Sunday, September 05, 2004

au revoir

Thomoeda Templates

dalawa at kalahating araw din ang aming pahinga...simula nong huwebes ng hapon haggang sabado...pag pasok ko pa lang sa trabaho, binubuno ko na ang pagkaraming-raming invoices sa harapan ko...hiningi na kasi ng amo ko..eh a singko pa lang...hmp...ano ba naman yan, sabi ko sa sarili...pero wala akong magawa eh, amo sya.."boss is always right daw" if the boss is wrong go back to rule no.1 parang yong pinanood namin nong friday nila Joi at Yen..."I, Robot" na may 3 rules na pag lumabag sa rule no. 2 go back to rule no. 1...alam ko medyo luma na...pero ewan ko ba dito sa Qatar, pinanood na ng buong mundo, dito bago pa lang pinalabas...okay, mukhang napalayo na ako sa kwento...gaya nga ng kasabihan, lahat ng simula ay may katapusan...natapos ko rin sa wakas ang mga invoices para sa 2nd half of august...may konting mali lang siguro yon, sana nga...


may dalawa kaming officemate na ang isa nagpaalam na nong huwebes, ang ikalawa magpapaalam pa ( yon sila sa taas)...una si Natasia...dahil magpakasal na sya sa India nandoon kasi ang maging asawa nya, at don na rin daw siya at ang asawa nya maninirahan at magtratrabaho...ang honeymoon? sa Mauritius..o diba? bongga...hmmm...sarap naman mag "honeymoon"...nag farewell cake party at lipstick flavor juice..hehehe...actually, mixed fresh fruit juice daw yon, ang sama pala ng lasa... pangalawa si Rabab ( yong naka "abaya"( traditional dress ng arabic women)...pero nagtratrabaho pa rin sya hanggang ngayon dito, dahil wala pa siyang kapalit, meron na sana pero di nagustuhan ang sahod ang liit lang daw? eh, 19 years old lang sya at di pa ata nakatapos yon ng college,gusto agad nya sahod ng manager, hai mga arabo talaga...aalis si Rabab dahil nakakita na sya ng ibang trabaho na 5 days lang ang work sa isang bangko... ang saya nga naman kung ganon ang working sched. mo...buhay nga naman...may aalis at may papalit...