fri...evening: umattend ng binyag sa isang ex-officemate ko dati na si sonia held at al muntazah plaza, lagpas isang oras din ang rites, etc... tapos kainan na, the foods are okay...hindi masyadong masarap...pero lamang tiyan din at libre...umalis na kaagad kami after tsibug dahil e meet ko si yen na kababalik lang that time sa pinas at syempre kukunin ko yong mga pasalubong ko sa kanya galing kina purple & louie at franz ( salamat mga bruha sa pasalubong nyo-- kay purple & louie - 1 box of polvoron at isang tae (hehehe)..kay franz...samotsaring tsoklyts) at ang gip ni yen sa akin na wallet na uso daw sa pinas dahil kahit san kanto sa maynila may nagbebenta ng ganong wallet...hindi cheap si yen ha? kuripot lang...hahaha! thanks yen sa wallet!...at mga cards din pala galing sa mag dyowa na purps & louie at franz...touched ako mga indays sa mga pinagsusulat nyo don...binilhan rin ako ni yen ng smart roaming sim ( oist! pede na ninyo akong e text kasi piso lang... pero sadya atang taghirap sa pinas dahil wala namang nag te-text sa akin ng mga thoughts and quotes ka ek-ekan sa text...hai ~~~ ayon habang masaya kaming nagkwe-kwentuhan tungkol sa pinas at mga nangyayari sa eb nila , atbp... isama pa ang pagmamasid sa mga pics nyang dala...naka 2 rounds din kami ng kape sa istarbaks at nakakita na naman ako ng lamborghini..hai (ulet)~~ ginawang ordinary car na ata yan ng mga arabo...lalo pa may dealer na dito... im with ioj, yen and doreen pala...
sat...evening: sinugod namin ang house ni aissa, para mag bilyar at mag videoke! galing talaga ng place nila kasi may mini bar... maraming pulutan, uminom na naman ako ng tequilla, at pinagluto kami ng nanay ni aissa ng pancit-bihon guisado ...talaga namang masarap! the place to be! hurrah! ...baka next week nandon na naman kami...kung pahintulutan ni bathala...
sunday morning till 3:00pm...OT na walang katapusan...
...nakakatamad....