Friday, November 05, 2004

++ huwebes ++

para lubos nyong maintindihan ang mga pinagsasabi ko dito itong yong mga testi nila sa akin sa Prendster:

Ate Laine gawa kita testi. 5 words dapat every sentence. Para masaya, oh di buh? Ok game, start na ako. Si Ate Laine ay macute. Mabaet yan at laging maaasahan. May blog cia, napakagandang paraiso. Lageh bumibwisita sa blog ko. Dala ko cia pancakes, muffins. At tsaka bulok na kalabasa. Mahal na mahal si Ioj. Mahal din cia ni Ioj. Gawa na kasi kayo baby. Mauunahan kayo namen ni Lloyd. Wi hi hi juk lang. Take care always, Ate Laine! Don't change and stay cool! May God always Bless You! And good luck in everything. Nagmamahal na kaibigan, -= DelaRisse IntoxiCroex =-
masasabi ko: ito ang matino kung testi...kahapon lang yan ginagawa ni Clarisse...salamat Risse...tama ka dyan sa lahat ng pinagsasabi mo ++

II_iyu_opta_II 02 Oct 2004
si malaine bago ko lang syang friend...matagal ko na rin syang nakikita dito sa ...prendster..mga malalakas mang asar..at lakas nilang magasaran ni yen...pero mabait naman pala... isan lang maibibgay ko sayo...
masasabi ko: wala akong masabi iyu...hehehe...mabait naman talaga ako ++

purple sky 13 Aug 2004
si ate malaine ang parating kasama ni yen yen sa lahat ng asaran! ahahaha! :D akala ko din nung una snob.. pero nung nagtagal na, mabait naman pala.. saka masaya siyang ka-post! :D friendly din kc invite niya ako nun sa ym.. ahehehehe.. at un, dun kami nagkabukingan.. ahahha! :D parati akong nag-iigib ng tubig para sa kubeta niya.. pero buti naman at nagkaroon na ng tubo.. kapagod na eh! ahahaha! :D ok din sa hirit itong si ate malaine.. lalo na pag nagsama na sila ni yen yen! ahahahah! :D ingats ate malaine kung nasan ka man ngayon.. hope to know you more and God bless! :D
masasabi ko: hanggang sa prendster parati pa ring nakakabit ang pangalan ni yen sa pangalan ko++

spicychick 09 Aug 2004
elo ate malaine :D isa toh sa nagtya2ga sa akin na kausapin ako... di ko lam kung pano ko sya na-met eh..napadaan ata ako sa shukran thread tas un nagkausap kmi at naging ka-clan nila ako....khit di kmi nagkakausap netoh ng madalas eh still naalala pa rin nya ako.. especially on my special day... tats talaga ako dun ah :D :D :D te malaine tnx for being one of your prends..... * tama na emote* hehehhe ingat na lng musta na lng ke ioj :D
masasabi ko: isa kang huwaran len...actually pinatyatyagaan lang kitang kausapin don dahil kung san ako nandon ka rin...Fan nga kita...(ganyan ko kamahal si len) ++

giRLiNTrouBLe 06 Aug 2004
si ate malaine (ate mal for short) ay isa sa mga masaya kong kakwentuhan sa YM. :) masipag sya sa work nya. at masipag rin sya sa prendster. masaya sya sa lovelife na. pareho kami actually.. hehe. im glad na nakilala ko sya kahit dito sa net lng coz she really is a friend worth keeping. ingats po ikaw lagi jan and pag uwi mo dito (kelan ba?), kita kits tyo! hehe.
masasabi ko: o diba? ang sipag ko talaga...tama ka dyan franz...ang galing mong mambola...uu na magkita nga tayo paguwi ko..handa mo na yang maganda mong boses ++

aziramla_04 05 Aug 2004
c ate mal? let me see... mabait sya.. pno ko nalaman? sa YM, nakausap ko na sya. ndi kmi gnun k-close pro ndi nmn sya suplada at hndi nya ako binabara khit na pakners cla ni yen sa pambabara. akala ko nung una eh nagpapaiyak ito ng newbie or nagpapahiya un pla ndi. ndi pla totoo ung first impression lasts. ano pa ba? super khuit nito at syempre super sweet din.. cge po, un n lng muna!
masasabi ko: si yen na naman...hindi naman ako nagpapaiyak ng mga newbie don...ang aastig kasi nila, kaya binigyan ko lang ng konting leksyon ++

Bayakan 31 Jul 2004
Malaine..isa sa mga nauna kong prends dito..she hails from Davao & now in Qatar..prangka o blunt bumanat sa boards, friendly & kind..cool kahit mainit sa lugar nya ngayon..contented na to sa lablayp nya..masayahin at makulit din..just take care of urself..goodluck, God bless & all the best!! cheers!! (^_^)
masasabi ko : uu na, alam ko na yan...cheers din sau! ++

bertang ganda 26 Jul 2004
si malaine..ang pakner lagi ni yen sa pambabara.. kala ko ito na ang pinakamataray d2 nun una pero nun makausap ko na sya sa YM nawala na un agam agam ko..super baits pala to and she calls me "car"...palayaw nya sa akin sa ym dahil ___ hehehe.. secret... natense ako nun una ko silang makasama sa conference bec. of tang... grabe feeling ko nasa hot seat ako pero nice silang kausap na naging at ease na rin ako later on... wala tong ka labtim dito kaya hindi magulo lablayp nia... stik 2 1 talaga to
masasabi ko: tama ka dyan berta, di ako mataray...BLUNT lang hahaha!...yoko sa mga lalaki don puro panget! hehehe... ++


Kahapon, Huwebes…himala? Di kami ng overtime…dapat naman siguro, dahil wala na kaya akong ginagawa masyado, siguro ang tinatrabaho kanina, 2hrs lang tapos nag internet na ako in between…siguro nahalata na rin ng amo namin…pumapasyal ako sa aking mga kaibigan sa cyberworld at mga ka officemates sa kani-kanilang blog…nag-popost din ng walang kwenta sa PRENDSTER,…don ako maraming naging kaibigan sa cyberworld…ang kukulit kasi ng mga bata don! BATA? Oo, feeling ko kasi ang tanda-tanda ko na don, para makikipagkulitan pa sa kanila…pero, yon na nga…pinagtyatyagaan ko rin…hahahahaha! Siguro daming mag-rereact na mga ka-prendster ko after mabasa nila to…Nag-join ako sa prendster nong February…top 5 na rin ako don, naging once adik kasi, imagine maka 100 plus posts ako in a day…whew! Sampung bukas yon na bintana…buti na lang na discover ko ang blog…at biglang nag lie low ako sa aking pag po-post…pa bisi-bisita na lang, kung wala ng maisip sa pagpaganda sa aking blog minsan pampalipas oras o di kaya magmamasid sa mga bagong member o nagiibang anyo na datihan…Nagtayo ng Clan don…SHUKRAN CLAN para sa mga pinoys na nagtratrabaho o nakatira sa ibang bansa…naging isa sa mga ungas, off topic halos, nag-inggay at kung anu-ano pang walang-ka-kwentang banat ang pinagsusulat ko don na aminado naman ako...kasi kung mababasa mo ang mga testimonials sa akin, don mo lubos na maisip na tama pala ang mga pinagsasabi ko dito...

may nakausap akong isang member don ( di ko na banggitin ang pangalan para mapangalagaan ang kanyang kapakanan ) sinabi sa akin na madalas daw nila akong topic sa kanyang klasmeyt na nag pre-prendster din…o diba? Pop? Flattered ako nong sinabi nya…pero nalulungkot din kasi , wala man lang syang nakuhang magandang aral sa mga posts ko…kundi puro mga walang kwenta…pero, yon nga…anong magawa ko…eh, sa walang kwenta talaga ang mga pino-post ko don…pasensyahan na lang tayo…huwag mo na lang tuluran….

No comments: