Monday, October 30, 2006

+ under the sun +


sa mahabang pamamahinga dito, ito na naman ang inyong abang lingkod mag uupdate ng isa na namang walang ka kwenta kwentang istorya ko sa buhay.

bago ang lahat e recommend ko sa inyong buksan ang youtube at manood ng korean horror flick since malapit na ang halloween. yan na naman ang kinarir ko ngayon, ibang putahe naman ika nga puro na lang lab movie/series pinapanood hanggang sa bahay.

A tale of Two Sisters:



Whispering Corridors 4: Voice



Enjoy!

Eid holiday sa Qatar at sa buong middle east nong Oct. 23 to 25. sa mga hindi alam kung anong ibig sabihin ng Eid, e search nyo na lang kay mr. google. 3 days wala kaming pasok, kaya beach to the max ginawa namin ni joi. 1st day ng eid, nag overnight sa seagilid ( gilid ng sealine beach resort) sama mga kababayan ni joi sa butuan. 2nd day nasa sealine na talaga kami kasama sila prieto family minus the tatay & talucod family. hindi na ako pedeng magbabad sa beach or sa pool dahil umatake na naman rashes ko kahit yong ginamit ko na for sensitive skin na sunblock wa epek rin. argh! mga bandang 3pm na ako bago naligo para wala na si ultra violet rays kasi nga di ako pedeng maglagay ulet ng sunblock baka mas lalo pang mag worst mga rashes ko sa braso at sa katawan, kainis! after sealine nag dinner kami sa thai. 9pm tulog na ako! waaaaa! sobrang pagod and sleep deprivation siguro kaya maaga pa lang humihilik na ako hahaha! at tsaka 2 days in a row kaya akong nasa dagat, kaya pa? 3rd day, nag overtime ako! ayos diba? kinarir ko ang panonood sa youtube hahaha! kala nyo naman nag wo-work ako no? hehehe...eh yong pinaka amo kasi namin gusto talagang mag overtime kami para daw marami kaming OT o diba san ka makakita ng ganyang kabait na amo? dito lang sa opisina namin. 4th day, back to reality na tapos na ang ramadan...tapos na ang eid pero buti na lang at half day lang kami pag thurs. kinagabihan pumunta kami sa kababayan ni joi nakikain dahil binyag sa bagong baby girl nila. friday, weekend... nag malling lang sandali at umuwi na para manood ng korean series hahaha! nahawa na kasi asawa ko sa akin.

happy weekdays to all!

13 comments:

HURWE! said...

Wow...seksi ah....

Middle East pla kyo.... tnx pla sa greetings....

M said...

siksik kamo hahaha!

yep, nasa gitnang silangan kami ng mundo hehehe...

Anonymous said...

if you can't beat them, join ka na lang... :lol:

i'm almost done with princess hours... hehehe...

Ann said...

Sayang blocked dito url na yan eh.

Kami rin nag enjoy sa 9days na holidays. Medyo limited nga lang yung mga g-mik dito unlike dyan sa place ninyo.


Happy Halloween!

Anonymous said...

idol tlaga kita, malaine. bikini princess kang tunay!

M said...

ann: sayang naman...pabili ka na lang sa mga taga pinas kasi 85 lang per dvd sulit na sulit talaga

evi: hahaha! shukran! na enganyo tuloy akong bumili na naman ng bikini hehehe

Yen Prieto said...

mirror mirror on the wall, whose the darkest of them all? haha.. ang nenegra natin sa pic huh?!??!??

at buti ka pa pumapasok lang sa ofc para manood ng koreanovela.. kelan ko kya magawa yan? asa pa!

Unknown said...

welcome back, ang ang gaganda ng mga nasa picture, saan ka doon melanie?

Anonymous said...

sarap sana talaga mag swimming kung di lang magkaroon ng rashes, sayang no, bitin> happy halloween nga pala. ang galing ng you tube, ako din tamabay na sa you tube.

M said...

yen: kaya nga di ako makaalis alis dito hahaha!

cruise: hmmm...guess mo na lang...

iskoo: youtube forever! hahahaha!

Anonymous said...

sis, pareho tayo. meron din kasing ibang sunblock na kahit for sensitive skin eh dehin umeepek sa akin. nangangati pa ako! ggrrrr!

buti na lang meron na akong mga nahanap na sunblock products dito. meron din nung olay total effects 7x. sa pinas eh ang endorser pa nito si dok calayan.

ayos! magiging kamukha ko na si dok calayan... manny calayan! wahahaha! ;)

Unknown said...

sino yong mga seksing yon....galing ng lakwatsa ah...hehe...

napanood ko yong movie na yon ate kahit duwag ako di ako natakot...halos mga korean horror movie ay parang comedy ang dating...di kasi nakakatakot...hehehe...

M said...

pao: at long last maging ka fez mo na rin si dok calayan eder of the 2 na lang sa kanila hahaha! at nakahanap ka na rin ng sunblock siguro ako di na mag su sunblock kasi mag night swimming na lang ako hehehe....

ideal: hahaha! ok ka talaga comedy dating sau ang korean horror? eh nakakatakot kaya lalo na yong arang... dahil taga korean ka kaya siguro ganon...