Wednesday, September 15, 2004

++ ith'hab ++



nanood ako "rated k" sa vhs ( salamat kay jajey) kagabi ...may isang palabas don na 5 yrs old pa lang sya tinuturuan na sya ng tatay nyang mag pa- andar ng eroplano...ngayon ,meron na syang lisensya sa pagka piloto sa edad na 17...galing no?...sabi pa nya wala daw nagkagusto sa kanya na tsiks...hmmm...di kasi sya kaguapohan at para pang bading kung magsalita...dahil siguro malumanay ang kanyang boses sa salitang english...sabi nga ni korina baka pagkatapos ng interview baka dadagsa na ang magkakagusto sa kanya...hmmm...malamang...alam mo naman ang mga babae sa ngayon pag maraming datung at magara ang kotse ng lalaki kahit ang mukha di ma drawing ang dami pa ring nagkadarapa na mga babae...mukhang pera na talaga ang mundo natin...kaya sa palagay ko magkatotoo ang sinabi ni korina, yon ay kung hindi sya bading...
naalala ko tuloy ang unang sakay ko ng eroplano...sabi nila nakakatakot daw, nabibingi ka, parang hahalukayin ang bituka mo pag take off...at kung anu-ano pa...pero nong nandon na ako at pag take off namin, wala lang...ang saya nga! ang sarap sumakay sa eroplano...di naman kasi ako natatakot sa mga disgrasya...kasi kung panahon mo na talagang matigok, kahit natutulog ka lang matitigok ka talaga...kaya pastime ko noon ang pag discover ng mga bagong lugar sa pinas...yong tipong malayo sa kabihasnan, mga ma bundok na lugar...kasi sa mindanao pa lang mismo ang dami ng mga magagandang lugar na di pa na discover ng ibang tao, pero kami non pinupuntahan namin ng aking mga kaibigan o ka opisina o di kaya magisa lang ako ( ang tapang ko talaga)...kaya nong unang sakay ko sa qatar airlines papunta dito sa qatar...mga sampung oras din ang biyahe...ang sarap...kaya lang masakit sa likod dahil di ka makatulog ng maayos, di pa ako humingi ng kumot, o unan man lang...first time kasi at nagiisa lang bumiyahe...kaya ginaw na ginaw ako....buti na lang may medyas silang binigay na hindi ko na hiningi... gustung-gusto ko talagang bumiyahe sa ibat-ibang lugar, siguro kung mayaman lang ako nakapag tour around the world na ako noon pa...kaso hanggang qatar pa lang ang napuntahan ko na ibang bansa...mag iipon pa kami ng asawa ko para makapunta man lang kahit sa egypt...ang sarap talagang bumiyahe, sumakay sa eroplano at magliliwaliw sa ibang bansa...pangarap ko na lang ba o magigiging katotohanan pa...hehehehehe...napakanta tuloy ako...

No comments: