sabado... dahil straight time na kami...paguwi ko ng bahay nanood ako ng BIG FISH...ganda, nakakaiyak...(as usual kahit ano basta may konting drama naiiyak na ako)..9:00 nag badminton kami sa corniche nila lovey and yen...
linggo...buong gabi lang nasa bahay nanood ng TV...buti na lang may katabi ako...
lunes...nag internet buong araw sa opisina...at paguwi sa bahay natulog konti at nanood ng t.v....9pm laro ng badminton same place and same pipol pa rin...
martes...nagluto ng ulam para kainin ni lovey ng 2 days!...pumunta sa grocery at pinakyaw ang fish crackers nila...na-rent ng DVD...nanood ng DUNE pag dating ng bahay na tinulugan ko rin sa kalaunan...
miyerkules...ngayon yon...malamig na ang simoy ng hangin dito sa wakas! nagamit ko na rin ang aking red windbreaker na bagong bili...hindi siguro kami makaka badminton mamaya kasi mahangin...pero may nakausap ako kanina sa phone na naghahanap ng members sa kanilang badminton club...hmmm...puntahan nga namin mamaya ang club house para makita namin...para kahit anong weather sa labas tuloy pa rin ang badminton namin...
summary ng mga ginagawa ko buong linggo: opisina, bahay, tv, dvd , grocery, badminton...napaka stereotype ng buhay ko...pero kuntento at masaya ako dahil nandyan naman ang lovey ko...
No comments:
Post a Comment