Sunday, February 27, 2005

++ rainy days on thursday to saturday ++

~~ tigil na ulan dahil -- maglalaro na si sharapova ~~( by regine v.)...last thursday umambon nong simula pero naging ulan sa kalagitnaan ng laro nila martinez against hantuchova kaya na stop muna ang laro nila, at nandon ako nakabantay sa upuan namin nila yen at aissa ( dahil hindi puede na 3 kaming magbabantay don dahil mababasa silang dalawa kaya ako ang nag volunteer na umupo dala-dala ang payong)...


sa kasagsagan ng init...bigla ba namang umulan... Posted by Hello

ng tumila na ang ulan, natalo pa rin si martinez at sumunod na si sharapova, dala-dala ang plastic na may saging at maraming bote ng tubig...at syempre sya ang nanalo dahil sya ang 2005 Qatar open champion...

friday...buong araw ang ulan, nagumpisa na ang tennis semi-finals mga bandang 8pm somethin na na dapat sana 4:30pm...nagmadaling-araw ang laro, kasi kelangan daw tapusin kung ano ang naka sched na laro nong araw na yon...

saturday...ako ay absent dahil masama ang aking katawan, dahil siguro sa pagbabantay ko ng upuan nong thursday...at late na rin akong kumain ng dinner...
pics!!! and more pics!!!

Tuesday, February 22, 2005

++ samo't-sari ++

wala talaga akong maisip na isulat dito, pero gusto kung mag update...kaya kung anu-ano na lang ilalagay ko ha?...

habang nag eenjoy ako ngayon sa pinoys hangout forum sa the green room nila, kasi daming sexperience don ang mababasa mo...minsan mapanganga ka na lang pero minsan naman tataas ang iyong balahibo dahil parang hango sa xerex o sa porn magazines ang istorya...pero nakakalibang pa rin magbasa at mag reply, actually nong dumating kami sa phf ng mga friends ko galing kabilang forum hindi pa masyadong off topic ang threads don pero nong naging sobrang active na kami...hayon...kung anu-ano na lang ang nire-reply namin at ginawang asaran na rin...kung gusto nyong malaman anong sinasabi ko, what are you waiting for? sign-up na...at dapat ipa upgrade mo ang account mo into adult group kung gusto mong maging adik din tulad namin.

nakakalungkot dito sa opisina ngayon....bakit? kasi inalisan kami lahat ng kaligayahan! wala na kaming YM at MSN sa opis...waaaaaaaaaahhhhhh!!! kaya kung gusto nyo akong maka chat, mag hello na lang tayo....malaine ang aking username...*hikbi*
..ano na naman kaya ang susunod na tatanggalin?


nag-umpisa na pala ang Total Fina Elf Qatar Womens Open kahapon, at maglalaro siguro bukas si Maria Sharapova at syempre manonood kami dahil libre...thats the best sa Qatar pag Tennis dahil libre!



Saturday, February 19, 2005

++ time for cool change ++

hindi ko alam san ko sisimulan ang mga nangyari sa akin last week...pero mas mabuti pa para wala akong ma miss na e chika dito umpisahan natin sa :

14 Feb * araw ng mga puso...n...at sa di inaasahang pangyayari nagwagi! ako this time, kasi for almost 4 yrs naming nagsama ni joi, ngayon lang kami lumabas ng vday para mag date/dinner...na break ko ang kanyang oath pagdating sa feb. 14...hehehehe...im happy kasi kumain kami ng steak (sya) nachos super melt cheese w/ whatever na nakakataba na hinalo don (ako) sa bennigans...at araw ng mga puso talaga sa doha! kasi daming nag dine in don kahit past 9pm na kami dumating, at may dalawang bagets sa 3'oclock ko ang naghahalikan and take note mga Arabo pa...tsk! shame on them...

15 Feb * after office, house arrest...may tinapos kasi akong dvd ng friends season 3 ngayon nasa season 4 na ako...way to go...

16 Feb * ayon nag shopping na naman, yong isa naming ka opisina nagyaya na pumunta sa Daiso (chinese/japanese items all for 6 riyals! each), bumili ako ng 2 vhs/cd plastic boxes, slippers, lipstick ( na nawala ko kahapon, which i really like pa naman) power bond, dishwasing liquid, 3 cans of air/car fresheners & laundry fishnet like for sensitive clothes...ang nabayaran ko lahat ? u do the math...pagkatapos sana non kakain na kami at uuwi na, ng bigla naming nadaanan ang Roots ( their selling Gap, Banana Rep. & Old navy items) at nakalagay sa labas na 30% off, hmmm...syempre pumasok kami para manood lang esp. ako, but bigla ba namang sinabi ng salesguy don na 50% off na daw simula nong pumasok kami? whoah! at syempre sinong tatanggi non? eh ang mamahal ng mga items pag original price which i cannot afford, kaya sa kasawiang palad, nag panic buying kaming lahat ng ka opisina ko, mga binili ko -- Gap baseball cap, old navy sweatshirt for joi, gap bag & 5 baseball cap fr. old navy ( pinakyaw ko lang naman ang cap ng old navy) anyway may purpose naman kung bakita ganon, dahil pamigay ko sa mga kamag-anak namin yong 4 at yong isa kay joi....at napagastos na naman ako ng QAR199...at after sa Roots kumain na kami at di na naglibot pa baka may makita pa kaming 90% off...

17 Feb * party kina jodeth , post-valentine celeb. ng isang friend nila na di naman sumipot...kainan , inuman at videoke until dawn ang ginawa namin sa bahay nila, which masaya of course! dahil party diba? alas 3:am na kami nakaalis sa bahay nila...sinagad-sagad na...

18 Feb * Nag brunch kami ni joi sa kirstie's ( pinoy turo-turo) ang sarap ng sinigang baka at broasted chicken nila, tapos 3 order of rice and 2 bottles of mineral water - all in all binayad namin QAR 32 lang, cheap pero sobrang busog ka at yummy! after that bumili kami ng globalvoiz card worth QAR30 para makatipid sa pagtawag sa pinas---ayon si joi, tinawagan nya ang kanyang mommy, kapatid at ako naman ang natawagan ko lang si aika (usa) , len (canada) at ting ( pinas), si franz hindi sumagot sa phone nya pati na rin si jade na voicemail lang...ang dami naming natawagan sa 30 riyals lang at hindi pa namin naubos ang limit...baka ngayon matawagan ko si nanay ...

nong kinagabihan na kumain kami ng shawarma at cheesey bread na ang saraaapppp!!! sa isang turkish cafeteria at kasi alam kung super ( 50- 70%) sale sa La Senza at yon ang favorite lingerie ko ( lalo na sa panty) cutey kasi ng g strings nila...nakabili akong 3 pcs of g-strings panty, 1 bra & 1 cutey bedroom slippers all for Qrs. 89 ang saya nga naman...pagkatapos bago maubos ang pera namin nag grocery na kami...the end...
sypnosis --- shopping to the max dahil sale dito sale doon, tinapos ang friends dvd season 3, nag party kina jodeth at nag videoke, kumain sa labas, nag celeb ng dinner nong hearts day at tumawag sa mga close friends ko...

pictures ---
Next Shades & 2-piece Bikini & slippers fr. La Senza
La Senza lingerie
Gap Cap & Bag

Lee shirts gift from mawie & beth


at ang bago kung forum na ngayon

http://enterprise.5.forumer.com/

yong prendster? duhhhh!

Monday, February 14, 2005

++ Maligayang Araw ng mga Puso ++

Happy Valentine's Day to all my fellow bloggers, officemates, close friends, not-so-close friends, my family and of course my lovey hubbybi Ioj...

Saan kami mamaya? sa apat na sulok na kwarto at manood ng "friends"...

naaalala ko pala nong nasa pinas pa ako....every 14th of Feb. evening ( buong college ko at hanggang nagtra-trabaho na ako) , lumalabas kami ng mga barkada para kumain sa labas at makiusyoso na rin sa mga nag da-date sa resto...ang sweet kasi nilang tingnan...pero before that, madugo ang pagkuha ng taxi pag-araw ng mga puso, at makikita mo 1 couple ang sumasakay, yong iba magkatabi sa likod, yong iba naman nasa harapan ang lalaki tapos ang babae nasa likod ( nahiya pa?)...at alam nyo na san sila pupunta... kaya sasakay na lang kami ng PUJ dahil abutin ka ng siyam-siyam sa taxi...

kanina pala habang papunta ako ng office...may nasagasaan na arabo, daming dugo sa kalsada, yon ang madugo na valentine's day...kawawa naman...


Wednesday, February 09, 2005

++ so many things to say...so little time to write ++

una sa lahat, nagpapasalamat ako at nakabalik na naman ako sa aking paraiso...2 araw na hindi ko 'to ma access sa opis dahil nag ADSL na kami, kaya daming inayos etc...at naapektuhan ang ibang site kasama na ang aking mahal na paraiso at ito ring blogger kaya di ako makagpag-update...kaya nilulumot na yong last entry kung sobrang sweatty!


kahapon nagsahod na kami...paid off yong pinag OT namin ng ilang days last month...pero syempre daming utang na dapat bayaran kaya wala ding natira, sa OT na yon...pero ok lang at least hindi ako short this month at nakabili pa ng bagong watch...hindi naman sya pricey, at sale lang sya kaya grab the opportunity na, yang sale talaga ang pahamak sa budget kahit kelan...at bumili rin ng isa pang watch for pasalubong kay mommy ( joi's mom)...more to come pa ang pasalubong na yan...pero syempre okay lang dahil once every 3yrs or 4 yrs lang siguro kami uuwi sa pinas...hehehe...


pumunta din kami kahapon sa isang gym, para magtanong ng membership fee, etc...baka mura, eh mahal pala pero ok yong rate ng non-membership nila...affordable, sila yen at aissa ang natutuwa don...ako hmmm...mahal kasi, hindi na lang ako kakain para di ako tataba, naka save pa ako ng pera...hahahaha!!! yong mga instructors don puro taga pinas , galing sa fitness first greenhills daw...(tama ba yen?)...kaya tanungan ang mga receptionist sa amin kung ilang yrs na kami dito sa doha at na homesick ba daw ako? hmmm...siguro homesick na homesick na yong nagtatanong sa akin...ganyan talaga pag nag abroad ka, homesick ang kalaban mo...in my case pala, not at all! dahil nga nandito ang hubbybi ko...yan din sagot ko sa girlet....siguro mas lalo syang na homesick nong sinabi ko yon...


and lastly, birthday ng isa kung superfrend na x-officemate na si KAT!...Happy Bday Kitkat! Dalian mo na ang magka bf para makarami...meron na ba? hmmm....


u can visit and greet her sa kanyang webpage...

nasa baba ng aking leftside ekek...click mo lang para mas lalo syang sumaya....hehehe...
kita kits bukas ng gabi kat...miss u na...

Saturday, February 05, 2005

++ sobrang lab ko to ++

alam mo ba kung gaano kita kamahal ?
dahil kahit ayaw ng nanay mo sa akin non, pinasakalan pa rin kita...
kahit alam kong LDR tayo , pinagtyatyagaan kitang kausapin at magsulat ng email araw-araw sayo noon...
kahit alam kung magulo ang utak ko non, minahal mo pa rin ako ng walang pag duda...kaya don ko naisip kung gaano mo nga rin ako kamahal...
at ng naging asawa na kita mas lalo kitang minahal...
at makikita mo yon dahil pinagsilbihan kita at inaalagaan...
hindi ko mailarawan kung gaano ako kasaya kapag kasama kita lalo na sa pagtulog...
kaya hindi mangyayari ang mga kinatatakutan mo sa akin dahil wala ng hihigit pa ang pagmamahal na nadarama ko sayo noon at magpakailanman...
dahil tayo ang tinadhana ng Diyos kaya walang sinong makapaghiwalay sa ating dalawa...
suntok sa buwan ang sino mang gustong ipaghiwalay tayo...
kaya maraming salamat sa pagdating mo sa aking buhay...

Wednesday, February 02, 2005

++ St. Valentine ++

kabuwanan na naman ng mga mag lovers...ng may minamahal sa buhay...bigayan ng cards, candies e.i. chocolates, bulaklak, regalo, dinner date at kung anu-ano pang ka ek-ekan para lang madama at maki join sa ibang nagce-celebrate nito...ang lahat ng ito para lang kay St. Valentine... alam mo ba yon? ako di ko pa alam...kaya tuklasin natin ang history nya...




from : The History Channel



Every February, across the country, candy, flowers, and gifts are exchanged between loved ones, all in the name of St. Valentine. But who is this mysterious saint and why do we celebrate this holiday? The history of Valentine's Day -- and its patron saint -- is shrouded in mystery. But we do know that February has long been a month of romance. St. Valentine's Day, as we know it today, contains vestiges of both Christian and ancient Roman tradition. So, who was Saint Valentine and how did he become associated with this ancient rite? Today, the Catholic Church recognizes at least three different saints named Valentine or Valentinus, all of whom were martyred.

One legend contends that Valentine was a priest who served during the third century in Rome. When Emperor Claudius II decided that single men made better soldiers than those with wives and families, he outlawed marriage for young men -- his crop of potential soldiers. Valentine, realizing the injustice of the decree, defied Claudius and continued to perform marriages for young lovers in secret. When Valentine's actions were discovered, Claudius ordered that he be put to death. Other stories suggest that Valentine may have been killed for attempting to help Christians escape harsh Roman prisons where they were often beaten and tortured.

According to one legend, Valentine actually sent the first 'valentine' greeting himself. While in prison, it is believed that Valentine fell in love with a young girl -- who may have been his jailor's daughter -- who visited him during his confinement. Before his death, it is alleged that he wrote her a letter, which he signed 'From your Valentine,' an expression that is still in use today. Although the truth behind the Valentine legends is murky, the stories certainly emphasize his appeal as a sympathetic, heroic, and, most importantly, romantic figure. It's no surprise that by the Middle Ages, Valentine was one of the most popular saints in England and France.


pero alam nyo ba? hindi kami nag ce-celebrate nyan...kasi hindi naniniwala si Joi...dahil para sa kanya ang araw ng mga puso ay hindi lang sa Feb. 14 o sa buong buwan ng Pebrero kundi 365 days 24/7 dapat pinagdiriwang....isn't it sweet?