Tuesday, November 30, 2004

++ au revoir III ++

nakakalungkot isipin na may aalis na naman sa opisina namin...parang kelan lang nong umalis si Kat at ginawan ko din sya ng ganito...akala ko matagal-tagal pa bago ako gagawa na naman ng ganitong entry, hindi pala...tama nga ang kasabihan sa english na " You Win Some, You Loose Some"...

Si Janzel o Jajey ang magpapaalam at mag pa-party na naman sa amin...at yong mga nakabasa sa blog http://atengteng.blogspot.com nya Kelan lang nong bago ko siyang nakita at nakilala sa isang party...payatin pa sya non, at di tumitinag sa kanyang kinauupuan sa kaka-text...kaga-graduate lang kasi nya that time at siguro marami syang na miss sa pinas kaya panay ang text nya...hanggang nakakita sya ng trabaho sa Regis Hotel bilang sekretarya...at don nagsimula ang kanyang paglaki...dahil breakfast to dinner , eat all you can sila sa buffet...buti at isang buwan lang sya don, kung nagkataon mas malaki pa siguro sya sa akin noon...insaktong pag-alis nya don, naghahanap kami ng receptionist, at don na nga nagsimula ang bonding namin sa loob ng opisina minsan sa labas pero minsan lang talaga dahil sobrang maka-simbahan at pamilya sya...kaya di yan makasama sa mga lakad namin...marami akong ma-miss sa kanya...gaya ng mga sumusunod:

++ pagsabay namin ng uwi tuwing hapon
++ pagsabay ng pagkain ng lunch
++ pagngiti nya pag nakikita nya ako...(nakakatuwa ba ang mukha ko?)
++ at pagta-tape nya ng TFC sa akin...ma-miss ko na ang mga programa sa linggo, hu!hu!hu!...

mangilan-ngilan lang yan di ko na banggitin lahat baka tamarin na naman kayong magbasa...jajey, alam ko masaya ka sa bago mong lilipatan at sana nga mag grow at marami kang matutunan don, siguro naman di ka na mabo-bore kagaya dito...kaya nga lang ma-miss mo ang 24/7 internet sa opisina...pero paki mo diba? may net ka naman sa bahay nyo...sana nga lang huwag mong kalilimutan ang pagpapakain sa amin...gaya ng sinabi ko kahit palabok lang ni Mang Caloy, solve na kami...pede ring dagdagan ng cassava cake…

Saturday, November 27, 2004

++ isang linggo pagibig vol. 2 ++

my hubbybi in action...hehehe...
nothing much has happened lately... we just had our Eid Holidays which is the culmination of the ramadan <-(fasting month of the M's) which is like our Christmas holidays... for the gov't sector, they had 2 weeks vacation but for us working in the private sector, we had 3 days off lang which is is so bitin kasi so many places to go & so little time... anyway, we did went to this Al Gariya Beach resort on the first day. This place is along the way when going to Bahrain by road... before the gimik to Al Gariya, i was thinking that i knew all the gimik places in Qatar but i was wrong diay kasi we got lost hehehe .... it took me more than 2 hours to find the place kasi i did not go by the new fly-over... so yun i got lost in some turns and when we reached Al Khor (a small town outside Doha) i asked for directions to this beach resort but it seems no one knows the place... then again we had to back track and again we ended at Al Khor... we stopped at different groceries but still no one knows where the place is, then finally, coz of luck na siguro... one customer in the grocery is from that place and he overheard me talking with the storekeeper when i asked for directions... so yun he told us na i should follow his car na lang and off we went... then we reached the highway going to Bahrain which is a 10 minutes drive from Al Khor then from that road junction, another 30 minutes drive to reach Al Gariya... when we reached the resort and after the checking-in formalities, off we went to our flat which happens to be on the third floor but okay din kasi it gives us a good view of the resort... the flat is fully furnished... there are also villa's in the resort pero a bit expensive na but i think still worth it kasi it has its own beach front ... the only thing not good in this resort is the pool area, conservative pa rin sila kasi they still have this swimming schedule for men & women On the afternoon of the 2nd day, we went north of Qatar na pod... i'm very familiar na sa area kasi Malaine & me used to pass by this area when we're going to Sealine Beach Resort... this time ang gimik is camping sa desert with friends from butuan then the usual happenings sa camping... bonfire, sugba-sugba and watching the quads & 4x4's in action... Finally on the afternoon of the third day... ang gimiks kay inuman na... hehehe... then mi-ulan dayon ug kusog... by the way, once a year lang dire mag rain which is during winter season lang... *** will be posting some pics later....
this is joi ++ and i just have nothing to do here in the office and getting bored na kaya write na lang ko with my nonesense story...

huwebes...naglibot kami sa buong malls para maka discount sa GAP jacket na matagal ng kinukulet ng aking hubbybi...pero sa kasawiang palad, kahit .01% off wala...kaya napilitan na lang naming bilhin ang kanyang original price...pero sulit naman dahil, makikita mo sa kanya ang BIG HAPPY FACE!...at pamasko ko na rin sayo yan hubbybi...kaya huwag mo na akong kulitin ulet ha? ako na naman...hehehe...daming magagandang pang winter sa LEE COOPER...hmmmm....and calling pala mga ka officemates at kaibigan ko BIG SALE ang DEBENHAMS at MILANO lahat pala ng under DARREN international co. parang sale din ang MANGO? hmmmm...maubos na naman ang sahod ko nito...
tapos nag grocery...past 11pm na kaming dumapo sa bahay at sabay bukas sa laptop at nag OL...at yon na nga yahooke na naman sa conference...as usual ayaw na namang paawat ni yen...sya lang ata narinig ko for 2hrs na kumanta don sa confe...sabagay, ngayon lang kumapal ang boses nya para kumanta...pinagbigyan din ng iba naming ka confe in respect na rin...after yahooke mga past 1am na yon, nanood pa ako ng dvd...ayon nakatulog ako ng past 4am... ginising ko pa ng yakap at halik si lovey! hehehe...yon lang po ang nangyari...

biyernes...12pm sharp nasa ponderosa kami ng mga kaibigan namin dahil bday ni mae...yon kain dito... kain don dahil buffet na naman, sarap ng apple pie! pagkatapos ng kainan pumunta ng mall at bumili ako ng blazer, slacks at isang pangka cutey at sexy na g-string panty sa la senza...hmmm...makabili nga ulet don...pagkatapos ng ikot2 sa mall dumeretso na kami sa "4th QATAR MOTORSHOW" whew! ang gaganda ng mga sasakyan in fairness, ikot-ikot kami, kung may magustuhan na car sinasakyan para e feel ang car at yong leather seat cover and all! ang mahal ng BENTLEY! yong isang kotse don imagine ang price 995,000 riyals... in pesos 17millions wala pang tax yan...yon isang sports car nila 795,000 riyals...may nakita na pala akong bumili ng sportscar na yon... isang sheik of course, eh ang mahal kaya...and may ASTON MARTIN din...ayon pikturan don...dito...at yong hanef sa porma MERCEDES SLR McLAREN...hai...ganda nga naman...at may mga classic cars din naka display...at isang 1st Mercedes Benz car...so classic...pagkatapos sa motor show, kumain ulet but not me...uminom lang ako ng orange juice...pagkatapos kumain pumunta pa ng toys r us.. after sa toys, umuwi na rin kami sa wakas...

summary: ang sakit ng paa ko...dami kung kinain sa lunch...napagastos na naman ako...nakakita ng magagandang bagay...9hrs nasa labas...sumakit ang tenga ko...pero masaya dahil maaga kaming natulog pagkatapos ng mahabang lakwatsa...

Wednesday, November 24, 2004

++ isang linggong pagibig ++

sabado... dahil straight time na kami...paguwi ko ng bahay nanood ako ng BIG FISH...ganda, nakakaiyak...(as usual kahit ano basta may konting drama naiiyak na ako)..9:00 nag badminton kami sa corniche nila lovey and yen...


linggo...buong gabi lang nasa bahay nanood ng TV...buti na lang may katabi ako...

lunes...nag internet buong araw sa opisina...at paguwi sa bahay natulog konti at nanood ng t.v....9pm laro ng badminton same place and same pipol pa rin...

martes...nagluto ng ulam para kainin ni lovey ng 2 days!...pumunta sa grocery at pinakyaw ang fish crackers nila...na-rent ng DVD...nanood ng DUNE pag dating ng bahay na tinulugan ko rin sa kalaunan...

miyerkules...ngayon yon...malamig na ang simoy ng hangin dito sa wakas! nagamit ko na rin ang aking red windbreaker na bagong bili...hindi siguro kami makaka badminton mamaya kasi mahangin...pero may nakausap ako kanina sa phone na naghahanap ng members sa kanilang badminton club...hmmm...puntahan nga namin mamaya ang club house para makita namin...para kahit anong weather sa labas tuloy pa rin ang badminton namin...

summary ng mga ginagawa ko buong linggo: opisina, bahay, tv, dvd , grocery, badminton...napaka stereotype ng buhay ko...pero kuntento at masaya ako dahil nandyan naman ang lovey ko...

Saturday, November 20, 2004

++ jadeed vol.4 ( bago) ++

daming nagbago na dito ah! hehehe...inaalis ko na ang overflow sa template ko, para tuluy-tuloy na ang pagbasa nyo...at di na kayo tatamarin, kagaya ko...maganda ba? o ibalik ko na lang sa dati? pero kahit anong sagot nyo, yan na ang template ko...

isa pang nagbago ang aming TIMINGS ( yan ang tawag dito sa office working hours) dati 7:30am - 12:30pm tapos lunch break balik ng 2:30pm to 6:00pm ( sat-wed) ...7:30 - 1:00 pm (thurs) half day lang kami...at yon nga dahil sa kakakulet ng Chief Financial Officer sa Senior Commercial Manager namin dahil gusto nyang straight time kami simula 7:00am to 4:00pm (sat-wed) 7:00am to 12:30pm (thurs)...napayag din sya over a buffet lunch/dinner at THE RITZ CARLTON..napadami na naman ang kain ko ng sweets! ang sarap-sarap kasi at sayang ang opportunity noh! and beside thursday naman yon, so di ako guilty basta ang sarap-sarap ng mga chocolate cakes , fruit tarts, coffee cake , lahat na ata ng klaseng cakes nandon na...balik tayo sa topic.. basta! laking tuwa namin dahil maka save kami sa aming transportation allowance...hehehe...malaki na rin yong 100 riyals na savings!

ano pa bang bago?...hmmm... wala na pala...baka bukas makalawa meron na naman...kasi magpapasko na...

Friday, November 12, 2004

++ luma...bago...eid...desert at beachcapades ++

Nakatunganga…nakatingin sa kawalan..pasulyap-sulyap sa laptop…wala lang…pero ngayon meron na…akong isusulat na bago…hirap mag-isip sa panahong ito…siguro kulang lang ako ng determinasyon…

Dalawang buwan mahigit na akong nag 3-day diet…at PUMAYAT –NGA-AKO-…dahil makikita sa mga damit ko nong akoy 70 kilos o 140+pounds…ang luluwang na ng aking mga pantaaas at pambaba…dati large ako; ngayon balik medium na naman…kaya di ko na halos maisuot ang aking maluluwang na pantaas sa kadahilanang para na akong losyang kung tingnan…kaya balik tight fit na naman ang beauty ko…saan ko kukunin ang mga medium size tops na yan?hmmmm…gagastos na naman ba ako? Aha! Pumunta ako sa bodega at hinalungkat ang pagkabigat-bigat na karton na puro damit ko nong medium size pa ako…pili…sukat…pili…sukat…walang katapusan…pero natapos din naman…HELLER!!! (fave expression ng nakararami)…at alam nyo ba kung ilan ang nahukay ko na mga damit? Siguro more than 30 tops and 3 jeans…2 shorts…yong iba kasi sobrang liit…tuwang makikita ko yong mga yon, maiisip ko ang payat ko pala? Pero ang feeling at sinasabi sa akin ng aking mga kaibigan…mataba daw ako? Hai…hindi kaya? Sa isip-isip ko... kasi naman ang mga barkada ko ang papayat, parang di tao at di kumakain…kaya sinasabi nila na chubby ako…mga sinungaling ang mga iyon!...laking pasasalamat ko at menos gastos ako ngayon dahil nga din na ako bibili ng panibagong damit…Mabuhay ako! Mabuhay ang 3-day diet!

Dahil nga sa hindi na ako bibili ng bagong damit…bumili na lang ako ng bagong outdoor slip-on..from nike play…ayan sa baba o…at syempre di patatalo si joi bumili din ng kanyang FILA slip-on …bakit kami nagmamadaling bumili nyan? Dahil may sahod na kaming pareho at EID na next week…pag tuwing sasapit na ang EID, ang aming mga mukha nasa desert at beach…at kung saan-saan pang joyride ang gagawin ( salamat sa murang gasolina), kasi naman 3 days din na walang pasok yon…kaya excited ang lahat…at excited din ako…tiyak masusuka na naman kayo sa mga pictures namin pagkatapos sa aming desert & beachcapades…Abangan!
--->> ganda ba?...hindi ang tsinelas kundi ang aking mga kuko...

Friday, November 05, 2004

++ huwebes ++

para lubos nyong maintindihan ang mga pinagsasabi ko dito itong yong mga testi nila sa akin sa Prendster:

Ate Laine gawa kita testi. 5 words dapat every sentence. Para masaya, oh di buh? Ok game, start na ako. Si Ate Laine ay macute. Mabaet yan at laging maaasahan. May blog cia, napakagandang paraiso. Lageh bumibwisita sa blog ko. Dala ko cia pancakes, muffins. At tsaka bulok na kalabasa. Mahal na mahal si Ioj. Mahal din cia ni Ioj. Gawa na kasi kayo baby. Mauunahan kayo namen ni Lloyd. Wi hi hi juk lang. Take care always, Ate Laine! Don't change and stay cool! May God always Bless You! And good luck in everything. Nagmamahal na kaibigan, -= DelaRisse IntoxiCroex =-
masasabi ko: ito ang matino kung testi...kahapon lang yan ginagawa ni Clarisse...salamat Risse...tama ka dyan sa lahat ng pinagsasabi mo ++

II_iyu_opta_II 02 Oct 2004
si malaine bago ko lang syang friend...matagal ko na rin syang nakikita dito sa ...prendster..mga malalakas mang asar..at lakas nilang magasaran ni yen...pero mabait naman pala... isan lang maibibgay ko sayo...
masasabi ko: wala akong masabi iyu...hehehe...mabait naman talaga ako ++

purple sky 13 Aug 2004
si ate malaine ang parating kasama ni yen yen sa lahat ng asaran! ahahaha! :D akala ko din nung una snob.. pero nung nagtagal na, mabait naman pala.. saka masaya siyang ka-post! :D friendly din kc invite niya ako nun sa ym.. ahehehehe.. at un, dun kami nagkabukingan.. ahahha! :D parati akong nag-iigib ng tubig para sa kubeta niya.. pero buti naman at nagkaroon na ng tubo.. kapagod na eh! ahahaha! :D ok din sa hirit itong si ate malaine.. lalo na pag nagsama na sila ni yen yen! ahahahah! :D ingats ate malaine kung nasan ka man ngayon.. hope to know you more and God bless! :D
masasabi ko: hanggang sa prendster parati pa ring nakakabit ang pangalan ni yen sa pangalan ko++

spicychick 09 Aug 2004
elo ate malaine :D isa toh sa nagtya2ga sa akin na kausapin ako... di ko lam kung pano ko sya na-met eh..napadaan ata ako sa shukran thread tas un nagkausap kmi at naging ka-clan nila ako....khit di kmi nagkakausap netoh ng madalas eh still naalala pa rin nya ako.. especially on my special day... tats talaga ako dun ah :D :D :D te malaine tnx for being one of your prends..... * tama na emote* hehehhe ingat na lng musta na lng ke ioj :D
masasabi ko: isa kang huwaran len...actually pinatyatyagaan lang kitang kausapin don dahil kung san ako nandon ka rin...Fan nga kita...(ganyan ko kamahal si len) ++

giRLiNTrouBLe 06 Aug 2004
si ate malaine (ate mal for short) ay isa sa mga masaya kong kakwentuhan sa YM. :) masipag sya sa work nya. at masipag rin sya sa prendster. masaya sya sa lovelife na. pareho kami actually.. hehe. im glad na nakilala ko sya kahit dito sa net lng coz she really is a friend worth keeping. ingats po ikaw lagi jan and pag uwi mo dito (kelan ba?), kita kits tyo! hehe.
masasabi ko: o diba? ang sipag ko talaga...tama ka dyan franz...ang galing mong mambola...uu na magkita nga tayo paguwi ko..handa mo na yang maganda mong boses ++

aziramla_04 05 Aug 2004
c ate mal? let me see... mabait sya.. pno ko nalaman? sa YM, nakausap ko na sya. ndi kmi gnun k-close pro ndi nmn sya suplada at hndi nya ako binabara khit na pakners cla ni yen sa pambabara. akala ko nung una eh nagpapaiyak ito ng newbie or nagpapahiya un pla ndi. ndi pla totoo ung first impression lasts. ano pa ba? super khuit nito at syempre super sweet din.. cge po, un n lng muna!
masasabi ko: si yen na naman...hindi naman ako nagpapaiyak ng mga newbie don...ang aastig kasi nila, kaya binigyan ko lang ng konting leksyon ++

Bayakan 31 Jul 2004
Malaine..isa sa mga nauna kong prends dito..she hails from Davao & now in Qatar..prangka o blunt bumanat sa boards, friendly & kind..cool kahit mainit sa lugar nya ngayon..contented na to sa lablayp nya..masayahin at makulit din..just take care of urself..goodluck, God bless & all the best!! cheers!! (^_^)
masasabi ko : uu na, alam ko na yan...cheers din sau! ++

bertang ganda 26 Jul 2004
si malaine..ang pakner lagi ni yen sa pambabara.. kala ko ito na ang pinakamataray d2 nun una pero nun makausap ko na sya sa YM nawala na un agam agam ko..super baits pala to and she calls me "car"...palayaw nya sa akin sa ym dahil ___ hehehe.. secret... natense ako nun una ko silang makasama sa conference bec. of tang... grabe feeling ko nasa hot seat ako pero nice silang kausap na naging at ease na rin ako later on... wala tong ka labtim dito kaya hindi magulo lablayp nia... stik 2 1 talaga to
masasabi ko: tama ka dyan berta, di ako mataray...BLUNT lang hahaha!...yoko sa mga lalaki don puro panget! hehehe... ++


Kahapon, Huwebes…himala? Di kami ng overtime…dapat naman siguro, dahil wala na kaya akong ginagawa masyado, siguro ang tinatrabaho kanina, 2hrs lang tapos nag internet na ako in between…siguro nahalata na rin ng amo namin…pumapasyal ako sa aking mga kaibigan sa cyberworld at mga ka officemates sa kani-kanilang blog…nag-popost din ng walang kwenta sa PRENDSTER,…don ako maraming naging kaibigan sa cyberworld…ang kukulit kasi ng mga bata don! BATA? Oo, feeling ko kasi ang tanda-tanda ko na don, para makikipagkulitan pa sa kanila…pero, yon na nga…pinagtyatyagaan ko rin…hahahahaha! Siguro daming mag-rereact na mga ka-prendster ko after mabasa nila to…Nag-join ako sa prendster nong February…top 5 na rin ako don, naging once adik kasi, imagine maka 100 plus posts ako in a day…whew! Sampung bukas yon na bintana…buti na lang na discover ko ang blog…at biglang nag lie low ako sa aking pag po-post…pa bisi-bisita na lang, kung wala ng maisip sa pagpaganda sa aking blog minsan pampalipas oras o di kaya magmamasid sa mga bagong member o nagiibang anyo na datihan…Nagtayo ng Clan don…SHUKRAN CLAN para sa mga pinoys na nagtratrabaho o nakatira sa ibang bansa…naging isa sa mga ungas, off topic halos, nag-inggay at kung anu-ano pang walang-ka-kwentang banat ang pinagsusulat ko don na aminado naman ako...kasi kung mababasa mo ang mga testimonials sa akin, don mo lubos na maisip na tama pala ang mga pinagsasabi ko dito...

may nakausap akong isang member don ( di ko na banggitin ang pangalan para mapangalagaan ang kanyang kapakanan ) sinabi sa akin na madalas daw nila akong topic sa kanyang klasmeyt na nag pre-prendster din…o diba? Pop? Flattered ako nong sinabi nya…pero nalulungkot din kasi , wala man lang syang nakuhang magandang aral sa mga posts ko…kundi puro mga walang kwenta…pero, yon nga…anong magawa ko…eh, sa walang kwenta talaga ang mga pino-post ko don…pasensyahan na lang tayo…huwag mo na lang tuluran….