Simula nong bumalik kami ni
Joi galing bakasyon, hindi ko na alam kung paano na naman magpapayat at pumuti konti. sabagay marami namang pedeng gawin para pumayat. isa na dyan syempre ang hindi kumain, bahala na magka ulcer. sunod, mag gym...kaya lang mahal dito at wala akong datung dahil nilustay na namin sa pinas. pero pede naman sa bahay diba? kaya lang nakakatamad at boring dahil mag-isa ka lang na parang luka-lukang nagsasaway at kung anu-ano pa. buti na lang gumawa ng badminton court sa lawn ng bahay nila
Aissa. kaya hayon, kinarir na namin nila
yen, joi, webster & aissa's team ( dami kasi nila eh). from 9:30pm to 11pm laro namin. dahil summer at sobrang mainit sa qatar ngayon, isang baldeng tubig ang iniinom dahil in between sa game at 3 balde naman ang tumatagaktak na pawis galing sa buong katawan namin. so far, na postpone yong laro dahil sa sand storm, na ngayon lang natapos pero dahil sa sobrang maalikabok pa rin sa buong paligid pati na sa kalawakan ( fog na fog nga ang dating eh) hindi pa namin maatim ang maglaro ulet. at isa pang naka sore throat ako dahil sa alikabok na yan.
Nag dinner pala kami ng mga taga Doha Office nong Thursday sa
Marriott sa corniche restaurant. langya talaga pag buffet, dami ko na naman nilamon! yong 2 weeks na pag babadminton namin nawala lang. sucks!. ano nga pala meron sa opisina namin at nagpapakain ng dinner?
Photo Session at Marriott , yes! nagpikturan lang kami don. wala lang talagang magawa opisina namin gusto lang gumastos ng malaki sa walang kadahilanan. at guess what? babalik na naman kami don! bakit? click mo to
event, galit sa pera talaga ang aming pinakamamahal na CFO ( chief financial officer).
Kagabi, pumunta ako sa office ni Joi. wala kasi amo nya nag bakasyon at nagliliwaliw sa UK, Canada & US. kelan kaya ako makapunta don? kahit isa lang sa mga nabanggit ko...hai buhay, bakit di ako pinanganak na mayaman. back to my original kwento, so pagdating ko sa office nila , pinakain muna ako ni joi ng cake at pagkatapos lumarga na sa centerpoint plaza ( mga ilang hakbang lang galing sa office nila) hindi sana ako bibili dahil nga kabibibli ko lang ng kung anu-anong gamit sa
mango at
aldo heto na naman ako. bumili ng slide shoes sa
bata,nexus tops, tshirt, capri pants & pants for beach. sabagay kelangan ko rin ang mga yon yong tops & capri pants para sa marriott's dinner yon , yong shoes at tshirt (thurs wear as u are) para sa office at yong pants for beach syempre sa future beachscapade namin. lahat ng binili ko may saysay talaga kasi hindi ako bumibili na tinatambak ko tapos tsaka ko na susuotin. ako kasi pagkabili na pagkabili ko, susuotin ko kaagad lalo na bag, kung tops naman minsan di ko na lalabhan susuotin ko na hahaha! ganyan ka importante sila sa akin. pero yong boots na kabibili ko lang sa aldo nong mga nakaraan, tabi muna sya dahil summer pa eh. baka magka alipunga ako pag susuotin ko sya ngayon summer. nong sumunod na sa akin si joi dahil tapos na ang kanyang work. pumunta kami sa home centre at bumili ng ka ekekan sa room namin, balak naming gawing cozy place yong aming munting paraiso. kaya abangan na lang.
so dito na lang muna kasi kumakalam na sikmura ko sa gutom. lunch na namin. at baka lalamig na yong inorder namin spring roll at friend rice sa prestige.
tidbits:
for almost a week now, i am biting, chewing, savouring the taste of this heavenly
viscount poor sore throat.