Tuesday, March 29, 2005

++ au revoir IV ++

Ngayong huwebes 31th of March 2005, magbibigay ng despedida party ang officemate ko na soon to be ex-officemate na si Judith ( pero ganito talaga spelling ng name nya Jodeth).


isa na namang nakakalungkot isipin na may aalis na naman sa opisina namin, parang kelan lang non kay kat, ngayon si judith na naman. okay naman ang kompanya namin pero yong nga lang sa dept. nila ang hindi maganda dahil mag da-dalawang taon na sya eh kahit ni singkong duling hindi sya binigyan ng dagdag na sahod. siguro naman kahit sino diba? aalis talaga sa kalagayan nya. at swerte nya dahil nakakita sya ng bagong kompanya na tunay naman malaki ang sahod, twice sa sinasahod nya sa kasalukuyan at hindi pa talaga masyadong matrabaho, san ka pa? kaya masaya na rin kami para sa kanya kahit sya ay lilisan na sa cms. at kelangan nya na ring kumita ng malaki dahil magpapakasal na sya sa taong ito. yehey! sana nga payagan na kayo ng magulang mo (hehehe...by hook or by crook daw magpapakasal sya before sa kanyang kaarawan). sana nga matuloy na yang sakal nyo dahil nauudlot ang pagbibili ng damit ni yen sa sana! at sana maisuot mo na rin yong binili mo sa mango.

marami-rami ka na ring napagdaanan sa dept. mo gaya ng pagsinghot sa amoy ni ajay aka bugs araw-araw.
pang- aaway kay bugs dahil naiirita ka sa kanya.
pang tsi-tsismis mo kay kiri.
pag kagusto ng isang indian sayo sa site ( ngek!)

ma-miss ka namin dahil:

hindi ka na namin makasalo sa lunch break
hindi ka na namin makasama pag mag sale ulet sa landmark
hindi ka na namin makasama sa kris kringle ngayong pasko
at higit sa lahat hindi na namin malalaman ang ginagawa na kawalanghiyaan ni bugs sa dept. nyo (sabagay care namin).

magkita-kita na lang tayo sa bahay nyo at videoke to the max! na naman. yen huwag ka masyadong gahaman sa mike ha? 2 songs per turn lang tayo.

Image hosted by Photobucket.com

si judith at ang everdearest fafa mart nya

No comments: