Sunday, October 31, 2004

love, trick or treat?

Nag blo-blog hopping ako kanina, nong nasa opisina ako…in between sa trabaho…kulang kasi araw ko kung di ako maka internet sa opisina…sayang di gumamit dahil libre yon…at one click away lang...siguro akala nyo, di ako nahuhuli ng amo ko? Maraming beses din nya akong nahuli, lalo na pag may itatanong siya sa akin, at biglang mag pop-up yong sarili nya sa table ko…at sabay tingin sa PC…tsk! “HULI KA MALAINE!”sa loob-loob ko…pero, nandyan na…nangyari na…nakita na nya…ano pa nga bang magagawa ko?...D-E-A-D-M-A na lang…wala naman siyang reaction...o baka siya ang nahihiya sa pinaggagawa ko...binabayaran ako ng kompanya bawat oras kung nilagi sa opisina, pero siguro ang natratrabaho ko lang, 4hrs..at ang 4.5hrs internet na…hahahahaha! Bad na naman ako…pero, kasalanan din nila kung bakit nilagyan kami ng internet…(ngayon sila pa ang may kasalanan)…Ganyan nga siguro ang buhay…swerte-swerte lang…

Yon nga nag blog-hopping ako kanina, pero pili lang yong binuksan ko, kasi yong ibang blog naman, walang kwentang basahin…pero isa lang ata ang walang kwentang blog! Di ko na sasabihin baka magwala pa dito at murahin ako…sa akin na lang yon…habang nagbabasa ako sa mga blog ng aking mga kaibigan at di ko kaibigan (joke lang)…may napuna ako sa mga bagong entry nila...halos pare-pareho ang hinanaing magkaiba nga lang ang tema...pero lahat, tungkol sa PAG-IBIG…Pag-big? Di naman Febrero ngayon para mag emote ang mga tao…kundi Halloween kaya bukas at Araw ng mga Patay sa Nov. 2…hmmm…siguro nagkataon lang ang kanilang mga kwento sa Araw ng mga Patay…Okay din no? sabagay may relevant din… halos lahat naman ng mga nabasa ko, mga namamatay na Pag-ibig…Nagkataon din pala…Pag-ibig na Namatay sa ARAW ng mga Patay...Why not? or Kinda Weird?...

Tuesday, October 26, 2004

++ matha? II ++

Minsan ang buhay napaka unfair…unfair sa lovelife…sa pamilya…sa trabaho...bakit kaya ganon? Dahil ba tao lang tayo at may pagkakamali kung minsan…o dahil gusto mo lang maging ganon ang takbo ng buhay mo…puede mo naming baguhin para hindi mo yon maramdaman sa sarili…pero may mga bagay ka ding iniintindi, kaya gustuhin mo mang umalis sa kagalayang yong…hindi din puede…

Naiingit ako sa ibang tao na gumagawa ng sariling desisyon ayon sa kanilang niloloob…saludo ako sayo…lalo na sa isang taong kilala ko…alam mo na kung sino ka…sana …baling araw kahilera mo na rin ako…

Monday, October 25, 2004

++ matha? ++

Tapos na ang aking pagiging sentilove…tatapusin ko na rin dahil di matapos-tapos ang pangungulit ni joseph aka herp sa comments ko..oo, herp…naniniwala na ako sa mga sinasabi mo doon…

Ano nga ba ang magandang topic ngayon…hmmm…ah…oh…alam ko na, may nabasa akong di kanais-nais na ilathala sa isang internet ang kanyang sexcapade…natatawa ako na nabibigla sa nabasa ko…hindi ko lubos maisip kung bakit nya sinulat yon?...kasi lahat ng ginawa nila sa isang sulok ay sinabi nya…detalye, bawat galaw at kilos nila…nakakatigil talaga kung ano man ang ginagawa mo sa mga sandaling binasa ang kanyang journal…dahil yon ang ginawa ko habang tutok na tutok ang aking mga mata sa computer at binasa bawat linya at katagang sinulat nya…ah…bakit kaya nya ginawa yon? Sabog ba sya sa mga sandaling yon? O sinadya lang talaga nya para kung may makabasa man, at alam ko marami na…maku-curious sa kanya at dadami ang kanyang fans... ewan ko kung bakit nya yon ekine-kwento…sya lamang ang nakakaalam kung ano ang kanyang pakay…

Nanood pala ako ng the buzz habang sinusulat to…hai, Kris! Ang ganda ng mga outfit mo, pero tsk…saying di bagay sayo…kulang pa ang pagpapa lipo mo para lubos ka ng kaakit-akit sa paningin ng mga kalalakihan at kababaihan…natatawa din ako sa mga nakakata QUOTE na sinabi ng mga artista…pero hindi sya nakakatawa sa taong concern non…para ano ang paglabas ng ganong panlalait? Para laitin pa lalo ang isang tao…tao din naman yang mga artista, nasasaktan at nagkakamali din…siguro para lang maging aware na sila sa susunod nilang sasabihin lalo na pang English…pero nakakatawa pa rin…

Ikaw natatawa ka ba don? O isa ka rin sa nakakata QUOTE?

Thursday, October 21, 2004

++ al hamdu lillah ++

tapos na ang aking pagmamayabang...e kwento ko na naman ang aking pagibig...(senti ako ngayon...slight...) ito ay para sa mga taong di naniniwala sa cyber chat o ibang uri ng makabagong teknolohiya natin ngayon gaya ng SMS...

dear ate charo,

29yrs old na ako non, desperadang makakuha ng lalaking magpapasakal sa akin... ikaw ba naman sa edad na yan, di ka ba maging desperada...mahilig na talaga akong mag internet noon...at mag CHAT...di pa kasi in na in non ang text...gabi-gabi yong mukha ko nasa MIRC...dami din akong nakilala don, mga mambobola na lalaki...and finally, siguro hulog ng langit nakilala ko rin c Johann Rey B. Balderas ( oha, complete name talaga)...isang chat lang yon, email na ang kasunod...8 mos. din kaming nagsusulatan at nagtatawagan...siguro kami nga ang tinadhana ng diyos dahil naka survive kami ng ganyang katagal na long distance relationship...o siguro dahil parehong kaming desperadong mag-aasawa na...at kahit di pa kami nagkita, nagbabalak na kaming magpakasal...oo naman noh? kaya nga ako nakipag relasyon sa kanya dahil don...nong umuwi sya galing Qatar, nagkita kami sa manila...at di na ako nahihiya sa kanya ( sabagay matagal ng makapal ang aking fesh) parang ang tagal na naming magkakilala at magkasama...siguro nga dahil sya na nga...marami din kaming naging problema bago pa kami isakal...pero para nga kami sa isat-isa, kaya kahit harangin man ng atomic bomb, matutuloy at matutuloy din ang sakalan...ngayon, 3 taon na kaming kasal at patuloy pa rin ang aming pagmamahalan ng tapat at wagas...kulang na lang sa amin ay bata para ma kompleto na talaga ang salitang "Pamilya"...

"ANG PAG-IBIG KAHIT SAAN UMUSBONG SA DI INAASAHANG PANGYAYARI"

Tuesday, October 19, 2004

++ jadeed vol.3 ++

ang tagal ko ring walang update...maraming rason kasi kung bakit...isa na don ang dagdag na trabaho sa opisina namin ( don lang kasi ako nakakapag internet dahil wala kaming pc sa bahay ...pero non yon)...di na ata ako makaalis-alis ngayon sa sangkatutak na invoices ng isang shipping co. pero hindi pedeng di ako makapag online at maka pag-update dito, bahala na yang mga invoices na yan...makapag antay pa naman siguro sya, pero kayo baka hindi...
gusto ko lang e-share at ipagmayabang dito ang bago kung toy ( kami pala ni joi) fujitsu-seimens laptop...o diba? may laptop na ako! yahoo!!! ang saya-saya talaga, ngayon anytime, anywhere na akong makapag update dito, sana nga...matagal ko na ring gustong bumili ng pc...pero mas convenient ang laptop kaya yon na lang binili namin...at wala ding space ang kwarto para sa malaking pc...
kagabi...madaling araw na pala yon...ginamit ko na yong laptop, bumukas ako ng 5 internet windows...ayon nag hang ang laptop namin...kaya galit na galit si joi...huwag ko daw iparehas ang laptop sa pc ko sa office na 10 bukas na windows ang ginagawa ko kalimitan (actually naming lahat ng ka-officemates ko)...pagkatapos non, natulog na lang ako kasi baka marami pa akong marinig kay joi at baka masira ko pa...bad malaine! hahahaha! pero under warranty naman yon, keber?!...basta ang ganda-ganda talaga ng laptop namin! at manipis lang yon...over! ( hahahaha! huwag kang magalit joi sa exaggerated ko na expression sa O-V-E-R!!!)...
mamaya ulet laptop ko! kita kits na naman...hehehehe...mamaya ilathala ko ang picture non, para naman may ideya kayo kung gaano kaganda yon...over!
=== ganda din ng aking super maliit na bubwit, umiilaw pa yan, tingnan nyo maigi===

Wednesday, October 06, 2004

++ waghif ++

natapos din ang hula-hula sa paglisan ni kat sa opisina namin...wala namang nakakuha ng tamang sagot...siguro marami lang iniisip si jade pag nagsulat na sya sa kanyang hula...si len naman wala na atang pag-asa ang babaeng yon...sa kadahilanang di na sya natutulog sa gabi at madaling araw...hindi sya bampira ha?... pero gaya ng dati ang lahat ay may hangganan...
pag may umalis, may papalit...wala muna akong larawan na ilathala dito dahil bago pa sya eh...baka sa susunod na taon, meron na...at nakalimutan ko rin pangalan nya...pero alam ko kung saan sya galing...siya ay taga Sri-Lanka...siguro 5flat lang sya at 40kilos, morena, nakatakip ang buhok at nagsusuot ng kanilang traditional dress...
ang di ko lang lubos maisip at sa lahat na din ng aking mga ka-opisina na kapwa Filipino, kung bakit ang baho nya? amoy baktol na kulob ang kanyang katawan o kili-kili...binansagan nga namin syang "Super B" as in super baho, pede ring sobrang baho, saksakan ng baho...
unang araw pa lang nya sa opisina, nagiwan na kaagad sya ng "signature scent" lam nyo na kung ano yon...buong dept. namin hanggang hallway abot ang kanyang "SS"...gumawa na kami ng paraan ni yen, para kahit man lang saglit maalis ang ss nya...hiram ko ang walang laman na air freshener ni jajey, si yen nagdala na rin ng air spray lemon scent...pero sa kasawian palad, mas nangingibabaw ang kanyang "SS"...naghalo-halo na at mas lalong bumaho...pero minsan di sumisingaw yong ss nya, ah...kaya pala dahil di sya gumalaw...pero nong gumalaw lang sya konti...ayon, naamoy na naman namin...gusto ko ng magkasipon ngayon para man lang makapahinga itong ilong ko...pero di ata tag-sipon pa ngayon...
"sa mga nakakabasa at nakaka relate nitong sinulat ko...anong inyong pedeng e suggest?...parang awa nyo na...tulungan nyo kami..."