigyan na nga sila ng memo. at buti naman nakinig. pagdating naman sa trabaho nila, yong isa masipag-sipag na kahit slow pa rin at burara. pero yong isa, wala pa ring pagbabago. ganon pa rin, inuuna pang ang net kaysa pagtratrabaho. kaya ang resulta naputulan kami ng 3 linya for mobile fon. trabaho kasi nya yon. mabait pa rin co. namin kasi di sya pinagalitan. may bago na naman sa opisina namin. naka-assign sa reception. ang angas umasta! grabe. pinay din tulad ko. at nasa 22 pa ata yong bruhang yon. day-off rin kasi hanggang pwet yong buhok nya. hai, naku di ko na lang papatulan. aalis din naman yan sa kalaunan.
pagsasaya.
nanood kami ni joi ng underworld: evolution. ganda! aksyon na aksyon at madugo. nakuwi kami ng bahay 12past midnight na.
weekend.
kumain kami sa thai karenderya nong thurs night. sama sila yen, aissa, at mhan2. after thai balak sanang magkape sa fauchon pero closed na. kaya balik ma maison na lang kami. matagal-tagal na rin kaming di nakapagkape don. pagpupunta kami non, may libre kaming mini biskwit pero that time , wala. balak pa sana naming gumimik sa club pero buti na lang napigilan.
kahapon, pumunta kami ng beauty parlor ni kat. napag relax at trim sya ng hair. ako naman, nagpa facial (ouch!ouch! sakit!). sumunod si yen sa parlor galing gym. pagkatapos ng parlor, kumain kami ng dinner sa eli france ( yen, kat, joi,shalli). tapos kumain, ikot-ikot sa city centre mall para maghanap ng damit para sa kasal ni jodeth. pero wala din kaming nahanap. nagsarahan na ang mga shops kaya umalis kami sa mall at nag hot choco sa ma maison.
Sa trabaho.
alam ko naririndi na kayo sa mga parinig ko sa mga ka officemates ko na hindi mo talaga ma take ang mga ugali pagdating sa trabaho. pero blog ko to, sabihin ko ang dapat kung sasabihin, okay? hehehe. ayon binigyan na nga sila ng memo. at buti naman nakinig. pagdating naman sa trabaho nila, yong isa masipag-sipag na kahit slow pa rin at burara. pero yong isa, wala pa ring pagbabago. ganon pa rin, inuuna pang ang net kaysa pagtratrabaho. kaya ang resulta naputulan kami ng 3 linya for mobile fon. trabaho kasi nya yon. mabait pa rin co. namin kasi di sya pinagalitan. may bago na naman sa opisina namin. naka-assign sa reception. ang angas umasta! grabe. pinay din tulad ko. at nasa 22 pa ata yong bruhang yon. day-off rin kasi hanggang pwet yong buhok nya. hai, naku di ko na lang papatulan. aalis din naman yan sa kalaunan.
pagsasaya.
nanood kami ni joi ng underworld: evolution. ganda! aksyon na aksyon at madugo. nakuwi kami ng bahay 12past midnight na.
weekend.
kumain kami sa thai karenderya nong thurs night. sama sila yen, aissa, at mhan2. after thai balak sanang magkape sa fauchon pero closed na. kaya balik ma maison na lang kami. matagal-tagal na rin kaming di nakapagkape don. pagpupunta kami non, may libre kaming mini biskwit pero that time , wala. balak pa sana naming gumimik sa club pero buti na lang napigilan.
kahapon, pumunta kami ng beauty parlor ni kat. napag relax at trim sya ng hair. ako naman, nagpa facial (ouch!ouch! sakit!). sumunod si yen sa parlor galing gym. pagkatapos ng parlor, kumain kami ng dinner sa eli france ( yen, kat, joi,shalli). tapos kumain, ikot-ikot sa city centre mall para maghanap ng damit para sa kasal ni jodeth. pero wala din kaming nahanap. nagsarahan na ang mga shops kaya umalis kami sa mall at nag hot choco sa ma maison.
Subscribe to:
Posts (Atom)