> kumain araw-araw ng junkfoods, kailan ko kaya matigil yang pagkain ng tsitsirya sa araw-araw na ginawa ng diyos...mantakin nyo naman yan lang ang dinner ko! settle na ang sikmura ko pag nakakain ng chips o di kaya biskwit. hai...bakit kasi inembento pa yan!
> kung may pambara may panulak-- diet coke...pag magbukas na ako ng isang supot na tsitsirya ang iniisip ko agad ang iced cold diet coke...pambihira, wala na ngang sustansya ang aking kinain pati ba naman inumin...di ko na alam kalabasan nitong mga kinain ko pagdating ng araw (huwag na "panahon" baka mapakanta pa kayo at maalala ko si Jajey)...
> pagkain ng kung anu-ano pag lalabas kami...ice cream minsan italian cheese bread (hmmm...sarap naman, naalala ko tuloy sya), siopao sa thai, atb...gusto na siguro akong pagalitan ni Joi sa mga yan, pero wala siyang magawa, dahil may kasunduan kasi kami...
> bumili ng kung anu-anong gamit na di naman kailangan...nakakainggit din minsan ang mga taong kuripot at nagtitipid...di sila yong tipong sumusunod sa uso at naiingit pag may nakitang maganda at bago sa dept. store...saludo ako dyan sa mga Indian...ganyan ang ugali nila, tsaka na sila bibili ng bago pag sira na at di na puedeng gamitin...
kailan ko kaya magawang kalimutan lahat yan...panahon lang siguro ang makapagsasabi at mga pangyayaring di maiwasan...