Wednesday, December 27, 2006

+ Dubai Here We Come +

Photobucket - Video and Image Hosting



Shopping! Shopping ! and more Shopping! that is all about Dubai Shopping Festival , our journey begins tomorrow dawn. yeah, we have an early flight, ZZZzzz... argh! anyway, ok lang basta nasa dubai na kami ng friday morning hahaha! Im with the biatches! except 2 girlaloos na di makasama like jodeth & kat ( who's having a blast in Pinas ).

But before that nag christmas party muna kami at Moonpalace Japanese/Korean Resto nong Dec. 21 , 8pm at tinuloy sa kapehan ng Coffee Beanery. We had kris kringles and guess what ? kung sino ang aking momee? si yen! she gave me a flat studded shoes. super cutey! although hindi yon ang gusto ko...out of stock na kasi, bwisit! oppps....!

pics here:

1st Annual MGG Christmas Party 2007


more kidlatan to come!!!

Happy New year to All!!!

Wednesday, December 20, 2006

+ Happy Christmas! +

wreath_sm





I just wanted to say
Happy Holidays
and wish you a
Merry Christmas!


jesus77

Sunday, December 17, 2006

+ shopping + eating + camwhoring + movies +


Buong weekend wala kaming ginawa kundi mag shopping para sa gip for manitas at para na rin sa akin at kay joi. Pero before that nong Thursday nanood kami ng 9pm movie ng "The Holiday" 1160857 till 11:30pm w/ kat, tin , joi & moi. after that we had a super late dinner at Lina's Cafe. Umuwi kami mga past 1am na ata.

Friday : 12noon pa lang nasa City Centre Mall na kami for 12:45pm movie " Eragon" 1159341 1st installment. Don na kami kumain ng lunch sa foodcourt. after movie nag gift hunting kami sa buong shops. pero wala kaming mahanap na medyo mura na magandang bag. sumakit na lang paa ko sa kakalakad from 1st floor to 4th floor, grrrr! dahil kelangan naming manood ng 15th Asian Games -Doha Closing Ceremony umuwi na lang kami ng before 7pm. kala kasi namin 7pm mag start yon pala 8pm. Sana pupunta pa kami ng isa pang Mall para maghunting ulet hindi na lang natuloy kasi 10pm na natapos at sarado na mga malls non isa pa inaantok na ako.

Last weekend ata kalimutan ko na hehehehe...nag dinner kami sa Nando's Peri-Peri and ito ang resulta:

Camwhoring at Nando's Peri-peri

Monday, December 11, 2006

+ NFC +


as in new found crush hahaha! shhh...walang mag je jelly dyan ha? hehehe....grabe! yong " my name is kim sam soon" 16 episodes , mga 3 araw lang ata namin yon ni joi.
thursday pa lang naka 10 episodes na kami ... 4:am lang naman kami natulog, adik? tapos non 9am may appointment sa khalifa stadium, kaya pa? 4 hrs lang tulog namin nong weekend! para lang manood ng sychronised swimming...a dream come true for lovey since sa tv lang nya napapanood yon... hindi daw nya ma imagine napanood nya ng live!

balik tayo sa my kim sam soon....di pa ako nakuntento sa dvd dahil sus! juice ko! ang subtitles nakakabobo at nakasakit ng ulo buti na lang yong isang bida don na si daniel henney english ang salita dahil laking tate ang bruho. ang nakakatawa kahit english na nga ang salita mali pa rin ang subtitles! kakaloka!!!

anyhow di karabaw...super duper crush ko kaya si Hyun-Bin, hay......ang fogi ng fafa! sya din yong bida sa a millionaire's first love...at may bago syang series as in pinapalabas pa sa korea ( tama ba, idealpinkrose? hehehe... ) ang " The Snow Queen" na nasa youtube na! weeeee!!! but bago yan ito muna pinapanood ko " Daddy Long Legs" at syempre nandon sya hahaha! hindi pa naman ako nababaliw...slight...

anyway, sa mga gustong manood ng Daddy Long Legs (movie) samahan nyo ako:



ayan, nilagay ko na para sama sama na tayong manood after ng "daddy long legs"

" The Snow Queen "



natawa ako sa comment ni pao sa previous post ko...hahaha! sana mabasa ni Qube fanatic yon!

dami ko pa sanang e kwento pero...tsaka na....si Hyun Bin muna ang bida...hahaha!

Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, December 04, 2006

+ Doha Asian Games 2006 +


Ang pinaka aantay ng Qatar ng tatlong taon nag umpisa na talaga nong Dec. 1 ng gabi na inulan pa sa dami-dami ng araw na uulanin yong pa talagang opening! blessing ata yon, siguro. masaya, makulay, madrama at nakakapanindig balahibong opening lalo na yong Lighting of the Cauldron. sayang hindi kami nakanood ng live... kung alam lang namin ganon pala sya kaganda... kasi naman 500 riyals into pesos 7K wala man lang price range basta 500 , maski siguro sa tuktok ng dome. tapos 2 kami ni joi, tumataginting na 14k yon! pero yon nga once in a lifetime mo lang ma experience yon. yong iba nga dumadayo pa talaga dito para manood . kami pa na nandito lang. tsk. well..meron pa naman closing, nood na daw kami...mas mura sa opening ( syempre) ng half price.

Nanood kami ng swimming 2 days ago at kahapon din. maya naman gymnastics-artistic tapos sa Friday Synchronised Swimming & Athletics. o diba? feel na feel ko ang sports.

Sa awa ng Diyos wala pang kahit na anong medalyon meron ang Pinas. hinakot ng China (expected) . baka sa bowling o billiards o boxing magkaron man lang tayo kahit papano.

para sa mga gustong magbasa kung ano ng nangyayari sa Asian Games pindutin nyo lang tong link: Doha Asian Games 2006

K-Series:

kasalukuyang nanonood ng My Name is Kim Sam Soon:



1st episode pa lang gustung gusto ko na sya. kakatuwa.

Wednesday, November 29, 2006

+ Reel Drama +

enough of the real drama happened on my last post, it was so stupid. we should make love not war.

this is the reel drama in one of my ultimate favorite series of all time season finale of season 2 epi. 36 titled: losing my religion (Part 2 of a two-part season finale) of Grey's Anatomy.

this is one of the songs they played:

Chasing Cars by Snow Patrol



the lyrics:

We'll do it all, everything, on our own
We don't need anything or anyone

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world

I don't quite know how to say how I feel
Those three words are said too much
They're not enough

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world
Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

Let's waste time
Chasing cars
Around our heads
I need your grace
to remind me
to find my own

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world
Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes
They're all I can see
I don't know where
Confused about how as well
I just know that these things
Will never change for us at all

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world

i hope you enjoy and loving it as much as i did.

Monday, November 20, 2006

+ marhaba +


Its good to be back at cyberspace este blogworld pala...

dami kung e kwento dito pero di ko na e elaborate pa kasi mahaba eh. kakaantok magsulat , magbasa pa kaya?

e summarized ko na lang sa inyo.

Nov. 15 - Party at Ritz for the completation of our last project sa RG. ilang beses akong bumili ng damit para lang sa parting yan, at the last minute nahanap ko rin babagay sa aking katawan, hehehe.

heres the pics:

Completion of T5 at Ritz-Carlton


Nov. 16 - Watched Casino Royale w/ yen, cholo, joi for last full show. we went home at around 3:30am

Nov. 17 - PikNik at Corniche for the 2nd time around...may theme na kami of course, and syempre Korean! after piknik we headed at la maison for a nice , delicious hot choco.

share ko lang pics namin:

PikNik at Corniche 2

Nov. 19, went shopping for house decors, gift for my manita, and some shirt for me and joi at centerpoint.

after that we headed to carrefour to buy charger for my phone. but unfortunately we ended up buying a new one , nice!

im sharing this video for you to watch:



ulan pala dito sa Qatar, yey! buti di ako naglaba kagabi. bakit ako masaya sa ulan? ngayon lang kasi umulan entire 2007 o diba? taglamig na naman...sarap may kaakap sa gabi.

Saturday, November 11, 2006

+ taste of korean +


paumanhin sa mga readers ng blog ko kung bakit sa lahat ng entries ko nitong nagdaang buwan puro na lang nakakabit ang korea...but whataheck! eh blog ko to if u dont like it then leave hahaha!

wala munang share ng video clip from youtube, im busy at walang time mag search at manood ng movies sa ngayon. pero may time magbasa ng mga chikka sa hollywood hehehe like the ever popular divorce of K-fed & Britney. another, searching our menu for wednesday's dinner party at Ritz-Carlton on the completion of our last project. curious lang ako kung ano yong mga menus na pagkahirap-hirap e pronounced. mostly italian & french viad. hindi ba sila nagiisip na halos emplyedo namin sa site puro indians and asians? poor indians kasi halos beef ang main ingredients ng menu. siguro mag sasalmon na lang sila and lots of veggie salad. anyway sa wed. pa yon so hindi muna natin e topic dito.

nag dinner party kami last week, Nov. 5 sa Sheraton Hotel. photo session na naman. foods was great as well as the drinks, drink and eat all u can kasi. Dinning in that 5 star hotel for free is great!

sheraton pics:

Photo Session at Sheraton

PikNik:

at long last natuloy na rin matagal naming pina planong mag piknik sa cornice park. kagabi we had our 1st taste of piknik ( yen, kat,kristinne, moi, joi, aries & kids) kasama pa sana yong dating officemates namin pero sa kadahilanang may mga pangyayaring di maiiwasanhindi sila pumunta. angsaya namin grabe, kasi next week mag piknik nanaman kami and this time may theme na and guess what? of course a touch of korean hahaha! we bought camping stove and flat plate para ihawan and to satisfy more of our korean craziness, we found this newly opened korean food centre! so excited na bumili ng puro noodles. yong mga nakikita ko lang sa series/movies now, matitikman ko natalaga sya, yey! i also bought squid crackers and wasabi. they have kimchi pero ang mahal but we need to buy it for our coming picnic. kung walang kimchi sa picnic walang saysay ang theme namin. hahaha! now we are 101% korean fanatics.

p.s. p.s. im currently watching "princess hours ( goong)" in our home. ang hirap ng subtitles! mahal ko pa rin ang youtube sa sobrang galing ng subtitles na sini share. next week im planning to watch it on youtube kundi mabubuang ako kung yong dvd ang panoorin ko.

actually, e share ko na lang fr. youtube para kay franz atbp. hehehe




Saturday, November 04, 2006

+ tipsy +

Before anything else i would like to share this k-movie ( korean movie) to all of my fellow bloggers:

" II Mare (The Sea)"



if you have watched "the lake house" ( s. bullock/k. reeves) Il mare is better...much better than " the lake house ", i guess...
grabeng paghahanap ang ginawa ko dyan sa youtube and finally! mali lang ata ang search name ko harharhar!

our pinoy boss is back from vacation...sad. tapos na ang masasayang araw namin nong wala sya, but i can still watch movies/series in youtube as if di ko magawa yon dito hahaha! yan ang nagagawa ng pagiging loyal ko dito sa office, may sungay na. yan ang kinarir ko ngayon, ang il mare + work of course , month end eh.

back to bar hopping na naman kami ni yen last thurs. minus the other girls before...why? it's a long story and yokong maging bitch dito hahaha! we were supposed to check this new club as in nasa labas sya ng hotel! dito kasi ang mga bar nasa loob ng hotel, you know nasa middle east kami nakakainom ka lang ng alak sa hotel or may lisensya ka ng alak. the name of the newly opened club is QUBE. the owner of that bar is the same owner of ramada hotel. pag sinabing ramada hotel kasi, ang bar don napaka jologs! hahaha! ka cheapan kasi ang ginagawa ng mga pinoy band na tumutugtog plus the crowd itself kaya walang mga bagets na puti don kundi mga forgets lang na naghahanap ng tsekwa sama pa ang ibat ibang lahi na mababantot. kala naman namin since bago sya and sossy yong club hindi maging ganon ang concept but we are so wrong! as in extension sya ng ramada bar!!! nong nasa labas kasi kami sa sobrang haba ng pila, narinig namin ang kinanta ng pinoy band ...guess what? pinoy ako by orange and lemons. waaaaaaaaaaa! buti na lang di kami pinapasok kasi kelangan ng qatar ID para makapasok eh yong utol ni yen wala pang ID dahil kararating lang...so no choice but back to our fave bar "paloma". i ordered 2 bullfrogs and then nalasing...tipsy lang pala, hehehe...we chatted w/ one of the gold members in paloma named hilmy ( right?) .we talked about Qube and ang comment ng bruho, the club is so nice but the crowd are crapped! hahahaha! see?

naabutan kami ng closing time ng paloma kung pede pa lang ipagtulakan kami ng mga bouncer don para umuwi na, ginawa na nila kasi tagal naming tumayo sa table, hahaha! blamed it on hilmy ang daldal kasi kung anu ano kinikwento tapos nag kwento pa about sa isang kasamahan namin dati. humalakhak tuloy kami! no wonder!!!

its good to be drunked again on weekend!

Monday, October 30, 2006

+ under the sun +


sa mahabang pamamahinga dito, ito na naman ang inyong abang lingkod mag uupdate ng isa na namang walang ka kwenta kwentang istorya ko sa buhay.

bago ang lahat e recommend ko sa inyong buksan ang youtube at manood ng korean horror flick since malapit na ang halloween. yan na naman ang kinarir ko ngayon, ibang putahe naman ika nga puro na lang lab movie/series pinapanood hanggang sa bahay.

A tale of Two Sisters:



Whispering Corridors 4: Voice



Enjoy!

Eid holiday sa Qatar at sa buong middle east nong Oct. 23 to 25. sa mga hindi alam kung anong ibig sabihin ng Eid, e search nyo na lang kay mr. google. 3 days wala kaming pasok, kaya beach to the max ginawa namin ni joi. 1st day ng eid, nag overnight sa seagilid ( gilid ng sealine beach resort) sama mga kababayan ni joi sa butuan. 2nd day nasa sealine na talaga kami kasama sila prieto family minus the tatay & talucod family. hindi na ako pedeng magbabad sa beach or sa pool dahil umatake na naman rashes ko kahit yong ginamit ko na for sensitive skin na sunblock wa epek rin. argh! mga bandang 3pm na ako bago naligo para wala na si ultra violet rays kasi nga di ako pedeng maglagay ulet ng sunblock baka mas lalo pang mag worst mga rashes ko sa braso at sa katawan, kainis! after sealine nag dinner kami sa thai. 9pm tulog na ako! waaaaa! sobrang pagod and sleep deprivation siguro kaya maaga pa lang humihilik na ako hahaha! at tsaka 2 days in a row kaya akong nasa dagat, kaya pa? 3rd day, nag overtime ako! ayos diba? kinarir ko ang panonood sa youtube hahaha! kala nyo naman nag wo-work ako no? hehehe...eh yong pinaka amo kasi namin gusto talagang mag overtime kami para daw marami kaming OT o diba san ka makakita ng ganyang kabait na amo? dito lang sa opisina namin. 4th day, back to reality na tapos na ang ramadan...tapos na ang eid pero buti na lang at half day lang kami pag thurs. kinagabihan pumunta kami sa kababayan ni joi nakikain dahil binyag sa bagong baby girl nila. friday, weekend... nag malling lang sandali at umuwi na para manood ng korean series hahaha! nahawa na kasi asawa ko sa akin.

happy weekdays to all!

Monday, October 16, 2006

buzy bee

I am busy...

for this, LOL!



wala kasing amo nakabakasyon sa Nov. 2 pa ang balik kaya watch mode to the max ako besides surfing, Ausgezeichnet!

Grey's Anatomy is back also Veronica Mars, Lost, Desperate Housewives...Dolce :)

next week is Eid Holidays...wow! bakasyon grande na naman sa Qatar. Pagwawaldas na naman ng pera ang nasa utak ko...buti sana kung may iwawaldas :(

hmmmm....

Saturday, October 07, 2006

korean craziness

yeah...that is me! got hooked again in korean tvseries/movies lately at youtube.

wala na akong ginawa sa office kundi manood sa youtube at mag search ng mga korean movies/series.

my most fave movies /series as of this moment are:

A millionaire's first love

Image hosted by Photobucket.com


My Girl and I
stars: Song hye-gyo or kyo ( full house, autumn in my heart etc. ) & Cha Tae-hyun ( my sassy girl)

Image hosted by Photobucket.com



Smile Again

Image hosted by Photobucket.com


My girl & I & Smile again are 2006 movie/series. sweet.

happy weekdays to all middle easternians and happy weekend to the rest of the globe!

Wednesday, September 27, 2006

In my Mind right now



* gusto ng umuwi ng 1pm ( pero sayang ang OT) para manood lang ng A Love To Kill ( Korean Series) nasa episode 12 na ako so close for the last episode (16). I cried A LOT in episode 11 ( dyan pa ako umiyak throughout episodes 1 to 10) paano na lang kaya ang mga susunod na kabanata...joi & i watched till 2:45am! gulay, adik na naman ako sa korean series...last time kung nanood siguro mga 5 mos. na, to think hindi ko na matandaan ang title. ngayon na naman...after i finished "My Girl" at youtube, nag "Autumn in my heart" na naman ako, nasa episode 7 na ako , 9 episodes more to go.

*I heart Rain, again...sobrang emote to death ang fafa at ang katawan...delishyoso!

*Cinematography ng A love to kill...gusto ko na talagang pumunta ng Korea , si Joi din...

* everymorning my daily breads are : my site forum - shukran forum.com ,youtube, bloggers, people.aol.com, tmz.com, multiply, perezhilton.com ( mostly puro gossips pinupuntahan ko at binabasa), friendster and their blogs, orkut.com ( to accept member of my groups) dapat alisin ko na ang moderation next time, yahoo360. daily yan binubuksan ko right after pagkaupo ko sa aking upuan sa office bago ako mag trabaho. half of my world somekindainvolveincyberspace.

*how can i dispose my 4 days old cake in ref?

*what's my palaman tomorrow in my sandwich for breakfast? chocolate & peanut butter or chicken spread?

*paano magpa pretend na maraming ginagawa kung tutuusin wala na talaga akong ginagawa ngayon kundi mag surf na lang sa cyberspace at manood sa y0utube to think 3pm pa ako uuwi.

*paano ubusin tong corned beef sandwich ko ngayon for lunch?

* anong suotin ko bukas dahil half day lang kami.

ah, kakapagod talagang mag-isip lalo na kung walang kasagutan.

Monday, September 25, 2006

Doha on a Friday Morning


Last Friday, joyride kami sa ibat-ibang dako ng Doha. corniche, westbay, al rayyan, asian games aspire dome, etc... pikture dito, pikture doon habang nasa loob ako ng umaandar na sasakyan. parang ghost town pag friday morning ang doha. konti lang ang sasakyan, konti lang tao na naglalakad/jogging sa cornice ( park ). pero pag gabi naman, hay dyan na mag uumpisa ang krimen sa traffic! pero wala pa ring maglalakad, hahaha! tamad mga tao dito at nakakatakot din tumawid sa kalsada. after joyride, pumunta sa industrial area para dalawin mga kamag-anak ni joi .tapos nag lunch sa florian cafe. whattafridaymorningactivities.

Ramadan Kareem sa mga M dyan, fasting to! bawal kumain at uminom in public kundi huhulihin ka at ikukulong. pero sa gabi naman feasting sila. hahaha. OT to the max din kami ngayon dahil ang office hours namin during whole month of Ramadan is 7am to 1 pm lang, eh gusto kung magka pera ngayong Eid hahaha, kaya 4pm na ako umuuwi kahit wala masyadong ginagawa...meron pala, marami actually... mag surf at DL tsaka manood ng korean series sa youtube. ayos!



sa mga gustong makakita ng doha kahit pics lang ito ang link:

Doha on a Friday morning

Tuesday, September 19, 2006

Sun-kissed

DSC05531

Got rashes again...huhuhu...last time sa beachacapades namin ni joi sa pinas, this time sa sealine beach resort! waaaaaaaaaa! sabi ng hindi na gagamitin yong sunblocked na hindi for sensitive skin eh! ginamit ko pa rin :( . actually naghahanap naman kami sa mga supermarkets dito pero wala kaming B0000537NH.01._AA280_SCLZZZZZZZ_ nakita. kaya ginamit ko na lang yong dating sunblock ang result? rashes all over my body and arms! waaaaaaaaaaaaaaaaa! buti na lang may gamot pero makati pa rin sya, grrrrr! sana naman mamayang gabi di na sya mag iinarte no?

gusto ko na sanang mag enroll sa gym sa isang mall dito kasi mura lang . ang 15 day sessions mga 1,500 php kung e convert, mura lang diba? kasi feeling ko at nakikita ko rin lumalaki na naman ako! mga pagkain talaga dito ang may salarin... kung di mo talaga pipigilan , ikaw lang kawawa. hindi na nga ako kumakain ng kanin ngayn twing pananghalian kundi sanwich na lang. sa gabi konti lang kanin, kasi miss ko sya eh! pero minsan WALA kundi juice lang. poor diet no?... pero dahil sa rashes na ito, hindi ko muna itutuloy ang aking balak.

natapos ko na rin sa wakas ang My Girl! ganda nga at nakakatuwa. thanks Tinne! sa pag share thru your journal. all my pinay officemates are watching it right now! LOL!

p.s. as usual may mga pics na naman kami sa sealine pero for contacts lang eh. sorry...

Thursday, September 14, 2006

Sup?

nothing much, i guess?

Last Thursday, we checked out this bar at Rydges Hotel kami na lang ata ni Joi ang hindi pa nakatungtong dito the rest of the now defunct UMD group nakapunta na. We went there at 9:30pm since wala kaming balak nila yen magpa umaga, pero we ended pa rin till 1:30 am. hehehe. we sat at the pool area kung saan u cannot bring your bottled beers / drinks there unless nakalagay sa plastic cup. parang children's party, hahaha! the music are good kasi iba-ibang era pinapatugtog ng spinner, the party goers mostly mga puti less ang mga asians. so far so good. that's again our first paid gimik for a long time hahaha! mostly kasi libre.

Friday : little shopping , yep! heard it right...im trying to avoid that so far...i bought some tops lang for office and gimiks (hahaha) hey, its cheap so no need to worry.

Tomorrow we are going to Sealine Beach Resort! yey! got myself sun kissed again. I miss beach and my bikinis hahaha!

Happy Weekend to All!


p.s. I am Hooked Again to Korean Series. Gawd!

Saturday, September 02, 2006

wan2sawang party



party no. 1

feeling bday ko ba? hahaha! actually, birthday blowout ni shalli nong Aug. 31, one of the members of UMD group ( United Mangagawa ng Doha, hahaha! jologs). May konting dramahan pa sa email the day before her bday, due to strict daw ang mga bars ngayon dahil hindi pinapapasok pag hindi members? duh! actually (ulet) ginagawa nilang dahilan yan pag 12mid ka na pumunta sa mga bars dito, siguro iwas gulo at crowded na din pag ganyang madaling araw na. so, may mga plans sila aside sa paloma, buti na lang hindi natuloy ang plan Z hahaha, which sa house lang sana gaganapin! para sure talagang makapasok kami sa bar...9:30pm (happy hour) nasa Paloma na kami. Nak ng patutakti wala si Mohammad (our fave waiter) so ending wala kaming table.dagdagan pa ang sobrang gutom dahil nga dapat mag dinner kami don. sakit ng paa + gutom ( whatta party!).pinakain naman kami ni bday gurl. yon nga lang nakatayo kami habang kumakain. dati hindi namin nauubos ang mga pagkain pag mag order ang sino mang mag bday, this time as in UBOS! hahaha! mga PG! Uminom lang ako ng isang bullfrog , usually ganon iniinom namin pero this time since nasa kabilang bar kami eh puro bottled drinks ang binebenta ni mr. bartender, naka 3 smirnoff ice ako. ayon , tipsy na naman si ako. Biglang nabuhayan ng loob si yen kahit masakit na ang paa sa katatayo dahil sa 3 inches sandals nya and mini skirt dahil nakita namin si Mr. Dutch! remember him? whatever! hahaha! (read yen's entry: It's Complicated) na remember pa nya si Joi... this time tawag nya na sa kanya eh, Mr. Cocktail buti tumama rin...pero ngek! humirit pa sabi ba naman, what are u brewing this time? bwahahaha!!!! ewan ko sayo Bram. kahit kelan talaga...huwag ka na kayang mag henglish?! hahaha. as usual nasa front ang aming beauties sa stage para maki jam sa bandang taga africa ata. sayawan to the max na naman kami, kitang kita naman ang ebidens diba?... after paloma, mag costa coffee daw...pero hindi na kami sumunod dahil antok na antok na si joi at lasing na rin...minsan nga nakapikit habang nagmamaneho hahaha! like my tops! kita cleavage harharhar!

pics:

Shally @ 22's Bday Shindig
Shally @ 22
Xhalee's 22

magsawa kayo sa mga pagmumukha namin!


party no. 2

birthday ng aming bossing na si Rey. Nag dinner lang sa Moonpalace ( Korean/Japanese Resto). last year don din kami kumain. place to be ata ng bossing namin don. sabagay, masarap nga naman mga fuds don. lalo na ang tempura, bbq nila. wow! heaven. busog na busog na naman ako. after dinner nag kape muna kami ni yen, joi & jeng. kahit humid sa labas ng starbucks. don pa rin kami umupo dahil no smoking sa loob.

pics:

Rey's Bday!


yon lang more parties to come! hahaha...

by the way, indepence day ng Qatar tomorrow.

Happy Indepence Day to all Qataris!

Sunday, August 27, 2006

Sund Dunescapades


Weekend na weekend nong Friday gumising kami ng 5am! graveh! and considering 2am (friday) na kami nakauwi nong thurs. night bar hopping na kahit isa hindi kami nakapasok kaya ang ending nag cappucino ang mga boys at nag mango frescato kami ni yen with yummy cake sa costa coffee. nong tumunog ang alarm clock, halos di ko talaga maibuka ang aking mata at maitayo ang aking katawan dahil antok na antok pa ako. iniisip ko that time, bakit ako pumayag mag sand dune ng 5am, bwisit! at sa kakapilit ni joi na medyo galit na ang boses, bumangon na rin ako at nanghilamos at toobrush lang di na naligo dahil alam ko mainit at humid sa labas ... aakyat kami sa buhangin and all...sayang ang body wash, shampoo and conditioner. at late na rin kami.

meeting place kina mhan. pagkakita ko ng couch humilata kaagad ako habang sila busy sa paglafang ng breakfast. 6:15 we headed to um saeed, road trip na! sand dune here we come!!! kahit ilang beses na akong nakaakyat don para pa ring 1st time, hehehe...1st time nila mhai, joren, jun, joel...kaya picture taking to the max. after sand dune pumunta sa tabing dagat para maghugas ng buhangin sa kamay at paa. after that, ikot-ikot konti sa aL wakra , 10:30am uwian na...natulog ulet kami ni joi and nagising ng 2pm.

6pm may children party na inaattend , bday ng anak ng ka officemate ko. we got home by 8:30pm . dahil mainit sa bahay na yon hindi kaya ng AC nila, feeling antok na antok kami ni joi. and 9pm natulog na si joi and 10pm naman ako. its supposed to be our supermarket night, pero dahil himbing na himbing si habibi di ko na ginising. kakapagod talaga.So sulit naman, masaya kaming lahat sa sand dune , hindi naman puro gimik sa bar at inuman nakikita nyo... lumalabas din naman kami during daylight. hahaha.

ito ang kabuuan ng larawan:

** sand dune **




this is way to cool! hahaha!



pero ito ata ang mga ka heritage ko...almost asian! hahaha! wow! choi ji-woo is there, yey!

Saturday, August 19, 2006

+UMAGA NA! UWIAN NA!+


mga isang buwan mahigit na atang inauumaga o umaga na kami umuuwi galing party / inuman. ginawa na yata naming bisyo ang uminom ng alkohol tuwing huwebes ng gabi hanggang madaling araw. ang dahilan...frozen vodka mixed ni habibi Joi. sarap talaga! try nyo din...isang boteng vodka, 3 1.5 ltr. orange juice, maraming ice cubes and blender...tarran! hindi mo na lang mamalayan , lasing ka na pala. dahil ang lamig kasi sa katawan. brain freeze nga eh.

Nong thurs. bday ng bago naming tropa? na si Mr. Panis ( Opo, yan ang apelyido nya) huwag kang tumawa dyan, halakhak pede. hahaha!. Pagdating namin, juice ko! daming bwiseta ni bday boi! sabi pa nya di daw mga invited yon, ano? kusa lang pumunta? dakilang gate crashers ang mga yon? wow! kafal...pero siguro nga walang hiya na ang mga yon dahil ka officemates lang naman nya. langya, officemates tapos di invited hahaha! sama naman ni bday boi, pero nungka! ang daming malafang at sangkatutak ang inumin, kaya pa? as per yen! ayon, mistulang ramada yong isang flat...ang jo-jologs , wala kaming masabi kaya umalis kami sa ala ramada at lumipat sa isang flat na nandon ang lafangan wala nga lang alkohol pero buti na lang meron kaming sariling drinks hehehe...

Dahil magaganda talaga kami, yong mga puti eh lumipat sa flat namin...at ito pa, may 3 fogis! mga taga dutch...halata nga dahil hindi marunong mag henglish ang mga hinayufak na yon..imagine sabi nya kay Joi...cook? insted of bartender...duh! hahaha! at tinatanong pa ang assistant. cook? wahahaha! sarap sapakin...pero huwag ka crush na crush ng lahat pwera ako syempre nandyan si habibi hehehe...kaya lang dyokla pala si guapong von dutch! hahaha! at yong kasama nyang naka glasses na fogi din siguro dyowawa nya yon dahil dikit na dikit silang 2 entire night eh...at sabay sabing matutulog na daw silang 2 , hahaha! bading nga! so frustrated si yen...next time na lang yen hahaha!

Wala na masyadong tao sa isang flat na ala ramada so, bumalik kami don dahil yon naman talaga flat ni bday boi Panis. tuloy pa rin ang inuman at gawa ni joi ng frozen vodka, shot na rin sila tig 2 shots ng jose cuervo ang mga girlets. habang nagmamasid lang me sa mga pali-paligid...fishing ika nga...hahaha! wala pa namang naghahalikan pero may yakapan ata at touching-touching lang hahaha! jologs. buti na lang nadikwat ko ang isang supot na toblerone sa ref ng bday boi hahahaha! sama ko. pero mas masama sila. hehehe...

Natapos din ang inuman pero di muna kami umuwi, kaya kami umaga na umaalis pag may farty sa isang bahay dahil baka sa kalabuso bagsak namin ni joi hahaha bawal kasi uminom na nag mamaneho. mga bandang 5am umuwi na kami pero yong ibang girlets mga 7am na daw sila umuwi. kala ko nga nag lunch pa sila don sa flat hahaha!

Dats All...Salamat sa Pagdalaw , pede bang mag comment ka rin?

Tuesday, August 08, 2006

through the years


RockYou slideshow | View | Add Favorite



wala akong ma-ipost eh kaya pinagipon-ipon ko yong mga pictures namin ni ioj 3 yrs ago till latest pic. tagal ko ring ginagawa yan ha, mga 1 week siguro hehehe.

tamad na naman akong mag post ng kung anu ano dito. hai, ewan. even meme ni Nao di ko magawa gawa ...haba kasi...at yoko ngang magisip masyado dahil nakakasira ng mata at katawan hahaha! bitaw Nao, pag may time ako sagutin ko yang meme na yan para di masira ang chain tag.

dito na lang muna tong walang kwenta kung pinagsususulat, kasi magtratrabaho muna ako dahil aalis ang pinaka amo naming italyano dahil magbabakasyon at kelangan nyang mag sign ng sangkatutak na payments at trabaho ko yon. kaya yon na yon.


sa wakas nagkaron din si ako ng time magsasagot nitong meme galing sa bahay ni Nao

FIRST NAME? secret
WERE YOU NAMED AFTER ANYONE? from hollywood starlet
DO YOU LIKE YOUR HANDWRITING? non, ngayon di ko na mabasa
WHAT’S YOUR FAVORITE LUNCH? too many to mention but i prefer breakfast
IF YOU’RE ANOTHER PERSON WOULD U BE FRIENDS W/ YOU? malamang
DO YOU HAVE A JOURNAL? uu
DO YOU USE SARCASM A LOT? sa email, sa forum, sa makulit na suppliers
DO U STILL HAVE TONSILS? siguro
DO U WANT EVERYONE TO SEND THIS BACK TO U? huwag na, spamming lang
WHAT COLOR OF PANTS AND SHOES ARE YOU WEARING? blue & white studded
FAVORITE DRINKs? tubig, diet coke, bullfrogs, smirnoff ice & frozen vodka
HUGS OR KISSES? both
favorite sport? badminton
WHAT’S YOUR SPECIAL TALENT? talented
YOUR EYE COLOR? dark brown
HAT SIZE? large
WHAT’S YOUR FAVORITE CEREAL? cerelac
DO U THINK YOU’RE STRONG? sometimes
WHAT’S YOUR FAVORITE ICE CREAM? belgian choc of haagen daz
SHOE SIZE? 8
RED OR PINK? both
WHAT’S THE LEAST FAVORITE THING ABOUT URSELF? mataray
WHO DO U MISS THE MOST? my father
LAST THING YOU ATE? viscount biscuit
WHAT SOUNDS YOURE HEARING RIGHT NOW? sunshine by keane
IF YOURE A CRAYON, WHAT COLOR WOULD U BE? black
FAVORITE SMELL? pritong pusit
DO YOU LIKE THE PERSON WHO SENT THIS TO YOU? of course
FAVORITE FOOD? too many to mention
LAST MOVIE YOU WATCHED? Superman Returns
WHAT COLOR SHIRT ARE YOU WEARING? black & white
SUMMER OR WINTER? winter
FAVORITE DESSERT? choc cake
WHAT BOOKS ARE YOU READING? wala
WHAT DID YOU WATCH ON TV LAST NIGHT? honeymooners
THE FURTHEST YOU’VE BEEN FROM HOME? mga ilang lakad lang
WHEN AND WHERE WERE YOU BORN? March 10, Davao City
WHO SENT THIS TO YOU? Naomi

mga gustong komopya at gumawa nito...feel free to do so.

im still drunk.

Monday, July 31, 2006

+ buhay nga naman +


manok.

sa KFC, kumain kami nong hatinggabi kagabi. ok, diba? hehehe. wala pa kasing dinner dumiretso na kami sa bahay nila aissa para mag badminton hanggang 11pm. ok talaga trip naming mag dyowa. sarap! yan lang nasabi ko habang sinusubo at halos di manguya sa init ng manok. bagong luto kasi kaya masarap o talaga lang gutom ako. nakaubos ako ng 2 malaking hiwa. o diba, yong binadminton namin parang wala lang. ayos.

bahay o kwarto.

kwarto na lang kasi mahal mga bahay dito. kasalukuyang naghahanap kami ngayon. kasi palalayasin na kami sa katapusan ng agosto. kahit kwarto lang mahal. ano ba naman dito sa bansang ito. halos kalahati ng sweldo mo mapupunta lang sa bahay o kwarto na inuupahan mo. mga lokals talaga mga gahaman. bakit pa kasi mag asian games dito. bwisit.

bugnutin.

ako ngayon, ewan. basta madali lang akong mairita ngayon. konting bagay naiinis ako, kaya minsan nagtatalo kami ni ioj. mga simple at walang kwentang bagay lang pa naman. siguro dahil sa sobrang init na ngayon dito. kahapon kasi 50. kaya pa? at naglalakad ako konti sa kalye mga bandang 10am para maghanap ng taxi. grrrrrr.
sana.

2007 na para mag 4yrs na ako dito sa kompanya at makahanap na rin ng mas malaki-laking sahod. para tapos na yang asian games. para yong pesteng villa /flat na yan magbabaan na ang mga renta.

Saturday, July 22, 2006

R&R


party.

nakipag sosyalan na naman ako nong thurs. sa marriott kasama ko mga ka officemates and the bosses. pinag diriwang lang namin ang pagka panalo ng italy sa world cup 2006. big deal, eh? tuwang-tuwa ang amo naming italyano makikita mo sa kanyang shirt at belt na may flag ng italy, kaya pa? at sama pa ang cake na may flag din ng italy ( ayon sa taas). wala ako masyadong nilamon don sa buffet dahil ang inaantay ko talaga ang prawns. naka 15 ata ako hahaha! siba ko talaga. tapos naka 2 tequilla sunrise at 2 shots na tequilla. wendang. may live music na puro spanish yong mga kinanta nila pero mga standard songs naman so sing, sing lahat pati mga hapon.hehehe. maraming pikture (syempre) pero di ko pa na upload dahil tinamad ako.bukas na lang. after sosyalan, pumunta kami ni joi sa bahay nila aissa dahil may tomaan na naman pero this time hindi na ako uminom taga silbi na lang ako ng alak. yoko ngang malasing at baka may MMK part 2 pa hahaha.

the pics : Viva Italia!

friday.

maglalaro na sana kami ng indoor badminton sa banda pa roon pero under renovation ba naman! bwisit! excited pa naman kaming lahat maglaro don dahil nga indoor. sayang ang get up ha? hayon, nag sisha( hookah pipe) na lang kami sa al bandar resto sa tabing dagat , kahit humid at maalinsangan sige pa rin ang hithit buga sa usok ng sisha ( double apple flavor). pagkatapos nag chillaxed kami sa Ma Maison cafe.

Sabado.

inaantok ako sa opisina ngayon. gusto ko sanang umabsent pero di ko magawa. kakainis.

Tuesday, July 18, 2006

+ bored +


Lamon.

habit ko na ata nitong nagdaang araw. di naman kasi ang daming party na inaattend ( feeling artista ) nandon yong katatapos na party sa marriott's , bday ni webster, bday ni mhan, bday ni jeng na naghanda sa opis at mint, binyag ni rachel na half sis ni jeng kagabi lang. hai buhay. walang tigil sa paglamon ang bibig ko. hindi ko na talaga alam kung paano magpapayat! gusto ko nga sanang isuka ang mga pagkain na kinain ko kagabi. bakit kasi ang sarap kumain! lalo na dito mabili mo lahat na abot kaya lang.

gutom.

yan ang ginawa ko buong umaga. uminom lang ako ng hot lemon juice at isang digestive biskwit. ayos na.

masaya.

kami ni jeng dahil sa WAKAS aalis na rin si day-off! ipinag novena talaga yan ni jeng .

sana sahod na naman.

mean.

bakit may mga taong sadyang mapanglait. dahil ba sa naiingit sila? o dahil gawain na talaga ang manlait ng harap-harapan. may nag comment kasi sa akin sa multiply dahil don sa suot kung gold tops nong party namin sa Marriott. panget daw at hindi bagay sa akin dahil nagmukha akong matanda at mataba ( which is true) pero di ko lang maatim na panget yon at nagmukha akong matanda as in matrona sa suot ko. hay naku. publicity good or bad still a publicity.

Sunday, July 16, 2006

+ alkohol +


Nangyari ang lahat nong Huwebes ng gabi mga bandang alas 10. Kaarawan kasi ni Romano aka Mhan, kaya may konting handaan at maraming alak ( Vodka, Gin, Light San Mig, Triple Sec, Tequilla, Baileys). Konti lang kaming mga bisita nya, mga close friends lang ika nga at not so close din dahil nagdala kami ng isang panauhin na kababayan ko sa Davao. Pero hindi lang ako kundi meron ding iba. Suma total yong mga bisita mga higit kumulang 20 kami. Yong mga lalaki nakaupo lang sa monoblock chairs ( nahiya ata sa mga babae) at yong mga babae naman nasa bar o sa couch. Konting kain muna at hayon umpisa na ang laklakan ng alak! Hanggang mag alas 3 na ng madaling araw natapos ang inuman. Dahil naubos halos ang mga alak lalo na ang dalawang bote ng Tequilla na kaming babae lang ang lumaklak. Kaya halos lahat ng mga babae ay lasing. ako lang ata at si mhai ang medyo hindi lasing. nakapag control kasi. yong iba, nasarapan ata sa ginawang margarita ni joi at minsan ako naman ang gumawa. sa lahat ng mga gimik namin ngayon lang kami naglalasingan. pabor kasi dahil nasa bahay lang kami nila Aissa at pedeng matulog don dahil wala ang parents nya dahil nakabakasyon sa Pinas. Gusto nyo ng ebedensya? pindutin mo lang to:

Mhan

MMK presents : Alkohol

ito naman ang Video :

Happy Birthday, Romano!

Soundtrack of MMK presents : Alkohol

Wednesday, July 12, 2006

+ MAHABA-HABA TO +


Simula nong bumalik kami ni Joi galing bakasyon, hindi ko na alam kung paano na naman magpapayat at pumuti konti. sabagay marami namang pedeng gawin para pumayat. isa na dyan syempre ang hindi kumain, bahala na magka ulcer. sunod, mag gym...kaya lang mahal dito at wala akong datung dahil nilustay na namin sa pinas. pero pede naman sa bahay diba? kaya lang nakakatamad at boring dahil mag-isa ka lang na parang luka-lukang nagsasaway at kung anu-ano pa. buti na lang gumawa ng badminton court sa lawn ng bahay nila Aissa. kaya hayon, kinarir na namin nila yen, joi, webster & aissa's team ( dami kasi nila eh). from 9:30pm to 11pm laro namin. dahil summer at sobrang mainit sa qatar ngayon, isang baldeng tubig ang iniinom dahil in between sa game at 3 balde naman ang tumatagaktak na pawis galing sa buong katawan namin. so far, na postpone yong laro dahil sa sand storm, na ngayon lang natapos pero dahil sa sobrang maalikabok pa rin sa buong paligid pati na sa kalawakan ( fog na fog nga ang dating eh) hindi pa namin maatim ang maglaro ulet. at isa pang naka sore throat ako dahil sa alikabok na yan.


Nag dinner pala kami ng mga taga Doha Office nong Thursday sa Marriott sa corniche restaurant. langya talaga pag buffet, dami ko na naman nilamon! yong 2 weeks na pag babadminton namin nawala lang. sucks!. ano nga pala meron sa opisina namin at nagpapakain ng dinner? Photo Session at Marriott , yes! nagpikturan lang kami don. wala lang talagang magawa opisina namin gusto lang gumastos ng malaki sa walang kadahilanan. at guess what? babalik na naman kami don! bakit? click mo to event, galit sa pera talaga ang aming pinakamamahal na CFO ( chief financial officer).

Kagabi, pumunta ako sa office ni Joi. wala kasi amo nya nag bakasyon at nagliliwaliw sa UK, Canada & US. kelan kaya ako makapunta don? kahit isa lang sa mga nabanggit ko...hai buhay, bakit di ako pinanganak na mayaman. back to my original kwento, so pagdating ko sa office nila , pinakain muna ako ni joi ng cake at pagkatapos lumarga na sa centerpoint plaza ( mga ilang hakbang lang galing sa office nila) hindi sana ako bibili dahil nga kabibibli ko lang ng kung anu-anong gamit sa mango at aldo heto na naman ako. bumili ng slide shoes sa bata,nexus tops, tshirt, capri pants & pants for beach. sabagay kelangan ko rin ang mga yon yong tops & capri pants para sa marriott's dinner yon , yong shoes at tshirt (thurs wear as u are) para sa office at yong pants for beach syempre sa future beachscapade namin. lahat ng binili ko may saysay talaga kasi hindi ako bumibili na tinatambak ko tapos tsaka ko na susuotin. ako kasi pagkabili na pagkabili ko, susuotin ko kaagad lalo na bag, kung tops naman minsan di ko na lalabhan susuotin ko na hahaha! ganyan ka importante sila sa akin. pero yong boots na kabibili ko lang sa aldo nong mga nakaraan, tabi muna sya dahil summer pa eh. baka magka alipunga ako pag susuotin ko sya ngayon summer. nong sumunod na sa akin si joi dahil tapos na ang kanyang work. pumunta kami sa home centre at bumili ng ka ekekan sa room namin, balak naming gawing cozy place yong aming munting paraiso. kaya abangan na lang.

so dito na lang muna kasi kumakalam na sikmura ko sa gutom. lunch na namin. at baka lalamig na yong inorder namin spring roll at friend rice sa prestige.

tidbits:

for almost a week now, i am biting, chewing, savouring the taste of this heavenly viscount





poor sore throat.

Tuesday, July 04, 2006

+ bayan ko +



It's 4th of July, Maligayang Kalayaan ng Amerika! Maligayang Kaarawan , Jodeth! na ngayong nagpapakasasa pa rin sa Pinas.

Hay, miss ko na tuloy ang Pinas kahit sobrang polluted, maraming langaw, tambay, lamok, maingay na kapitbahay, maraming tao sa kalsada, nagtitinda ng mga pagkain sa sidewalk, taxes, high prices atbp. iba pa rin ang simoy ng sarili mong Bayan.

Saturday, July 01, 2006

+ kung anu-ano na lang +


Work: sa wakas! nalinis na rin ang mga papel-papel na nakakalat sa aking mesa at cabinet. nalagay ko na sa mga dapat kalagyan at ready for entries & payments na silang lahat. Bago na naman pala mga kasamahan ko dito. ako na lang at si tsonggo ang luma. sabagay hindi na bago yong papalit-palit kami ng staff sa accounts.

Weekend: nag La Paloma na naman kami, our gimik place to be dahil hindi na mabilang ang papunta namin don. This time libre, nilibre kami ni curly hair shalli (sya yong naka buddha beads) dahil natanggap na nya ang kanyang separation pay sa co. namin ( lumipat na kasi sya sa co. nila yen ). as usual medyo tipsy na naman ako, langyang !bullfrog na yon. buhay na buhay na naman dugo namin kahit pinapawisan at maraming trance music nag e-enjoy pa rin kami sa kakasayaw, kakainom at kakain ng mani, popcorn, nachos at buffalo wings. nagtapos ang aming kasayahan mga 3am na ng madaling araw.

Shopping: oo, yan na naman ginawa namin ni Joi kahapon, napakalaking ad kasi nakita ko kahapon sa newspaper sale daw ang aldo napabili na naman ako as usual...bags (na naman) , shades & boots. hay, naku pambihirang newpaper talaga. last na talaga 'to. hehehe...

ang init na sa Doha! grabeeeeeeeeeeeeee! kahapon 47 ba naman? kaya pa? nag lunch out kasi kami ni joi kahapon sa caravan. sabagay hindi naman bago yon.

ano pa ba?

the OC season 3 finale : gosh! patay na ba sya? i hope not!

Monday, June 26, 2006

+ back to reality +


thursday june 22, 2006 9:00am... lumapag ang aming sinakyang eroplano galing Dubai. Work at last! yan kaagad naisip ko. medyo na miss ko kasi ang aking trabaho (kunwari, pero mas miss ko talaga ang 24/7 adsl net sa opis). sinundo kami ni mhan sa airport ( bago kasi ang tsikot ni mang romano kaya excited manundo. congrats! pala sa bago nilang honda jazz).sobrang init kaagad ang sumalubonng sa amin pagbaba sa eroplano. summer na summer na talaga dito sa doha. pagdating namin sa kwarto, alikabok naman ang sumalubong sa amin. hindi muna kami kumain ng lunch dahil sa pagod nakatulugan namin ang aming kama na puno ng alikabok. sobrang pagod talaga nararamdaman namin hanggang ngayon, imagine... 9pm inaantok na ako as in antok na antok talaga. kaya yong mga damit namin di ko pa naayos sa dapat nyang kalagyan. yong ref namin walang laman. di ako nagluluto ng maayos na pagkain sa amin ni joi kung ano meron sa ref na prito lang pede, yon na. bakasyon ba tawag don? ah...ewan. magastos pa! pero ang importante don nakita namin after 5yrs. ang aming mahal sa buhay. yon, yon.

hanggang sa muli pilipinas...

Friday, June 02, 2006

+ WOW! Philippines +


Daku Island at Siargao

after a long absence in the blog world, I'm back! pero for the meantime lang muna since we are still enjoying our remaining vacation days.

For the meantime pictures na lang muna ang ipapakita ko sa inyo dahil sa dami ng e kwento ko dito di ko na maisa-isa pa dahil until now hectic pa rin ang aking scheds. siningit ko lang tong pag blo-blog dahil baka sa sobrang inaamag na itong paraiso ko baka ma-squat pa! nyahahaha!

click the link for our island hopping pictures and more on my Multiply located at the store near you.

To all my blogmates, salamat sa walang sawang pagpunta dito sa aking soon to be haunted paradise.

Next time na akong mag blog hopping probably sa Mid July.

Sa aking ka Berks sa Doha, malapit na malapit na rin tayong gigimik dyan kaya chill muna kayo at mag ipon dahil Big Sale daw sa July.

Saturday, May 06, 2006

+ Mission not Impossible +


3 days more to go! Hello, Philippines! Hello Mosquitos & Hello Parties! am i excited? nah, ah! halata ba? hahaha! for 5 yrs! 5 yrs of absence in my beloved country, sino ba naman ang di ma e excite diba? Pasalubongs, check. Tickets, check. Baggages, check, Money, check. ready get set go na kami ni joi, yey! but before that syempre since weekend dito kahapon and nong thurs. naki party muna kami sa kababayan ni joi last thursday night. after that party we headed to another house, kita-kits na naman kami ng mga weekend berks namin till 2:30am.

Kahapon, morning pa lang nasa mall na kami ni joi, walang ligo and all hahaha! who cares by the way? we bought our MI:3 tickets and had our lunch at the foodcourt and bought some last minute pasalubongs. 5pm nasa Thai snack bar kami for our despedida treat for them. after early dinner nag kape muna dahil 9pm pa yong movie. What can i say about MI:3? WOW! as usual super action, hi-tech packed movie and may konting drama din. J.J. Abrams ( Creator of Lost) did a good job.

Sunday, April 30, 2006

+ Tex Mex



Thursday night was another night of toma, yosi, sayawan, sexy outfits, party people etc... at La Paloma Tex Mex. It was Aissa's !15th bday. the celebrant as usual lashing but not me! Soooo masaya to the max! dahil sumakit paa at hita ko sa kakasayaw after.

Friday night, we ate our dinner at burger king. after dinner, shopping na! bought accesssories , shirts, lots of lots of bandanas at Claire's. so cheap lang kasi since it was sale. but before that i watched dvd of " Too Tired to Die" Kaneshi Takeshiro & Mira Sorvino. So weird movie but I like it! nadagdagan na naman crush ko!


Saturday, im so tired after work. i took a nap for awhile before headed to Aissa's Bday( again) dinner. this time wholesome na dahil family dinner and some of her close friends At Al Bandar resto. after i ate my small portion of dinner consists of seafoods, uminom kaagad ako ng famous panadol. ayokong magkasakit at umaabsent sa office. and whoalah! back to normal na naman ang aking body temp. but still inaantok and tired pa rin kami ni joi. so maaga kaming nag night-night. ZZZzzzz

for more of our not so famous pictures. whattabout click my multiply at right sidebar, eh?

ciao!

by the way, my other boss was already here :( and tomorrow my noypi boss will report na :( :( , so tapos na ang masasayang araw namin dito sa accounts. but hey! next week is my grand vacation naman so, ang saya-saya pa rin!

Tuesday, April 25, 2006

+ what a wonderful world +


watched this last night starring Ken Zhou of Meteor Garden ( Xi Men) & Gigi Leung, its about a boy fr. 20th century and a girl fr. 1979 - 1981 , they met thru walkie talkie ( na remember ko tuloy yong 90s na nauso ang handheld radios at EB hehehe) imagine! iba ang kanilang scenario, yong boy naka laptop na si girl as in walkie talkie lang at medyo black & white pa ang background ( love the cinematography) ang catch don...huwag na! nood na lang kayo! yokong maging spoiler hehehe...grabe! kakaibang love story, pedeng gayahin ng mga taga hollywood ang story. the best sa lahat ay umiyak daw ako sa katapusan ng story Image and love ko na naman ulet si Xi MenImage. i borrowed the dvd fr. my officemate, its 7 in one! i cant wait to go home and watch another movie hehehe... but wait!

PBB na naman! this time it is teen edition, buhay na buhay na naman ang aming dugo at couch twing 5:50pm hahaha!

----------------------------------

last thursday night was the night again for all of us! nandon sa happening are aissa, mhan, em, jett ( cousin of shiella), sheilla, joel , joi & moi. but before that nag malling muna kami nila aissa & mhan, unang ginawa, lumamon muna sa coffee beanery pagkatapos shopping na! bought tops , shirts for joi and 2 GB memory stick for our digicam. and then pumunta na kami sa house ng isang friend nila aissa dahil may bday. in short naki gate crash na naman kami hahaha! the night was filled with booze, smoke & loud noise galing sa videoke...the stars of the night are Em na lashing & Joel na ngiting aso the entire night dahil naka duet at parating dikit ng dikit sa kanya si Em hahaha! , muntikan ng maghalikan ang dalawa dahil sa kantyaw ng mga lalaki don na mga lashing na rin . sayang hindi ako lashing dahil baka maagawan ko pa ng eksena ang mag dyowa nong gabiImage. whattanight!

----------------------------------

our vacation is fast approaching... i cant wait to wear all my bikinis at siargao & camiguin! and feast the foods from my beloved hometown and baboy here we come! nyahahaha!Image

---------------------------------

wala pa rin mga amo ko, yey!

Tuesday, April 18, 2006

+ our new baby +


since we dont have a human baby yet...yan na muna baby namin , si baby suzuki swift hehehe...its 1.5-litreM15A petrol engine, 4 speed automatic, dual airbags, cd disc etc...all i can say sobrang ganda nya. ang cute! hahaha! tama ng bragging baka biglang uulan sa Doha.


***************************

on the other news, wala lahat ang mga amo namin, nagbakasyon! yey! kaya lang may problema konti pero duh! basta wala pa rin amo namin. buti na lang bumait at sumipag yong naiwan na kasama ko dito. siguro na touch na sya ni Lord. Thank God talaga dahil di ko na kayang gawin pa lahat ng gawaing naiwan nong nag resign sa dept. namin. Excited na rin ako sa bakasyon namin next month. goodluck na lang sa mga lamok, init, pollution, magnanakaw, at higit sa lahat GASTOS. sabagay 5 yrs na rin kaming di nakauwi, so expected lahat yon. and i cant wait to see my beloved Davao city na rin. i miss my mom na tuloy.

**********************************

Mainit na dito sa qatar, na feel ko yan kaninang lunch lang. summer na talaga. iba pa naman init dito as in literal na INIT talaga. aabot ba naman ng 50 ang init dito, oha? kaya pa? kaya pa naman namin kasi kung hindi malamang wala na kami dito. pero comfy pa rin kahit sobrang mainit dahil hindi uso dito ang maglalakad sa kalye at may AC naman lahat ng pupuntahan mo. kaya nga lang di ka talaga makatagal sa labas maski madaling araw dahil mainit talaga! ang okay lang dito kahit tagaktak ang pawis mo di ka nanglalagkit at kulay black ang shirt mo. dahil nga walang pollution dito meron man sobrang tolerable lang talaga. di kagaya sa pinas na, black pati ilong mo hahaha!

saya talaga walang amo, saya-saya!

Tuesday, April 11, 2006

+ so many gimiks to write but too lazy (again) to write+

265375
...thurs, last week... im a little drunk...got a hangover because of frozen margaritas ( i actually made it). sakit ng head ko the whole friday. but still managed to do some household chores ( no choice, eh). we watched Bloodrayne , after i finished my chores...siguro mga bandang 4pm something. the movie is about action-horror film is set in ancient Romania and stars Kristianna Loken (TERMINATOR 3) as Rayne, a half-human/half-vampire sworn to kill her evil tyrant vampire father (Ben Kingsley). Michael Madsen, Michelle Rodriguez, and Matthew Davis play a trio of vampire hunters who ally themselves with Rayne, blah! blah! blah!. the movie is a so-so... what i like most pag nanood kami ng movie is their caramel/salty popcorn. hehehe...sarap!

saturday, i went to joi's office and afterwards pumunta ng mall sa likod lang ng office nila to see if there is a pair of shoes for pasalubong to his dad. and finally, meron nga. but i did not buy it... this week perhaps. after libot-libot sa mall, i chill ( PBBCE Zanjoe famous line) at Costa Coffee. the place is so cozy but the couch is not as soft like in starbucks. but the price is less cheaper but the quality is still the same and love their sandwiches! okay, tama na baka ma discover pa ako ng costa coffee. after 1 hr. half ( o diba, chill na chill talaga) pumunta na kami ni joi sa city centre bus stop para kunin sila aissa & mhan. we headed to sheraton hotel - pirates cove resto/bar. it's mhan treat to us! dahil 1st sahod nya. actually 4 of us except yen, 1st time namin sa pirates cove, the foods is great and also the price, pero okay lang di naman kami ang nagbayad. hahahaha! it has a live solo concert na pinoy ang kumanta at nag organ. kala nga namin cd yon, yon pala live! ganda kasi ng boses nong pinoy. he sung english and pinoy songs...maraming di naka relate na customers sa pinoy songs, kami lang atang 5 ang pinoy na customers don, hahaha! we parted at pirates around 11pm+.

sunday, joi & i went to carrefour para tumingin-tingin ng travelling trolley at para bumili na rin, so we decided na bilhin na lang mas mahal don dahil it has 5 yrs. warranty. gulay, travelling trolley lang almost Qrs. 500 na. tapos itatapon lang ng mga porter pag check in. anyways, okay na rin para di mawarak just in case sobrang tapon ang gawin sa trolley ko.

Monday, April 03, 2006

+ pasalubongs +


2 days ago, naisipan namin ni joi magshopping for our pasalubongs para sa aming mga mahal sa buhay. nabasa ko kasi sa isang local newspaper na SALE daw sa bossini. since, like na like ni joi ang mga cargo shorts don, kaya go na kami. pumunta muna kami sa aldo for shoes hunting sa mga bros. nya. may nakita kaming naiwan sa SALE last season na 2 shoes, kahit sale sya mahal pa rin! binili na namin yong 2 pairs kasi maganda naman kahit last pair na. next stop, sa bossini (of course) joi bought 1 cargo shorts & polo shirt and mine naman a pair of wedding slides sandals ( pang wedding kasi ang kanyang materials like white cloth w/ beads) cute! and mura lang, sa isang shop ko naman yon binili. after hyatt plaza we headed to lulu centre para tumingin ng mga watches for my mader & sister. we saw 2 nice and not so expensive watches kaya binili na namin. Hay! gastos talaga, pasalubong pa lang laki na ng nagastos namin. and to think kulang pa ang mga yon. buhay abroad, talaga naman. next week wala na kaming gawin ni joi kundi mag pasalubong hunting. nakaka stress talaga pag hindi para sayo ang mga pinamimili mo. dahil iisipin mo pa kung magustuhan ba nila o ano. minsan naisip ko, pera na lang kaya ibigay namin at bahala na sila sa buhay nila. pero sabi nga, iba pa rin ang gift at imported goods. goodluck na lang sa amin this month sa paghahanap ng mga pasalubongs na yan. sana mag SALE lahat ng dept. store dito. para madali lang mabili ang lahat lahat!

p.s. yong mga ka-shukran members pala, kung balak nyong makipag EB sa amin. PM nyo na lang sa akin ang mga numbers nyo sa shukran forum. para ma-contact namin kayo anytime. definitely, lunch yon at June pa gaganapin.

Sunday, March 26, 2006

Happy ka ba?


pwes kundi...itong sayo!

Happy Tips

Ways to happiness and spiritual well being

* It's more important to be happy than to be right.
* You can either be happy, or unhappy. Choose happy.
* Live life with an open hand, an open mind, and an open heart.
* Compliment three people everyday.
* Watch a sunrise.
* Be the first to say "Hello."
* Do not waste an opportunity to tell someone you love them.
* Treat everyone as you want to be treated.
* Never give up on anybody; miracles happen.
* Forget the Jones ' s.
* Remember someone ' s name.
* Pray not for things, but for wisdom and courage.
* Be tough-minded, but tender hearted.
* Be kinder than you have to be.
* Do not forget that a person ' s greatest emotional need is to feel appreciated.
* Keep your promises.
* Learn to show cheerfulness even when you do not feel it.
* Remember that overnight success usually takes 15 years.
* Leave everything better than you found it.
* Remember that winners do what losers do not want to do.
* When you arrive at your job in the morning, let the first thing you say brighten everyone ' s day.
* Do not rain on other people ' s parades.
* Live beneath your means.
* Keep some things to yourself and do not promote havoc by backstabbing people you love.
* Stop Rushing Past Life
* Let Go!

Alternative Happy Tips

* Whatever it is, if you really want to eat it, eat it!
* Never piss off anyone who has access to you when you are asleep.
* Never argue with a pregnant woman.

note: wala na naman akong matsismis ngayon, nasa 360 ko na kasi ang weekend gala namin, yoko namang e-copy paste ko pa yon dito ( nag-explain pa?). anyhow, masaya ako dahil nakabili ako ng 3 polos & gimik spag straps for aissa's bday next month. happy ako na buhay pa ako ngayon at magsisimba mamayang gabi kasama si habibi. happy ako dahil nakatanggap ako ng pink bag fr. accessorize ( bongga!) galing kay kat kani-kanina lang. happy ako dahil malapit ko ng makuha ang gold ( hahaha! bold letters talaga) credit card ko (yey! shopping galore na naman, hahaha!). happy ako dahil di pa naubos ang savings ko sa bangko na mag end of the month na which is "himala!" pang bakasyon yon kaya nag-ipon lang. masaya ako dahil maaga kaming natulog ni joi kagabi ( 10:00pm). masaya ako dahil sa lahat-lahat ng blessings na binigay ni Lord sa amin ni joi. amen.

Saturday, March 18, 2006

Happy Araw ng Davao!


inaantok ako ngayon sa opisina, sUbra!!! kaya update muna sa blog kung malapit na namang aamagin.

March 16 : araw ng davao! sayang wala ako sa aking pinakamamahal na bayan. pero umattend naman ako ng sakal ng aking dating officemate. masaya na malungkot ang kasal. masaya dahil kasal. malungkot dahil wala man lang ka musik-musik yong simbahan, konti lang kaming dumalo, wala ang parents ng babae at lalaki, kulang sa preparasyon, in short walang kabuha-buhay ang kasal. nagkabuhay lang dahil fenk na fenk mga suot ng abay at magaganda kami of course! nakakaiyak talaga ang kasal na yon, promise! kasi nga di dumalo ang parents ng babae dahil ayaw na ayaw nila sa broom. hai...mga magulang talaga, kung minsan di mo maintindihan...buntis na kaya anak nyo! hello? kaya yong bride, makikita mo sa kanyang mga mata ang bakas ng kalungkutan... MMK na to! tama na, baka maiyak pa ako at baka pati na rin kayo. pero in fairness masarap ang mga pagkain sa reception, hehehe. kahit ilang beses na akong nakakain ng buffet sa great wall chinese restaurant, kahit the same pa rin mga ulam at desserts nila hindi pa rin ako nagsasawa. sarap kasi! pagkatapos pala ng sakal ng dalawa, back to reality na sila...means...LDR! bawal kasi ang lalaki sa bahay ng babae. wala pa o di pa sila nakahanap ng bahay kaya kanya-kanya sila ng uwi sa kani-kanilang bahay. di ba nakakalungkot? at nakaka " ano ba yan?". Hay, pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Sunday, March 12, 2006

I have... A time of my life


What is with the title? nabubuang na naman ako sa Dirty Dancing! waaaaaa! naiiyak na naman ako nong pinanood ko sya ulet. kelan ko ba last nakita yon? ah! 4th year HS, at tandang tanda ko pa na inlab na inlab pa ako kay patrick swayze. salamat sa nag share ng DD sa limewire.

Thursday.

It was my big night! big talaga dahil big ang gastos. wahahaha! shared bday kami ni em na ginanap sa intercon hotel - la paloma bar. naka pula ang lola nyo dahil, feeling lucky that night. hehehe. ang tapang ng bull frog! naka isang drink lang ako dahil baka matulad ako nila shalli at aissa na nalasing sa 2nd round na bull frog. we danced our hearts out! ang init sa dance floor at ang sikip pa. daming lalaki na gustong makipag sayaw sa amin at kumikiskis sa pwetan kina yen at shalli. pero sorry na lang sila, not interested dahil di mga guapo at ang mamanyak pa! ang guapo nong isa sa banda na tumugtog! bloody hell!!! ka face ni dingdong dantes at hunk na hunk. pahirapan talaga sa dance floor. pati daanan papunta don, para kang dumaan sa talahiban na masukal sa dami ng tao. pero the more the merrier! and more pawis the merrier din! ayos ang sounds. daming guapo at guapa. muntik na pala kaming di makapasok dahil naka polo shirt si mhan-mhan. buti na lang magaganda kami, nyahahaha. pag pasok namin don , juice ko! dami kayang naka tshirt lang. haller talaga! diskriminasyon nga naman. pag puti kahit naka t-shirt ok lang, pag asian ayaw papasukin. after paloma, nag kape muna kami sa dairy queen. sa pictures makikita mo talaga na wasted na kaming lahat! buti na lang walang sumuka.

Friday.

Lunch sana sa mga day people na aking inimbita. kasawiang palad ni isa walang pumunta sa inimbita ko. may sari-sarili silang dahilan. as usual, no hurt feelings. ganyan talaga. next time ulet. gusto ko sanang umabsent sa sabado kasi barado ilong ko at pagod sa lakwatsa. kaya lang, mabait talaga ako na empleyado kasi pumasok pa rin ako. gusto ko din sanang umabsent ngayon kasi barado pa rin ilong ko. pero heto ako, pumasok pa rin. letche! kelan kaya ako maging batugan sa pagpasok?

sa mga gustong makita ang mga larawan namin nong thursday. paki pindot na lang yang link sa baba.

My debut @ La Paloma Bar at Intercontinental Hotel

Wednesday, March 08, 2006


bagong entry: pakibasa na lang kung may panahon kayo

sobrang haba kasi nyang entry ko sa 360, kaya napagpasyahan kung ito na rin ang entry ko dito.

atbp.

lapit na rin bday ko. yey! bukas na ako mag celebrate sa mga night people. at kinabukasan non friday, magpakain naman ako sa nga day people. okay, gagastos na naman ako. pero syempre, thankful to Him dahil buhay na buhay pa rin ako dito sa mundong ibabaw. last sunday pala nagumpisa yong born again mass sa bahay ng amo ni joi. tuluy-tuloy na tong pagiging mabait ko. sana di pa ako kunin ni Lord. Oi! good news (for me) dahil naka DL na rin ako sa wakas ng dirty dancing ( original version) yey!. may bago na palang patakaran ngayon ang Qatar tungkol sa drinking while driving. 6,000 (x 14= to peso) riyals lang naman ang fine plus 40 lashes! wow! ayan tuloy si joi at yen di maka tungga ng alak ngayong huwebes dahil sila lang naman ang mga dakilang driver. sana ganyan din sa pinas. pero wa-epek din malamang. siguradong palusutin ang mga ganyan lasing habang nagdri-drive basta bigyan lang ng lagay ang mga buwayang pulis. sa wakas nakabili na rin ako ng dress para sa sakal ni mart at jodeth ngayong march 16. as usual sa Sana ko lang binili dahil mura lang mga damit don at maganda pa.

o sya next week ulet. mag sho-shopping pa ako for my shoes and accessories perhaps.

Thursday, March 02, 2006

+buhay nga naman+


on grocery

Sa wakas nagtuloy din ang parating na po-postpone na paggrocery. last week pa namin balak pumunta ng supermarket pero ang laging sagot ko kay joi "bukas na lang" hanggang sa natapos na lang ang isang linggo, hindi pa rin natuloy. ang dahilan? PBB celeb edition hahaha. wala lang. naintriga lang ako sa mga tao sa bahay ni kuya. lalo na kay rustom at keanna. at di nga ako nagkamali sa aking hinala. dahil isa nga syang drag queen! salado ako sayo rustom dahil sa pag-amin mo on national television. di biro yon ha? kelan kaya aamin si Piolo Pascual? malamang pag wala ng karir . sayang kagabi, di ko nasaksihan ang pag-amin ni rustom kasi nga nag grocery kami. nabasa ko na lang sa abs-cbn.com. ewan ko ba pag grocery na ang topic ni joi, wala akong kagana-gana. kahit wala ng laman ref namin. nakakatamad kasi dahil mamimili ka (at matagal ako nyan) tapos mong mamili, paguwi ng bahay ilalagay mo na naman sa ref. o sa mga dapat kalagyan ng pinamimili mo. alam ko na sabihin nyo, buti nga ikaw may pamimili yong iba namomoblema kung san kukuha ng pambili. sige na, im so thankful to the Lord at dapat di ko na kaiinisan ang mag grocery. hahaha. wish ko lang sana may online shopping sa family food center o kahit anong supermarket dito sa doha para sa net na lang ako mamili at door 2 door delivery pa. wish ko lang!

Sa trabaho.

alam ko naririndi na kayo sa mga parinig ko sa mga ka officemates ko na hindi mo talaga ma take ang mga ugali pagdating sa trabaho. pero blog ko to, sabihin ko ang dapat kung sasabihin, okay? hehehe. ayon binigyan na nga sila ng memo. at buti naman nakinig. pagdating naman sa trabaho nila, yong isa masipag-sipag na kahit slow pa rin at burara. pero yong isa, wala pa ring pagbabago. ganon pa rin, inuuna pang ang net kaysa pagtratrabaho. kaya ang resulta naputulan kami ng 3 linya for mobile fon. trabaho kasi nya yon. mabait pa rin co. namin kasi di sya pinagalitan. may bago na naman sa opisina namin. naka-assign sa reception. ang angas umasta! grabe. pinay din tulad ko. at nasa 22 pa ata yong bruhang yon. day-off rin kasi hanggang pwet yong buhok nya. hai, naku di ko na lang papatulan. aalis din naman yan sa kalaunan.

pagsasaya.

10004743nanood kami ni joi ng underworld: evolution. ganda! aksyon na aksyon at madugo. nakuwi kami ng bahay 12past midnight na.

weekend.

kumain kami sa thai karenderya nong thurs night. sama sila yen, aissa, at mhan2. after thai balak sanang magkape sa fauchon pero closed na. kaya balik ma maison na lang kami. matagal-tagal na rin kaming di nakapagkape don. pagpupunta kami non, may libre kaming mini biskwit pero that time , wala. balak pa sana naming gumimik sa club pero buti na lang napigilan.

kahapon, pumunta kami ng beauty parlor ni kat. napag relax at trim sya ng hair. ako naman, nagpa facial (ouch!ouch! sakit!). sumunod si yen sa parlor galing gym. pagkatapos ng parlor, kumain kami ng dinner sa eli france ( yen, kat, joi,shalli). tapos kumain, ikot-ikot sa city centre mall para maghanap ng damit para sa kasal ni jodeth. pero wala din kaming nahanap. nagsarahan na ang mga shops kaya umalis kami sa mall at nag hot choco sa ma maison.


Sunday, February 26, 2006

+ shake your goove thing +


i dont have to groove nowadays...ZZZzzz... Wala akong masyadong work sa office dahil natapos ko na ang aking trabaho, kaya ganon.. as a matter of fact...ginagawa ko ang work ng mga ka officemates ko na ang babagal mag trabaho. And they don't know how to say thank you in return...deadma!...ika nga if you cannot beat them, work their jobs! we have deadlines ( who has not?) but they dont take it seriously. kaya ang nangyayari, ako at ang aming manager ang gumagawa ng trabaho nila...GREAT!

No gimik on thursday. We had dinner lang at best fish and watch DVD, sleep at 11pm...o diba? Friday is another story, 1pm nasa kalye na kaming apat (joi & his relatives). lunch at bbq street side, malling, coffee at cinnzeo, dentist, dinner at central cafe. watched PBB at the living room and In her shoes movie at our bedroom ( i like this movie, very touching and with moral lesson)...tumatanda na talaga kami ni joi...i can feel it and he feels it too...