bukas simula na ng Setyembre...pag makarinig ka ng "ber" sa buwan ang naisip mo agad "pasko"...kailan lang, mag tatlong taon na ako dito sa Qatar...na hindi na ramdaman ang tunay na diwa ng pasko...wala kasing paputok, litson, ingay sa mga kapitbahay at kung anu-ano pang gimik ng mga pinoy sa pinas...naalala ko noon, pag tuwing magsisimula na ang buwan ng mga "ber" ...naramdaman at makikita mo na dahil sa simoy ng hangin , mga parol at kristmas tree na nakapalamuti sa mga malls at bahay...simbang-gabi sa madaling araw, yong mga kabataan naman di naman pagdadasal ng taimtim ang ginagawa kundi makipagkita lang sa kanilang mga nobyo/nobya o di kaya sa kanilang mga crushes...puto bongbong at kung anu-ano pang kakanin ang malalanghap at makikita mo sa labas ng simbahan...hmmm...tagal ko na rin palang di nakapagsimba sa katoliko....di kasi katoliko si joi...hirap din pala pag di kayo parehas ng relihiyon....matagal na rin akong di nakapagbigay ng regalo sa mga inaanak at mga kaibigan ko...ang dami ko na palang nakaligtaan at nakalimutang gawin tuwing sasapit ang pasko...