Wednesday, September 29, 2004

++ au revoir II ++

tagal ko ring di nakapagsulat dito...kasi natutuwa ako sa aking mga mukha, ngayon hindi na...at sa kadahilanang wala din akong maisulat na bagong nangyayari sa akin at sa aking kapaligiran...pero ngayon biglang sumipag ang aking utak at kailangan na ding mamahinga ang aking mga mukha...over exposed na din, baka ma discover pa ng di-oras, di pa naman ako handa...

ikalawang kabanata ng aalis dito sa aming opisina...walang iba kundi si katrina o tawagin na lang natin sa maigsi nyang palayaw na kat, hindi ina o trina o tina kundi kat ( as in pusa)...alam ko pasasalamatan at matutuwa na naman sya nito dahil bidang-bida sya ngayon sa aking blog...at bida rin sya don sa kabilang blog...di ko na banggitin para walang free publicity...hehehehe...

bakit sya aalis...hulaan nyo (hindi kayo kasali yen ,jajey,jeng at jodeth)...pag nahulaan nyo, ang premyo ay ang aking pagbibisita sa blog mo araw-araw...malaking premyo din yan ha? imagine araw-araw, laking abala din yan sa akin...

marami akong natutunan at di natutunan kay kat dito sa opisina...
mga natutunan ko sa kanya:

1
] pano gumamit ng accounting program
2] pano gawin at tamang proseso sa aking trabaho
3] pano makipag deal kay tsong
4] pano makipag deal kay tsang hehehe kay lolo
5] pano at sino ang kakausapin sa site office namin

at marami pang iba na di ko na banggitin baka tutulo na laway nyo sa kakabasa...

mga di ko natutunan sa kanya:

1] pagiging mahinhin kumilos at magsalita
2] kumain ng konti (noon yon ha?)
3] mag pa sweet sa kinaiinisan mo na tao
4] magalang sa lahat ng tao
5] di nakikipaglaban sa mga makukulit na tao sa site

at marami pang iba...lam nyo na ang kasunod...

alam ko masaya ka dahil makakaalis ka na dito at di mo na makikita araw-araw ang pagmumukha ni tsong go at matupad mo na rin ang mga munti at malalaki mong pangarap...kahit nakakalungkot pero ganyan talaga ang buhay...masaya na rin ako, dahil para na din sa ikabubuti mo kaya ka aalis...paalam kat...ma-miss ka namin ng buong doha at site...



Wednesday, September 22, 2004

++ habibi ++

hehehehe..wala lang gusto ko lang mag post ng mga mukha ko dito...




mga 15 yrs old pa ako nyan!...cute ba?


yan ang kulay ng buhok ko simula ng tumuntong ako ng doha...pero next month change color ko na yan, nakakasawa na...




like it! iba kasi aura ng mukha ko...pero panggabi lang yan...yong marami akong time ikulot ang buhok ko...





la na akong masabi...ganyan ako ka bungisngis at kalakas tumawa...hahahahagok!!!

kaka graduate ko lang nyan ng High School...bring back the memories...

super straight hair with super ion straightener...sana makauwi na ako sa pinas para naman magpa rebond na ako...





Monday, September 20, 2004

++ jadeed vol.2 ++

nagawa ko talaga ang 3-day diet na yan...kahapon ang panghuli...nagpatimbang ako ngayon ang nawala so far 2kilos! oha? ! effective pala sya. sabagay low carb diet eh! 3 araw na akong di kumakain ng KANIN!!! i really miss it na pero kailangan di muna kakain nyan until thursday...ang saklap talaga, yong mga kinakain ko noon araw-araw na chocolates,chips,ham sandwich,atbp at mga iniinom ko rin na diet coke, ice tea etc...di ko na ata makakain at maiinom ...huhuhu...nakaka-miss talaga pero para na rin sa ikabubuti ng aking katawan at kalusugan tong pinaggagawa ko ngayon...dati 72 kilos ako, ngayon 69 na lang pagtimbang ko kaninang umaga...ang saya! at nawala na ang malaki kung tyan...hehehe...masuot ko na talaga yong mga tight fit ko na mga damit ...hahalukayin ko na naman yon mga damit na yon sa bodega...pagdating ko kasi dito sa Qatar 60 lang ako , imagine ( di ko rin lubos maisip) na nag gain ako ng 20 kilos in 3 years! waaaaaaaaa!!!...ngayon back to day 1 diet ako...bukas ang kakainin ko naman sa almusal ay 1 egg, 1 toast,1/2 banana, black tea. lunch: 1 cup cottage cheese,8pcs. saltine crackers, black tea. sa dinner:2 beef franks, 1 cup broccoli or cabbage, 1/2 cup carrots plus 1/2 banana plus 1 apple, 1/2 cup regular vanilla ice cream... ...kagabi ng walking na naman kami...grabe, wala na nga akong kinain masyado nagwawalking pa ako...sabagay yong mga dating naipon ko na taba sa katawan dapat ng sunugin!...sumakit ata ulo ko...hmmm...nagugutom na naman ako di pa kasi ako nag almusal...hai, bakit kasi nauso ang mga instant foods at food chain na yan...

Saturday, September 18, 2004

++ jadeed ++


daming pagbabagong nangyari sa daily routine ko ngayon pati na sa mga di ko dating ginawa o ginamit, nagawa at nagamit ko na sa araw na ito...


una sa lahat ang nakakaintrigang "contact lense" ( para sa akin)...sale kasi kaya bumili kami ni yen ( nabasa nyo na siguro sa blog nya), $13.75 o 765.00php lang kasi, dati ang presyo $22.00 o 1,200 mahigit...hazel brown ang binili ko para di naman masyadong obvious (1st time kasi) at kakulay din ng buhok ko...hindi nga halata, sayang din pala kung hindi masyadong halata kasi kaya ka nga nag contact lense para maiba naman ang aura ng mukha ko pero yon slight lang ang pagbabago...medyo nahirapan pa akong maglagay at kunin sa mga mata ko ang lenses...siguro sa kalaunan masanay na rin ako...3 buwan din ang tagal nitong suot-suot ko ngayon...sa susunod ko ng bilhin berde na para maging sobrang halata na sya diba? at mapaghalatang type na type ko talaga ang berde...bakit ako bumili nyan , wala lang para mas lalo akong maging maganda sa paningin ng asawa ko...huwag ka ng kokontra, ok?
pangalawa ang "accessories"...di naman talaga ako mahilig bumibili at magsusuot ng fake na necklace,bracelet,ring etc...pero na enganyo naman ako kay yen dahil yon ang kinahuhumalingan nya...dati di talaga ako bumili dahil ang mahal ha? tapos fake naman...pero nong pumunta kami sa isang shop, bongga! ang mura lang kompara sa isang kilalang shop...so buy na ako at ang cu-cute kasi at ang gaganda...sinuot ko nga lahat nong unang bili ko na 2 necklace at 2 bracelets...uso daw yon sa hollywood dahil nong nag guest c halle berry sa oprah ang daming necklace sa leeg nya...hmmm...di naman ako artista noh? pero maganda nga naman kung madami kang necklace sa leeg...subukan nyo...wala namang mawala...
at ang pinaka matindi sa lahat "3-day diet"... oo, nag di-diet na ako simula sa araw na ito...madali lang kasi ang mga pagkain at healty naman...
unang araw:
almusal --> 1 toast bread, 1 spoon peanut butter, 1/2 cup grapefruit juice and tea
pananghalian --> 1/2 cup tuna, 1 toast & tea
hapunan --> 3oz lean meat, 1 cup carrots, 1 cup green beans, 1 apple & 1 cup vanilla ice cream...bukas na yong 2nd day diet abangan na lang...
hapunan na lang ang di ko pa nakain ngayon , ang feeling ko ngayong 3:15pm gutom na gutom! dahil mantakin mo naman ang kinain ko kanina...walang kanin! hai...tiis na lang malaine para din sa ikabubuti ng iyong katawan at kalusugan...goodbye na muna tsitsirya at soda...hello sa mga pagkain sa taas...mamaya din pala simula na naman kaming maglakad sa park...papayat na kaya ako nito? abangan na lang mga nakiki-usyoso dito...

Wednesday, September 15, 2004

++ ith'hab ++



nanood ako "rated k" sa vhs ( salamat kay jajey) kagabi ...may isang palabas don na 5 yrs old pa lang sya tinuturuan na sya ng tatay nyang mag pa- andar ng eroplano...ngayon ,meron na syang lisensya sa pagka piloto sa edad na 17...galing no?...sabi pa nya wala daw nagkagusto sa kanya na tsiks...hmmm...di kasi sya kaguapohan at para pang bading kung magsalita...dahil siguro malumanay ang kanyang boses sa salitang english...sabi nga ni korina baka pagkatapos ng interview baka dadagsa na ang magkakagusto sa kanya...hmmm...malamang...alam mo naman ang mga babae sa ngayon pag maraming datung at magara ang kotse ng lalaki kahit ang mukha di ma drawing ang dami pa ring nagkadarapa na mga babae...mukhang pera na talaga ang mundo natin...kaya sa palagay ko magkatotoo ang sinabi ni korina, yon ay kung hindi sya bading...
naalala ko tuloy ang unang sakay ko ng eroplano...sabi nila nakakatakot daw, nabibingi ka, parang hahalukayin ang bituka mo pag take off...at kung anu-ano pa...pero nong nandon na ako at pag take off namin, wala lang...ang saya nga! ang sarap sumakay sa eroplano...di naman kasi ako natatakot sa mga disgrasya...kasi kung panahon mo na talagang matigok, kahit natutulog ka lang matitigok ka talaga...kaya pastime ko noon ang pag discover ng mga bagong lugar sa pinas...yong tipong malayo sa kabihasnan, mga ma bundok na lugar...kasi sa mindanao pa lang mismo ang dami ng mga magagandang lugar na di pa na discover ng ibang tao, pero kami non pinupuntahan namin ng aking mga kaibigan o ka opisina o di kaya magisa lang ako ( ang tapang ko talaga)...kaya nong unang sakay ko sa qatar airlines papunta dito sa qatar...mga sampung oras din ang biyahe...ang sarap...kaya lang masakit sa likod dahil di ka makatulog ng maayos, di pa ako humingi ng kumot, o unan man lang...first time kasi at nagiisa lang bumiyahe...kaya ginaw na ginaw ako....buti na lang may medyas silang binigay na hindi ko na hiningi... gustung-gusto ko talagang bumiyahe sa ibat-ibang lugar, siguro kung mayaman lang ako nakapag tour around the world na ako noon pa...kaso hanggang qatar pa lang ang napuntahan ko na ibang bansa...mag iipon pa kami ng asawa ko para makapunta man lang kahit sa egypt...ang sarap talagang bumiyahe, sumakay sa eroplano at magliliwaliw sa ibang bansa...pangarap ko na lang ba o magigiging katotohanan pa...hehehehehe...napakanta tuloy ako...

Monday, September 13, 2004

++ bon voyage ++


may nabasa akong article sa isang diyaryo tungkol sa mga dos and dont's pag ikaw ay nasa ibang bansa...kaya kung isa sa mga bansang tinutukoy dito ay iyong puntahan basahin mo ito ng maigi para di ka mapahiya...

mga manners/etiquette para sa magbyabyahe sa ibang bansa:

Japan >>>
rude daw sa kanila na magbilang ka ng change pagkatapos mong bayaran ang bill sa restaurant...

at bakit hindi? eh, nangyari na nga sa akin ang kulang ang binigay na change...buti mahilig akong magbilang at dapat talaga magbilang ka, pera yon noh??? mahirap kitain yan sa ngayon...

pero yon na nga pag nasa Japan ka A BIG NO!

China>>>ok lang sa kanila ang mag smack ka ng lips o di kaya mag burp ng mahina pero a big no no ang mag angat ka ng paa sa mesa...(mahilig ang mga arabo nyan pati pa sa sasakyan nila inaangat ang paa)

rude daw ang mag bigay ng TIP ( galing ha? buti naman noh? sayang din ang pera, harharhar...kuripot ko talaga pagdating sa mga tip na yan)

Hongkong and America>>> kailangang mag TIP ka don 15%-20% sa order mo...hmmm..

New York City>>> bawal magdala ng botelya ng wine sa mga nice resto

Sydney >>>BYOB (bring your own bottle) common practice daw sa halos lahat ng kainan...ok ah? makapunta nga don...

Italy, Spain & France>>> indecorous daw to reveal too much skin (ai ganon?)

Muslim Countries >>>bare limbs and shoulders are a sign of wantonness! ngak!!! hehehehe..true yan..taga dito ako eh...

France>>> bawal on time dapat half hour late ka at with matching bouquet pero walang carnations dahil pag patay daw yon?
( ok ah! dami sigurong late sa party...parang pinoy din pala)

Thais and Chineses>>>kailangan on time or before time nandon ka na, bawal ang late don
( hmmm..di uubra ang isang barkada ko dito)

Germans >>>di sila nag hu-hug o nag ki-kiss kundi shake hands lang at isang beses lang yon after e-introduce kau sa isatisa...

Greece>>> kailangan mag hug at mag besobeso...parang showbis

Japan, China, Thailand at sa ibang Asian countries>>>kailangang e remove mo ang iyong sapatos/ tsinelas before ka papasok sa kanilang tahanan...(dapat walang butas ang medyas mo, kakahiya...)

Singapore >>>bawal manigarilyo sa pampublikong lugar at pag mahuli kang nagtatapon ng iyong sigarilyo , laking multa ang aabutin mo
...(kaya Joi tigilan mo na ang manigarilyo)

Sunday, September 12, 2004

++ kulna ++


simula nong huling linggo ng agosto nagsisimula na naman kaming mag "walking" ni Joi sa Corniche Park ( yan yong picture sa baba)...unang linggo dalawang paglalakad muna ang aming ginawa kasi matagal-tagal na rin kaming di ulet nakapaglakad nong nagsimula na ang summer...panibagong sakit na naman ng katawan ang nararamdaman namin dahil sa paghinto...kanina nga medyo nilagnat si joi...sana di sya magkasakit para naman makapaglakad na naman kami bukas ng gabi kasama si yen...dalawang kilometro mahigit din ang nilakad namin kagabi ha? kaya pagod at tagaktak ang mga pawis namin na natuyo naman kaagad dahil sa lakas ng hangin kagabi...kaya pala malakas ang hangin dahil mag sand storm ngayon...oo hindi rain storm ang nandito kundi buhangin...sana uulan bago mag wi-winter para naman makalasap ulet ng ulan dito...pag mag change climate aasahan mo na darating ang ulan...pero minsa daw sabi nila wala...kakaiba talaga pag nakatira ka sa gitnang silangan...balik tayo sa paglalakad namin...may mga pictures na naman kami kagabi...hindi pa binigay sa akin ni yen...baka bukas para mailathala ko naman dito...hindi kasi pede sa blog nya dahil limited lang ang pag upload ng mga pictures...abangan na lang mga bumabasa at nakikiusyoso dito...sana pagdating ng december papayat na kami nila joi at yen...hmmm...malabo ata dahil daming tsibug pag pasko at bagong taon...pero at least nakapaglakad kami kaysa wala kaming ginawa nitong taon na to...masarap din maglakad lalo na pag may kasama ka...kasi di mo malalaman na malayo na pala ang nalakad nyo...na alala ko tuloy sa pinas na madalas akong naglalakad lalo na pag mall hopping...kaya payat ako non kahit malakas akong kumain...kaya ko pa kayang ibalik sa dati ang aking katawan? hay...panahon na lang ang makapagsasabi...

Saturday, September 11, 2004

++ ahlan wa-sahlan ++




Ito ang Doha, Qatar pag gabi...ganda no? pero maliit lang talaga ang Doha, kaya mong libutin ang buong siyudad ng isang araw...dito ako nakatira at nagtratrabaho sa kasalukuyan kasama ang aking asawa na si Joi...mag ta-tatlong taon na rin ako dito ngayong nobyembre 17...parang kailan lang hindi pa maysadong maganda at maraming buildings dito, pero ngayon nagsisitayuan kabi-kabila dahil sa nalalapit na "asian games 2006"...

ang mga sumusunod ay natayo na at itatayo pa na mga buildings dito:



ito ay "four seasons hotel" natayo na at bubuksan ngayong december 2004...meron syang 235 rooms on 18 floors,28-storey office tower & two serviced apartment towers, 20 townhouses, health club, spa facility, 100-berth marina & 232 parking spaces, resto,bar, etc....hmmm...hihina kaya ang Ritz Carlton Hotel nito?




ito ay itatayo pa lang na "rotana hotel" na bubuksan para sa nalalapit na Asian Games 2006...( dalawang taon na lang)



on going na ang construction nitong Qatar National library...ang ganda talaga nito sa perspective...ang arketikto nito ay si Arata Isozaki isang Hapon... ito daw ang magsilbing landmark sa Qatar, oo nga naman ang ganda nya ha? in fairness...sa loob ng library ay nandon din ang galleries,national history museum,children's center,reading rooms,lecture room, restaurant (wow! ang sarap naman, nagbabasa ka habang kumakain, saan ka pa?), atbp....


on going na din ang construction nitong "pearl of the gulf" , ito daw ay opportunity na ng non-Qatari's na mag invest ng properties dito sa islang ito...hmmm...magkano naman kaya? ang mahal siguro, malamang...ang mga facilities na nandito ay ang mga sumusunod: villas, multi-famil residential quarters,hotels,retail shopping areas (hai, salamat may alternative na kami sa pag shohopping),restaurants, schools, atbp...

Tuesday, September 07, 2004

++ la oreed ++

may mga bagay akong ayaw ko na sanang gawin sa buong buhay ko gaya ng mga sumusunod:

> kumain araw-araw ng junkfoods, kailan ko kaya matigil yang pagkain ng tsitsirya sa araw-araw na ginawa ng diyos...mantakin nyo naman yan lang ang dinner ko! settle na ang sikmura ko pag nakakain ng chips o di kaya biskwit. hai...bakit kasi inembento pa yan!

> kung may pambara may panulak-- diet coke...pag magbukas na ako ng isang supot na tsitsirya ang iniisip ko agad ang iced cold diet coke...pambihira, wala na ngang sustansya ang aking kinain pati ba naman inumin...di ko na alam kalabasan nitong mga kinain ko pagdating ng araw (huwag na "panahon" baka mapakanta pa kayo at maalala ko si Jajey)...

> pagkain ng kung anu-ano pag lalabas kami...ice cream minsan italian cheese bread (hmmm...sarap naman, naalala ko tuloy sya), siopao sa thai, atb...gusto na siguro akong pagalitan ni Joi sa mga yan, pero wala siyang magawa, dahil may kasunduan kasi kami...

> bumili ng kung anu-anong gamit na di naman kailangan...nakakainggit din minsan ang mga taong kuripot at nagtitipid...di sila yong tipong sumusunod sa uso at naiingit pag may nakitang maganda at bago sa dept. store...saludo ako dyan sa mga Indian...ganyan ang ugali nila, tsaka na sila bibili ng bago pag sira na at di na puedeng gamitin...

kailan ko kaya magawang kalimutan lahat yan...panahon lang siguro ang makapagsasabi at mga pangyayaring di maiwasan...

Sunday, September 05, 2004

au revoir

Thomoeda Templates

dalawa at kalahating araw din ang aming pahinga...simula nong huwebes ng hapon haggang sabado...pag pasok ko pa lang sa trabaho, binubuno ko na ang pagkaraming-raming invoices sa harapan ko...hiningi na kasi ng amo ko..eh a singko pa lang...hmp...ano ba naman yan, sabi ko sa sarili...pero wala akong magawa eh, amo sya.."boss is always right daw" if the boss is wrong go back to rule no.1 parang yong pinanood namin nong friday nila Joi at Yen..."I, Robot" na may 3 rules na pag lumabag sa rule no. 2 go back to rule no. 1...alam ko medyo luma na...pero ewan ko ba dito sa Qatar, pinanood na ng buong mundo, dito bago pa lang pinalabas...okay, mukhang napalayo na ako sa kwento...gaya nga ng kasabihan, lahat ng simula ay may katapusan...natapos ko rin sa wakas ang mga invoices para sa 2nd half of august...may konting mali lang siguro yon, sana nga...


may dalawa kaming officemate na ang isa nagpaalam na nong huwebes, ang ikalawa magpapaalam pa ( yon sila sa taas)...una si Natasia...dahil magpakasal na sya sa India nandoon kasi ang maging asawa nya, at don na rin daw siya at ang asawa nya maninirahan at magtratrabaho...ang honeymoon? sa Mauritius..o diba? bongga...hmmm...sarap naman mag "honeymoon"...nag farewell cake party at lipstick flavor juice..hehehe...actually, mixed fresh fruit juice daw yon, ang sama pala ng lasa... pangalawa si Rabab ( yong naka "abaya"( traditional dress ng arabic women)...pero nagtratrabaho pa rin sya hanggang ngayon dito, dahil wala pa siyang kapalit, meron na sana pero di nagustuhan ang sahod ang liit lang daw? eh, 19 years old lang sya at di pa ata nakatapos yon ng college,gusto agad nya sahod ng manager, hai mga arabo talaga...aalis si Rabab dahil nakakita na sya ng ibang trabaho na 5 days lang ang work sa isang bangko... ang saya nga naman kung ganon ang working sched. mo...buhay nga naman...may aalis at may papalit...

Wednesday, September 01, 2004

asre'a

Thomoeda Templates


unang araw ng buwan ng september...daming kung backlog na trabaho dahil sa paggawa nitong blog...kaya natambakan ang beauty ko ngayon ng sandamakmak na papel sa aking mesa...pilit ko sanang mag concentrate sa aking trabaho buong araw, pero ang hirap...marami kasi akong ma-miss kung di ako makapag log-on sa ym,msnm,prendster,blog ko, blog ng mga kaibigan ko, atbp...kulang kasi ang araw sa akin kung di ako makapag online dito sa opisina...minsan naisip ko pangpasira talaga ng concentration sa work ang internet sa opisina..pero naisip ko rin paano kung wala din, paano kung tapos ko na ang aking trabaho ng maaga? ano gawin ko, tumunganga sa aking mesa o di kaya magtelebabad...

bukas...susubukan kung mag concetrate sa aking trabaho para matapos na agad at makapag online ako sa mga natirang oras...sana makayanan ko...