Saturday, September 11, 2004

++ ahlan wa-sahlan ++




Ito ang Doha, Qatar pag gabi...ganda no? pero maliit lang talaga ang Doha, kaya mong libutin ang buong siyudad ng isang araw...dito ako nakatira at nagtratrabaho sa kasalukuyan kasama ang aking asawa na si Joi...mag ta-tatlong taon na rin ako dito ngayong nobyembre 17...parang kailan lang hindi pa maysadong maganda at maraming buildings dito, pero ngayon nagsisitayuan kabi-kabila dahil sa nalalapit na "asian games 2006"...

ang mga sumusunod ay natayo na at itatayo pa na mga buildings dito:



ito ay "four seasons hotel" natayo na at bubuksan ngayong december 2004...meron syang 235 rooms on 18 floors,28-storey office tower & two serviced apartment towers, 20 townhouses, health club, spa facility, 100-berth marina & 232 parking spaces, resto,bar, etc....hmmm...hihina kaya ang Ritz Carlton Hotel nito?




ito ay itatayo pa lang na "rotana hotel" na bubuksan para sa nalalapit na Asian Games 2006...( dalawang taon na lang)



on going na ang construction nitong Qatar National library...ang ganda talaga nito sa perspective...ang arketikto nito ay si Arata Isozaki isang Hapon... ito daw ang magsilbing landmark sa Qatar, oo nga naman ang ganda nya ha? in fairness...sa loob ng library ay nandon din ang galleries,national history museum,children's center,reading rooms,lecture room, restaurant (wow! ang sarap naman, nagbabasa ka habang kumakain, saan ka pa?), atbp....


on going na din ang construction nitong "pearl of the gulf" , ito daw ay opportunity na ng non-Qatari's na mag invest ng properties dito sa islang ito...hmmm...magkano naman kaya? ang mahal siguro, malamang...ang mga facilities na nandito ay ang mga sumusunod: villas, multi-famil residential quarters,hotels,retail shopping areas (hai, salamat may alternative na kami sa pag shohopping),restaurants, schools, atbp...

No comments: