Saturday, March 19, 2005

++ happenings! ++

isa-isahin ko pa ba? sige na nga, para may maisulat ako dito.

Ang mga Regalos:

Yan ay nangyari nong aking kaarawan at nagpapasalamat ako sa aking mga kaibigan na hindi nakalimot na bigyan ako ng gips at sa mga kaibigan ko na hindi pa nakapagbigay, bukas ang aking mga palad sa pagtanggap ng mga iyon. " better late than never"

Image hosted by Photobucket.com burberry brit fr. Yen

Image hosted by Photobucket.com Bag fr. Jade (Package fr. USA)

Image hosted by Photobucket.com Elephant Bowl fr. Ellai ( Jeng's Daughter)

Image hosted by Photobucket.com Photo Frame fr. Rose (My officemate)

Mga Larawan:

Kuha ito nong mismong kaarawan ko na ginanap sa Ponderosa (buffet Dinner) at mga nagsipagdalo : Yen, Kat, Jeng, Ellai, Jodeth & Joi.

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Pagkatapos ng kainan pumunta na naman kami ni joi ng b-day & despedida party sa isa naming kaibigan. Cake na lang aking kinain dahil sobrang busog na ako at baka isusuka ko na ang pagkaing kinain ko sa ponderosa. Umuwi kami ng madaling-araw na at katatapos ko lang nagkasakit non, buhay nga naman.

Kinabukasan ng gabi may pupuntahan na naman kaming children's party, na ginanap sa jungle zone sa hyatt plaza. Ang ganda ng place kasi parang nasa fairland ka at ang sasaya ng mga batang naglalaro don. Pagkatapos ng party nagkita-kita na kami nila yen at em sa foodcourt at naglibot konti sa mall at ang huling hantungan ay ang kapehan sa starbucks- mannai salwa road (nasa taas ang larawan, yang kulay ube ang na damit na kasama ko si Joi).

Nong martes , naglibot-libot kami ni joi sa mall para humanap ng bagong damit para sa kanya, dahil ilang buwan na rin syang hindi nakatikim ng bago, puro na lang ako. At sinulit din nya ang tagal nyang hindi pagkakaroon ng bago dahil bumili ng 5 polo shirts. Buti na lang hindi kamahalan ang mga iyon.

Miyerkules dahil brown out sa opisina namin, nagkayayaan kaming 3 nila yen at aissa na pumunta ng mall para bibili kami ng susuotin ngayong huwebes (para sa gimik na pinaghandaan ko, ewan ko kung bakit...siguro dahil birthday ko last week). Pagkatapos bumili ng damit, kumain kami ng Buffet Lunch sa Pizza Express . Pagkatapos kumain, insaktong tumawag si Jeng at pinababalik kami sa opisina dahil may ilaw na. Nagtrabaho hanggang 6:00 pm.

Huwebes , gumimik kami sa Amigos kami nila Yen, Eman, Em, Cherrypie, Webster, Rouel and Joi. Same European, kongting Asian, Kano, Arabo & Indian crowd, parang ganon din ang crowd nong una naming punta kasi nakita na naman namin yong cutey pie na ka face ni Chris Klein kagabi, at as usual may naghahalikan na naman sa harap namin at sa bar may naghahalikan rin pero lalaki sa lalaki na nakita ni joi, naiinis sya! kinikilabutan kasi yon pag may nakitang ganong eksena. OO nga naman kahit sinong matinong lalaki, mandidiri talaga pag may ganyang eksena, Paumanhin na lang sa mga bading ha? at medyo nalasing na naman ako sa mga iniinom ko na mixed drinks. Mga mga pictures na naman kami sa loob ng bar, pakapalan na! next time ko na ibunyag pag na kopya na yon.

Yan ang mga nagaganap sa akin nong panahong hindi ako nakapag-update dito.

Salamat sa mga taong nagbabasa nitong pagkahaba-haba kung kwento.

Pahabol, bumili na pala ako ng libro (diba isa yan sa wish ko sa bday na magsisimula na akong magbasa ng libro ) " The World's Worst Murders ". O diba ang ganda ng binili kong libro, tiyak hindi ako aantukin non , malalaki pa ang letra at higit sa lahat sale ang pagkabili ko.

No comments: