tapos na ang aking pagmamayabang...e kwento ko na naman ang aking pagibig...(senti ako ngayon...slight...) ito ay para sa mga taong di naniniwala sa cyber chat o ibang uri ng makabagong teknolohiya natin ngayon gaya ng SMS...
dear ate charo,
29yrs old na ako non, desperadang makakuha ng lalaking magpapasakal sa akin... ikaw ba naman sa edad na yan, di ka ba maging desperada...mahilig na talaga akong mag internet noon...at mag CHAT...di pa kasi in na in non ang text...gabi-gabi yong mukha ko nasa MIRC...dami din akong nakilala don, mga mambobola na lalaki...and finally, siguro hulog ng langit nakilala ko rin c Johann Rey B. Balderas ( oha, complete name talaga)...isang chat lang yon, email na ang kasunod...8 mos. din kaming nagsusulatan at nagtatawagan...siguro kami nga ang tinadhana ng diyos dahil naka survive kami ng ganyang katagal na long distance relationship...o siguro dahil parehong kaming desperadong mag-aasawa na...at kahit di pa kami nagkita, nagbabalak na kaming magpakasal...oo naman noh? kaya nga ako nakipag relasyon sa kanya dahil don...nong umuwi sya galing Qatar, nagkita kami sa manila...at di na ako nahihiya sa kanya ( sabagay matagal ng makapal ang aking fesh) parang ang tagal na naming magkakilala at magkasama...siguro nga dahil sya na nga...marami din kaming naging problema bago pa kami isakal...pero para nga kami sa isat-isa, kaya kahit harangin man ng atomic bomb, matutuloy at matutuloy din ang sakalan...ngayon, 3 taon na kaming kasal at patuloy pa rin ang aming pagmamahalan ng tapat at wagas...kulang na lang sa amin ay bata para ma kompleto na talaga ang salitang "Pamilya"...
"ANG PAG-IBIG KAHIT SAAN UMUSBONG SA DI INAASAHANG PANGYAYARI"
No comments:
Post a Comment